★ 100 ★ 2/2

213 11 0
                                    

CHANSEY'S POV

One week na ang lumipas.. Heto si Calexy bumabawi sa akin at naghanda siya ng isang romantic date malapit sa tabing dagat. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.

Matapos ko malaman ang explanation niya ay agad ko na siyang pinatawad. Wala siyang alam at maalala na ginawa niya ang makipahiwalay sa akin. Nangyari ang lahat ng iyon dahil sa pang-aakit ni Nadasha gamit ang gayuma.

Pero napaisip ako.. Paano kung totoong mangyari ang ganun na walang gayuma? Ano kayang mangyayari sa aming dalawa kapag naghiwalay kami?

"Stop thinking of nonsense, Chansey. It will never happen.." Sabi niya nang makakuha na siya ng wine.

Hay.. Heto talaga napaka-Mind Reader.. "Sorry.." Sabay peace sign ko pa.

"Chansey.." Bumalik ang tingin ko sa kaniya at ang seryoso ng tingin niya sa akin. "I'm leaving for two months.."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "A-Ano? Saan ka naman pupunta?"

"A business trip to Hawaii.. I need to be there.."

Two months at sa Hawaii pa?

Ewan ko, pero bigla akong nalungkot na aalis siya. Para sa akin ay matagal ang two months na hindi ko siya makikita, tapos Hawaii?

"Maraming babae sa Hawaii diba?"

Nagpigil-tawa naman siya dahilan para mapangiwi ako sa kaniya. "Yeah. And I love you when your get jealous! Damn! Hindi ako mambabae ro'n.."

Humalukipkip naman ako sabay sandal sa kinauupuan ko. "Oo.. Hindi ka nga mambabae ro'n pero matutukso ka naman. Paano kung akitin ka ng mga babae ro'n? Baka hindi kita sagutin diyan, eh!"

Mas lalo pa siyang natawa at nakakainsulto, ah?

"Hahaha!! You can come with me if you want? Pero paano pag-aaral mo? At kahit hindi mo ko sagutin, you are already my official girlfriend. And when I seeing you jealous like that, mas lalo akong naiinlove sayo." Sabi niya sabay kindat pa.

Bolero..pero kinikilig ako. Yiie~

"Bakit ang bilis? Hindi mo na ba hihintayin ang matamis kong 'Yes'?"

Expectation ko kasi, lalapit siya sa akin at luluhod. Pagkatapos tatanungin niya ko ng 'Would you be my Girlfriend?', kaso hindi eh..

"Saka na kapag niyaya na kitang magpakasal." Sabi niya. Shemay! Yung puso ko umaabnormal ang tibok sa kilig! Ang bilis! Tumayo siya at lumapit sa akin. "Shall I dance my girlfriend?" Tsaka niya nilahad ang kaniyang kamay at tinanggap ko naman agad.

"Dance? Paano walang music?" Sabi ko nang makatayo na ko sa harap niya.

Tapos ay bigla siyang ngumiti. "Yeah, there's no music, but you can sing for me while we're dancing. Can you do that?"

Sing?

Matagal na rin at taon na ang lumipas na hindi ko na nagagawa pang kumanta.

"H-Hindi ko alam kung marunong pa ako. Pero sige.. Para sa boyfriend kong Alien.. Kakantahan kita.."

Pinalupot ko ang aking mga kamay sa kaniya batok, habang ang mga kamay niya ay nasa waist ko at sinimulan na naming magsway nang magsimula na rin akong kumanta.






JERIC TAN'S POV

One month later...

Amnesia... Yun ang sakit ko ngayon..

At si Alecsa, nakakapagtaka na siya lang ang hindi ko kilala. Ang pamilya ko, ang pamilyang Hanston.. Sila lang ang mga kilala ko, maliban sa kaniya.

Isang buwan na ang lumipas at araw-araw ko siyang nakikitang malungkot kahit nagkukunwari siyang masaya kapag kasama niya ko.

Isang buwan siyang nagtitiis at nagsaksakripisyo para maipaalala lang niya ang lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa na pilit ko rin iniintindi, kaso wala talaga. Sina Chansey at Shashine madalas nagsesetup sila ng date para sa aming dalawa ni Alecsa.

"Hindi ako susuko dahil marami na tayong pinagdaanang dalawa. At maniniwala ako nababalik din ang alaala mo, na maaalala mo rin ako." Sabi niya habang naiiyak siya, tsaka niya hinawakan ang aking kamay.

"Alecsa.." Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya na kung gumawa na lang kaya kami ng panibagong alaala? Kasi sa totoo lang, matagal pa bago bumalik ang alaala ko. "Itigil mo na..."

"Ang alin?"

"Ang nakaraan natin.. Siguro nga napaka-special mo sa akin noon. Kapag nakikita kitang malungkot, parang nalulungkot din ako. At yung mga ngiting pinapakita mo sa akin ay nasisiyahan ang puso ko." Hinawakan ko ang kamay niya. "Nakalimot man ang utak ko, pero sa tingin ko ang puso ay hindi dahil mukhang ikaw pa rin ang sinisigaw nito. Okay lang ba sayo kung gumawa tayo ng panibagong alaala?"

Napatulala siya sa sinabi ko, kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha.

"Kung iyon ang gusto mo, ayos lang sa akin basta ang mahalaga..hindi mo ko iiwan."

"Oo.. Promise.."

Bigla naman siyang ngumiti kahit lumuluha pa rin siya. At nagulat ako nang bigla niya kong hinalikan sa labi. Napapikit ako...

Pakiramdam ko ay nangyari na 'to noon..






SHASHINE'S POV

Two months na ang lumipas, malapit ng bumalik si Kuya Calexy from Hawaii.. Hindi nga namin alam ni Mommy kung anong business ang inaatupag ni Kuya roon kasama si Uncle Simon. Nagtanong na kami kay Aunt Lian, kaso ang sabi 'SECRET and SURPRISE'. Kapag sinabi niya, mag-aaway daw sila Uncle.

"Mommy, pasok na po ako sa school."

"Sige, ingat ka, anak!"

Pagdating ko sa WeSity, naglakad ako sa corridor nang bigla may tumambad sa mukha ko ang isang bouquet of flowers at lumabas si Warrenz sa kinatataguan niya.

"Flowers for my Alien Girl.."

"Hay naku! Ang aga-aga, huh?"

"Ganun talaga, maagang pampakilig sa umagang kay gandang katulad mo." Yung mga banat niyang kinikilig ako.

"Thank you.."

Pagkatapos inakbayan na niya ako. Si Warrenz, manliligaw ko na pero secret lang muna baka mayari kami kay Kuya Calexy. Narealize ko rin na may gusto ako sa kaniya at dinideny ko lang iyon sa sarili ko dahil masyado akong nagpapadala sa inis ko.

Nang malaman ko yung tungkol sa Video ni Aiya.. Humingi na rin ng tawad si Ricca sa akin bago siya magtransfer sa America. Tanggap na niya ang kaniyang pagkatalo at siya dapat ang lumayo para wala ng gulo pa ang mangyari. Syempre, tao rin ako kayang magpatawad.

Si Aiya naman naging pabebe lalo simula nang ligawan na rin siya ni Zac ng pasikreto. Next year ay mag-aaral na rin si Zac dito sa WeSity, kaso graduating na ko noon at siya first year palang at ganap na siyang 'HANSTON'.. Zac Ezio Hanston. Syempre, hindi mawawala ang baby pet nila na si CJ8.

Biglang dumating yung dalawa na sina Nate at Stanley, sabay nila kaming pinalakpakan. Ang dalawang to, simula nang mangyari sa akin ay naging matured na ang mga 'to. Masyado kasi silang nainis kay Ricca at natuwa ako nang ako pinili nilang kampihan.

"Anong problema niyo?" Natatawa kong sabi.

"Treat niyo naman kami!"

Sinabi ko bang matured na sila? Siguro very light palang ang pagiging matured nila.

"Mga gugong talaga mga 'to! Bigyan ko kayong pera mag-date kayong dalawa!"

Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki saka sila nag-akbayan. "Deal!"

"Sureness!" Pambabaklang boses kunwari ni Stanley sabay yakap kay Nate.

Haayy! Mga baliw talaga! Natawa na lang kami ni Warrenz sa dalawa. Ang saya sa pakiramdam na madagdagan ang mga kaibigan ko tulad nila.

Siya nga pala, last chapter na lang ito.. Ano na kayang Ending namin sa Epilogue? Libre Hula!

* * *

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon