★ 65 ★

197 10 1
                                    

CHANSEY'S POV

Nagising ako na medyo madilim pa dito sa loob ng opisina ni Papa. Ang hoodie jacket ko lang ang nagsilbing kumot ko buong gabi.

Tumayo ako at nagtungo sa window wall tsaka ko ito binuklat ang dalawang kurtina na tumatakip dito. Bigla akong umiwas ng tingin dahil sa sinag ng araw.

Nabigla ako nang may marinig akong sunud-sunod na katok mula sa pintuan. Naglakad ako patungo doon at saka ko binukas iyon. Ang Secretary ni Papa, bakit ang aga niya? Ano na bang oras?

"Good Morning. Maaga akong pinapasok ni Mr.CEO dito para tignan ka kung okay ba ang tulog mo dito? And one more thing.." Sabi niya at pansin ko na may hawak siyang plastic bag. "Kumain ka daw ng breakfast kahit itong cup noodles lang."

Napatango na naman ako at nginitian ko siya ng pilit. "Salamat dito. Pakisabi kay Papa na maayos naman ang tulog ko dito sa opisina niya."

"Hmm.. Sige. Pero curious lang ako, bakit dito ka natulog?" Tanong niya.

Sabagay, nakakapagtaka talaga lalo na't first time ko lang natulog dito.

"G-Gusto ko lang.. Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko namang sabihin na Family Problem ang dahilan.

Ngumiti naman siya. "Don't mind me and yes, kumain na ko. Sige, may gagawin lang ako sa marketing department."

"Ahh.. Sige.."

Pagkatapos ay isinara ko na ang pinto pagkaalis niya. Umangat ang tingin ko sa kanang bahagi ng opisina at doon ko nakita ang isang wall clock. Alas siete na pala, may 30mins na lang bago magsimula ang klase ko. Siguro ay kailangan ko munang lumiban ngayon dahil hindi ako pwedeng pumasok ng ganito ang itsura.




JERIC TAN'S POV

Naka-indian sit ako ngayon sa Bermuda Grass dahil nasa tapat ko lang naman ang lapida ni Lorelei.

Pagkatapos kong magtirik ng kandila ay inangat ko ang tingin ko sa itaas. Ang ganda ng kalangitan ngayon kung nasaan si Insan. I took a deep sigh...

"Happy 21st Birthday, Insan.. Ayos, binata ka na. Haha! Biro lang.. Inagahan ko ang pagbisita sayo kasi may kailangan pa kong asikasuhin mamaya, eh! Alam mo na, medyo busy na ang Kuya Tan mo ngayon. Parang kailan lang pero miss na miss pa rin kita, para na kasi kitang Little Sister, eh.. Don't worry, mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay mo kapag na hanap na namin si Miguel."

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon