★ 87 ★ 2/2

144 7 0
                                    

SHASHINE'S POV

Gulat ako nang abutan ako ng singsing ni Warrenz. Hindi ako makapagsalita sa ginagawa niya ngayon. Ano bang ginagawa niya? Dapat kay Ricca hindi sa akin!

Hindi ko na kinaya yung mga tingin ng lahat ng tao sa amin kaya tumayo na ko, saka ko na siya tinalikuran at tumakbo palabas ng venue. Nakakahiya!

"Shashine!"

Kilala ko ang boses na 'yon at napangiwi ako dahil doon, pero tuloy pa rin ako sa paglalakad kung saan. Nakakainis siya!

Natigilan lang ako nang hinawakan niya ko sa aking braso kaya mabilis akong napaharap sa kaniya.

"Ano?!" Iritang sabi ko sa kaniya.

"I-I'm sorry! Ginawa ko lang 'yon para---"

"Para ano?!"

"Para itigil nila ang engagement."

Napakunot-noo namn ako. "Ah ganun? Ginawa mo 'yon at ginamit mo ko!"

This time hinawakan na niya ang kamay ko. "Sorry na! Please forgive me, Shine.. Ayoko lang talaga ma-engage kay Ricca. I just can't help myself that I'm still loving you kahit wala na talaga akong pag-asa."

"Warrenz..." I feel sorry for him. "Bumalik ka na doon. Hinihintay ka ni Ricca, I know that someday matutunan mo rin siyang mahalin. I'm sorry.."

Pagkasabi ko noon, napayuko siya. Pakiramdam ko ay parang mas bumigat pa ang dibdib ko na tila gusto kong maiyak na ewan. Bakit pati ako nasasaktan?

Bumaba ang tingin ko mga kamay namin. Hawak niya pa rin ang akin, na tila ba gusto niyang isuot sa akin ang singsing. Kaso bumitaw na ko.

"Hindi yan para sa akin.. Bumalik ka na doon." Mahinahon kong sabi sa kaniya.

Bumalik ang tingin niya sa akin. "Oo na, sabi mo eh.." Bagot niyang sabi tapos tinalikuran na niya ko sabay hagis niya sa singsing patalikod.

"H-Hoy! Warrenz, yung singsing! Bakit mo tinapon?" Nababaliw na siya!

Hindi niya ko pinansin, parang wala siyang narinig at tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Haist! Ang lalaking 'yun talaga!" Inis kong sabi.

Ako naman ay hinanap ko yung singsing dito sa Bermuda grass. Hindi ko alam na dito pala ako napadpad sa isang maliit na park malapit sa hotel nila. Hindi nagtagal nahanap ko rin yung singsing, pagkapulot ko ay natigilan ako nang makita kong may dalawang itim na sapatos ang nakaharap sa akin.

"Tss.. Sabi na nga ba babalikan mo----AAHHH!!" Napasigaw ako nang may sumakal sa akin at nagawa niyang paangatin ako na hindi na ko naapak sa damuhan.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon