★ Epilogue ★

490 19 0
                                    

Lumipas ang isang taon, binisita ng pamilyang Hanston ang puntod ni Shone na may ngiti sa labi.

"Hi Daddy! We're here again!" Masayang sambit ni Shashine.

"Hi Honey, sorry kung ngayon lang ulit kami nakadalaw ng mga anak mo." Sabi ni Jini.

Pinatong namin ni Calexy ang isang basket ng bulaklak sa tapat ng lapida ng kaniyang ama. Si Jini naman ay biglang humalukipkip.

"Hay naku, Honey.. Ba't ang hilig mo sa surprise? Kung hindi ko lang pinilit itong panganay mo, hindi ko malalaman na may pinapatayo ka palang resort sa Hawaii!"

"Yung yacht ko pala nandoon, Daddy.. Huhu! Akala ko pa naman nandito po sa Pilipinas." Sabay pout ni Shashine.

Nakangiting napapailing na lamang si Calexy sa ina at kapatid niya.

"But still, I made you happy. Naeexcite na nga kayong pumunta ng Hawaii." Biro ni Calexy, tapos ay tumingin siya sa puntod ng ama. "Well, anyways.. Thanks for guiding us, Dad, whether you're not here."

"Hehe! Tama anak mo. Don't worry, Honey.. Wala ng manggugulo sa buhay namin at sa mga mahal namin sa buhay. Wala ng madadamay pa dahil tinapos na ng mga Sternet Warriors ang lahat--este si Miguel pala.."






----





Ang pinaghirapang ipon ni Jeric mula sa kaniyang pagtatrabaho ay nagamit na niya sa kanilang kasal at bagong tirahan ni Alecsa. Sobrang saya ni Alecsa na bumalik na ang alaala ni Jeric limang buwan na ang nakakalipas at sa wakas ay asawa na niya ito.

Hindi naman inaasahan ng mag-asawa na bibisitahin sila ni Calexy.

"Ba't di mo sinama si Chansey?" Tanong ni Alecsa habang hawak ang maumbok nitong tiyan na nasa limang buwan palang. Pakiramdam niya ay kambal ang anak nila Jeric.

"Nasa trabaho pa.. Mamaya ko pa siya susunduin." tapos ay inabot siyang dalawang paper bags kay Alecsa. "For your babies, I know you can use these for them.."

"Wow! Thank you, Calexy!"

Agad naman siyang inabutan ni Jeric ng isang baso na may lamang alak, at tinanggap naman niya ito.

"Eh kayo ba ni Insan, kailan niyo na balak magpakasal?" Tanong ni Jeric habang nakangiti at tinataasan ng kilay.

Sandaling uminom ng konti si Calexy sa kaniyang alak. "Very soon.."

"Weh?? Bilis-bilisan mo para magkaroon na ng kalaro ang kambal namin." Biro ni Jeric. Natawa naman si Alecsa.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon