★ 86 ★ 1/2

169 6 0
                                    

ALECSA'S POV

Wala palang communication, ah?

Kaso bilang namatay yung line. Pinatay na niya. Binaba ko na ang phone at initsa ko kay Nadasha pabalik sa kaniya. Mabuti na lang magaling sumalo.

"Pinatay na niya. Tawagan mo ulit, kapag hindi ka nakipag-usap sa kaniya ngayon. You're fired."

"S-Sige, tatawagan ko siya.."

Pero bago niya gawin 'yon ay hinila ko na siya papasok sa loob ng CEO Office, mas maganda kung alam din ni Calexy ang tungkol dito.

"What are you doing here? Hindi ka man lang kumatok? Tss..." Sabi ni Calexy, pero hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"I-dial mo na, don't forget to press the loudspeaker." Utos ko at ginawa naman niya.

"What's going on?"

"H-Hello, Miguel.."

Patayo naman si Calexy nang banggitin ni Nadasha ang pangalan ni Miguel.

(Sabihin mo sa kanilang...sumusuko na ko kapag inalis nila ang kakaibang kapangyarihan na sumanib sa akin.)

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Calexy.

"A-Anong pinagsasabi mong may sumanib sa yo?"

(Sabihin mo sa kanilang puntahan ako sa building na pinangyarian noon kung saan nakaganap ang labanan.)

Pinatay na ni Miguel ang telepono kaya binaba na rin ito ni Nadasha. Tumingin naman sa akin si Nadasha. "Ayokong mawalan ng trabaho, Miss Alecsa.. Please." Napaawang labi niyang sabi.

"Kailan pa?" Tanong bigla ni Calexy sa kaniya. "Kailan mo pa siya nakilala?"

"M-Matagal na rin.. Three years ago. Nakita ko lang siya noon na nanghihina sa kalsada kaya tinulungan ko. Oo, tinanggap ko pa rin siya kahit wanted siya sa mga pulis. Kaso naawa ako at nakiusap siya na itago ko siya, kaya pumayag ako."

Napailing naman ako. "Alam mo ba kung bakit namin siya hina-hunting? Dahil----"

"Enough that, Alecsa.." Pigil sa akin ni Calexy.

"Sorry.. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo." Tumango naman siya at lumabas na ng opisina. "Calexy, may sasabihin ako."

Umupo na siya sa kaniyang swivel chair. "Ano?"

"Yung tungkol sa sumanib kay Miguel kung bakit nangkaroon siya nang ganung kapangyarihan. Nasundan tayo ng kalaban kaya sumanib sa kaniya yung Alien na nakaharap natin noon sa Mars!"

Natigilan naman siya at bakas sa kaniya ang pagkabigla.






MIGUEL DOMINIC'S POV

Napangisi naman ako.

"Ako susuko? Ano ako, bobo?" Bigla akong natawa sa aking sarili habang hawak ko ang gamit kong telepono. "Pagkakataon ko lang 'yon para magamit ko ang aking kapangyarihan kay Calexy para tapusin siya."

Iisa-isahin ko muna sila..






CHANSEY'S POV

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon