★ 81 ★

190 7 1
                                    

ALECSA'S POV

Ngiting-ngiti naman ako habang binabati ako ng 'Good Morning' ng mga nakakasalubong kong empleyado dito sa company. Sa ngayon kasi secretary muna ako ni Calexy temporarily habang wala pang nagtatangkang mag-apply ngayon.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng opisina na ni Calexy, I knocked the door twice, but there's no response so pumasok na ko. And to my surprised..

"Wow! Good Morning, Mr. CEO! Mawalang galang naman wala ka sa bahay niyo para matulog ng ganiya. Oy!" Bulyaw ko pero mukhang waepek sa kaniya.

Aba! Porket siya na ang Boss eh pwede na siyang gumanyan-ganiyan? Nakasandal sa swivel chair habang nakapatong ang mga paa niya sa table niya. Grabe!

Dumilat naman siya ng konti para tignan ako. "There's nothing to do, so I'll take a nap for 5minutes.."

Napacross arms naman ako. "Sabagay may point ka." Sabi ko. Binuklat ko naman ang dala kong notebook para tignan ang schedules niya for today. "Hmm... Hindi ako sanay but I need to be pormal. Okay, Mr.Calexy Hanston.. You have a meeting at 9am. The next is, you have an appointment with Mr.Lando Dela Fuente--- Huh? Papa ni Chansey 'to, diba?" Pagtataka ko at tinignan ko ulit si Calexy na natutulog. Tss.. Bastos na lalaki! "Hay naku! Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!"

Inis naman akong lumabas ng opisina niya.

"Miss Alecsa!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

"Yes, Miss Alfaro?"

Pagkatapos ay lumapit naman siya sa akin at may inabot na folder sa akin. "May gusto pong mag-apply bilang Secretary ng CEO.."

"Talaga?" Sabi ko at napataas ang isang kilay ko ro'n. Binuklat ko naman itong folder at binasa ko ang résumé niya. "Nadasha...Cabrera? In fairness, hindi nalalayo ang age gap niya sa amin." Pagkatapos kong basahin ay tumingin ulit ako kay Miss Alfaro. "Nandiyan pa ba siya o umalis na?"

"Umalis na po yata. Gusto niyo tawagan na lang po natin over the phone?"

"Maybe tomorrow na lang."

"Okay po.." She said then umalis na.

Gusto ko muna sulitin ang pagiging secretary ko kay Calexy. Hehe! Eh sa wala pa naman talaga kaming ginagawa parang first day of class lang.. Pfft! Matawagan na nga lang si Boyfie~





SHASHINE'S POV

Mabilis akong nagtago nang agad kong nakita sina Warrenz kasama yung mga kumag niya.

"Edi tuloy-tuloy na engagement niyo ni Ricca?" -Stanley

"Yeah.." Bagot na sagot ni Warrenz.

"Ayaw namin siya para sayo, kaso ano ba namang magagawa namin?" -Nate

"Basta pumunta na lang kayo.."

Humina na ng humina ang boses nila dahil naglalakad na sila palayo. Sumilip ako para sundan sila ng tingin. Papunta sila sa library.

Pero tama ba narinig ko? Engagement nila ni Ricca? Iyon ba ang dahilan para iwasan at manlamig siya sa akin? Eh ano naman konek nun? Haist! Bahala sila!

Sandali naman akong natigilan sa paglalakad. Bakit ganun? Bakit nakaramdam ako ng lungkot? Dapat masaya ako dahil wala ng Warrenz na nang-aasar sa akin? Pero bakit parang ang sakit sa dibdib?

---

Sinundo ako ulit ako ni Zac dahil utos daw yun sa kaniya ni Kuya at para maging secured ako dahil may tiwala siya dito.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon