★ 85 ★

169 7 0
                                    

SHASHINE'S POV

Woooo! Finally! Natapos na ang Midterm, unat-unat muna! Mmmmm...

Sinilip ko naman ang phone ko at may nareceive akong text message galing kay Aiya.

Aiya: Bhest, tapos na exam ko. Tapos ka na rin ba?

20mins ago na siyang nagtext. Kaya tinawagan ko na siya.

"Hello, Aiya!"

(Bhest, tapos ka na?)

"Katapos lang. Na saan ka?"

(Dito sa cafeteria. Punta ka na dito!)

"Fine. Wait for me there."

(Arraseo!)

Kumokoreana na naman itong si Aiya. Eh kasi naman ianadvance na niyang pinapanuod ang Descendant of the Sun sa Laptop niya. Kapag kasi tinatawagan ko siya minsan every night lagi niyang sinasabi..

'Bukas na lang, bhest! Hindi ako makapag-concentrate kay Captain Yoo!'

'Captain Yoo? Teka! Nananuod ka ng Descendant of the Sun?'

'Korak'

'Andaya mo! Uma-advance ka na sa mga episodes! O siya, goodnight!'

Tss.. Babaeng 'yun talaga. Baka naman puro Song Joong Ki na sagot niya sa exam, ah?!

Sandali akong tumigil sa paglalakad nang makita kong papalapit sa akin ngayon si Warrenz, tapos ay huminto siya sa tapat ko.

"Hi.." Bati niya..

Pinilit ko naman ngumiti. "H-Hello.."

Oo nga pala. Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat noong pinagtanggol niya ko sa mga lalaking gusto akong pagpustahan.

"Pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?"

Huh?

Nakakapanibago siya. "Sige.."

Sandali siyang humugot ng hininga, pagkatapos naglakas loob na siyang kausapin ako.

"Shashine, pwede ba kitang ma-invite sa birthday ko?"

"B-Birthday mo? Kailan ba?"

"Next week.. Thursday ng gabi." Napangiti naman ako "Request ko lang naman sayo." Dagdag niya.

"Sige pupunta ako dahil pumunta ka rin nung 18th birthday ko.."

Napangiti naman siya ng malapad.

"Salamat.. Saan punta mo niyan?"

"Pupuntahan ko si Aiya sa Cafeteria."

"Samahan na kita." Sabi niya. Tumango na lamang ako at sabay na kaming naglakad.

"Siya nga pala. Kalat ang balitang ma-e-engage ka na kay Ricca?"

"Oo, kaso....hindi siya ang tipo ng babae ang gusto kong pakasalan balang-araw."

Patingin naman ako sa kaniya at nakatitig pala siya sa akin. "B-Bakit?"

"Actually, may nagugutuhan na kong babae." Natawa naman siya at umiwas ng tingin sa akin. "Maganda kahit simple, may katabaan ng konti, cute kahit medyo kinapos sa height, tsaka running for cum laude siya ng accounting.." Napakunot-noo naman ako sa mga sinasabi niya. Ayokong mag-assume, pero tila ako ang tinutukoy niya? "Pero malabong magkagusto siya sa akin. Alam mo kung bakit?"

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon