★ 93 ★

151 4 0
                                    

RICCA ROSE'S POV

Nakasandal lang ako dito sa headboard ng hospital bed na 'to. May bandage din ako noo ko, the doctor said ay mabuti na lang ay hindi daw naging malala ang natamo kong sugat at bukol ko sa noo.

Agad pumasok si Mommy dito sa room ko. "Umayos ka, Ricca. Darating na ang Papa mo mamaya!"

Magiging biglaan ang uwi ni Papa dito sa Maynila dahil sa nabalitaan na niyang naospital ako. Three days siyang nasa Cebu at puro na lang siya business!

"Bakit niyo pa kasi pinaalam sa kaniya?"

"Natural kailangan niyang malaman. Kapag hindi ko sinabi paniguradong magmamaktol ka diyan at magsasabi-sabi na wala siyang pakealam sayo." Sabi niya at inirapan ko na lang siya. "Kung hindi ka naman isa't kalahating stupida ay hindi mangyayari yan sayo."

Humalikipkip naman ako. "Okay na 'to para bumalik si Warrenz sa akin at iwasan ang Alien na 'yun."

"Dapat lang at dapat matuloy ulit ang engagement niyo ni Warrenz dahil nalulugi na ang kumpanya ng Papa mo dahil hindi na sila partnership ng Hanston Corporation."

Nabalika ang tingin ko kay Mama. "Nalulugi? Noon pa man kahit partnership niya ang Hanston ay nalulugi pa rin dahil sa inyo--Aray!"

Hinampas naman ako ni Mama sa aking braso at pinagdilatan niya ko ng mata. "Anong dahil sa akin, huh?"

"Eh di ba pinangsusugal niyo sa casino? Tss.. Ewan ko sa niyo!" mahinang sabi ko.

Natigilan naman kami ng may kumatok sa akin. "Come in." Sabi ni Mama. And to my surprised..

"Warrenz, you're came.." Sabi ko at kunwari ay nanghihina pa ako. Pero bakit ganiyan siya makatingin sa akin? Sobrang lamig, napakablanko pa ng itsura niya.

Napatayo naman si Mama. "Naku! Warrenz, iho.. Halika dito maupo ka.. I think I will leave you first para makapag-usap kayong dalawa."

Paglabas ni Mama ay naupo si Warrenz sa upuan sa gilid ng bed ko.

"How are you now? How's your feeling?"

"A-Ayos lang.. Medyo may nararamdaman pa kong masakit kaya sabi ng doctor na wag daw ako masyadong kumalaw."

Tumango naman siya.. "Ganun ba? Actually, kailangan kitang kausapin.. Gusto kong malaman kung ano puno't dulo ng nangyari kahapon? Just be honest to me, Ricca."

Be honest? Bakit? Wala ba siyang tiwala sa mga sasabihin ko?

"Sige, sasabihin ko sayo ang nangyari kahapon. Nagkasalubong kami ni Shashine kahapon sa hagdan, kaso nagulat ako nang hawakan niya ang braso para pigilan ako. Tapos ang sama niyang tumingin sa akin, sinabi niya tigilan na raw kita at lubayan. Kaso kaibigan kita Warrenz, hindi ko yun magagawa. Tanggap ko na hindi mo ko mahal at hanggang kaibigan na lang ako para sayo. Masyado siyang inggitera.." Maiiyak-iyak kong sabi. "Kaya... K-Kaya nagawa niya akong itulak sa hagdan. Nakakatakot siya, Warrenz.. Iyon ba ang klaseng babae ang gusto mo?"

Napatakip ako ng mukha gamit ang mga kamay ko at humagulgol na ko ng tuluyan.

"Hush, Ricca.." He said at naramdaman kong niyakap niya ko. Oh Ghad! Sana ganito na lang lagi.. "I'm sorry for what she's done to you.. Don't worry, kakausapin ko siya kapag pumasok na siya next week.."

And because of that, I smiled like an evil, secretly.. Goodbye, Shashine.. Warrenz will be mine alone..






CHANSEY'S POV

Sabi ni Alecsa ay pumasok na lang daw ako sa opisina ni Calexy para doon na ko maghintay dahil nasa board meeting pa raw si Calexy..

Habang naghihitay ako sa kaniya ay nilibot ko muna ang aking sarili dito. Naglakad ako papunta sa table niya at nakita ko ang isang picture frame na nakadisplay doon. Marahan ko iyon kinuha at pinagmasdan ko silang buong pamilya niya.

Napangiti ako dahil ang saya nilang titigan dito. Bata palang si Shashine na mukhang nasa 12years old siguro, ang mommy niya na wala pa ring kupas ang ganda, si Calexy na ang gwapo pala kapag abot-tenga ang ngiti habang nakaabay sa kaniya ang Daddy niya? Kung ganun, ito pala ang Daddy niya, ang gwapo naman pala at magkahawig sila. Para lang silang magkabarkada ng Daddy niya.

'Ang mga Alien ay matagal tumanda..'

Naalala ko ang sinabi ni Kuya Tan noong wala pa sina Calexy dito Earth. Nakakamangha at sa kabilang banda ay nakakainggit dahil matagal pa bago sila tumanda.

Napasinghap na lamang ako sa gulat na tila may ahas na pumalipot sa tiyan ko, iyon pala ay braso, kaya palingon ako kung sino nasa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko na si Calexy pala 'to. Yakap-yakap niya ko ngayon mula sa akin likuran. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kiliti sa aking tiyan.

"Nakakagulat ka naman.." Sabi ko habang hawak ko pa rin ang picture frame.

"And you surprised me either.. You didn't told me that you're going here without my permission."

"Ay! Bawal ba?"

Ngumiti naman siya at nabigla ako nang dampian niya ko ng halik sa pisngi. "Ayos lang, basta ikaw lang ang papasok dito."

"Ehe! Ikaw talaga.."

"Love you.."

"Love you too.." Nahihiyang sabi ko.. Eh kasi kinikilig ako eh..

"Tayo na?"

"Anong tayo na?"

"Official.."

Napaisip naman ako.. "Official? Agad-agad? Excited? Hehe! Dadating din tayo diyan."

"Tss..."

"Ay! Teka! May dala pala ako!" Sabi ko at kumalas na siya sa akin. Binalik ko ulit ang picture frame sa table niya, tapos ay kinuha ko paper bag na nasa couch at may kinuha ako doon. "Tada!! Blueberry Cheesecake!"

"You made this?"

"Uh-ha! Home made at masarap yan, alam mo ba na 'yan ang favorite kong binibake?"

"Really? Well, thanks for this.. And by the way, I'm inviting you tomorrow."

"Huh? Saan?"

"To our house.." Sabi niya sabay kindat sa akin, pagkatapos ay kinain na niya ang cake na ginawa ko.

Natigilan naman ako. Hindi kaya ipapakilala na niya sa mommy niya bilang soon to be girlfriend niya?

Biglang may kumatok at bumukas din ang pinto. "Sir, may kailangan kayong pirma.....han... Ay! May visitor pala kayo. He.He." sabay taas ng isang kilay niya.

Tss... Kaya ko rin yan, noh? Ayun, ginaya ko siya, tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Just put on my table, then leave.." Sabi ni Calexy.

"Yes, Sir.."

Tinaray pa ko ni Nadasha bago siya lumabas ng office. Tss..

"Ba't ganiyan ka makatingin?" Tanong niya kaya nilingon ko siya, bigla namang gumilid ang labi kiya.

"Secretary mo 'yon? Mukhang may gusto sa'yo.."

Bahagya naman siyang natawa, lumapit siya sa akin at mabilis niyang hinawakan ang balakang ko para mapadikit ako sa kaniya.

"Yes, she's my secretary.. But you're damn more beautiful and attractive than her, so you don't have to be jealous, my lady.." Sabi niya at pagkatapos ay siniil niya ko ng halik sa labi.

Shems! Lasang Blueberry Cheesecake!! Papatayin talaga ako ni Calexy sa kilig!






NADASHA'S POV

Gigil na gigil kong nilukot ang nakakalat na papel dito sa desk ko. Binalik ko ang tingin ko sa pinto ng opisina ng CEO.

"Sige lang.. Mag-enjoy ka lang Chansey dahil sigurado sa ikalawa o ikatlong araw.. magiging akin na si Calexy."

* * *

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon