★ 74 ★

192 12 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Kaagad ng humagulgol sa iyak si Jini nang lapitan na siya ni Calexy at niyakap ng mahigpit.

"You don't know how much I missed you both.. I'm sorry for everything I've done and also to Dad." Sabi ni Calexy at hindi na rin niya napigilan ang maging emosyonal habang yakap ang ina. "It's hard to accept na wala na si Daddy, Mom.. Its all my fault.."

Humarap naman ni Jini sa anak at pinunasan niya ang mga luha nito. "H-Hindi anak. Wag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan."

"K-Kuya Calexy?"

Sabay silang napalingon kay Shashine na gulat na gulat din.

"Shashine?" Pinagmasdan niya ang kaniyang kapatid mula ulo hanggang paa. Agad siyang lumapit dito at niyakap ang kapatid.

Tuluyan na ring umiyak si Shashine na hindi rin makanipaniwalang nagbalik na ang kaniyang Kuya. Naluluha pa rin si Jini habang masaya niyang pinagmamasdan ang kaniyang mga anak na magkayakap na ngayon.

"Kuya, namiss kita. Namiss ka namin ni Mommy. H'wag mo na kaming iiwan, ha?"

"It won't happen again. I promise."




JERIC TAN'S POV

"Anong Space Capsule ang pinagsasabi niyo, chief?" Biglang tanong ko dahil may kakaiba akong narinig mula sa kanila.

"Heto may nakuhana na litrato. Para spaceship ang dating. Hindi kaya mga Starnet Warriors na 'yan?" Tanong ni Chief.

Nagtilian naman yung ibang kasama niyang pulis sa akin na para bang kinikilig, nagmumukha tuloy silang mga bakla.

"Ayiie~ Baka dumating na ang Lover Alien mo. Ano nga ba ulit pangalan nun?"

"Tss.. Imposible! Hindi naman ganiyan itsura ng Starship nila eh.." Sagot ko.

Bigla namang nag-ring ang phone ko. Nabasa ko sa screen na si Shashine ang tumatawag kaya agad kong sinagot.

"Hello, Shine?"

(Hello. Busy ka ba, Kuya Jeric?)

"Hindi naman bakit?"

(Pwede ka bang dumaan saglit dito sa bahay? May importante lang kaming sasabihin ni Mommy.)

"Weh? Haha! O sige, I'm on my way na, bye."

Nagpaalam na ko sa mga kasamahan ko at nagbiyahe na agad ako papunta sa bahay nila Shine. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung Space Capsule. Ngayon ko lang narinig ang tungkol doon kaya wala akong kaideideya. Pedro wag naman sanang masamang Alien ang dumating.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon