★ 91 ★

159 5 0
                                    

CHANSEY'S POV

Napataas-baba naman ang tingin ko sa babaeng ito. "Huh? Paano mo ko nakilala?"

Humalukipkip naman siya. "Anubayan.. Inampon ka lang ng mayamang mag-asawa eh nakalimot ka na. Sabagay, maraming taon na lumipas, hindi mo na talaga ako makikilala."

Napakunot-noo ako..

"Wait! Ano ba yang pinag-uusapan niyo?" Pagtataka ni Alecsa.

"Miss Alecsa, siya si Chansey ang kababata ko at kinaiinisan ko noong nasa ampunan pa kami nakatira."

This time nanlaki ng mga mata ko. Kasamahan ko siya sa ampunan? Teka! Parang naalala ko na..

"Nadasha?" Sabi ko.

"Edi sa wakas naalala mo rin ako."

Naalala ko na. Anim na taong gulang ako noon na gusto kong makipaglaro sa kaniya kaso ayaw niya kong isali. Pero kapag may bago akong laruan na manika ay agad niyang aagawin sa akin. At nang dumating ang mga mag-aampon sa akin ay nakita ko ang pagkainggit niya, na tila sinasabi niya noon na dapat siya na lang ang inampon, hindi ako. Pero hindi ko naman inaasahan na ako namagugutuhan ng mag-asawang Dela Fuente.

At yang ugali niyang suplada ay hindi pa rin kumukupas.

"Ahh.. Nagkasama pala kayo noon sa ampunan? What a small world?" Rinig kong sabi ni Alecsa.

"Yes, Miss Alecsa. Napakaliit nga talaga ng mundo, pero bakit siya nandito?" Pagtataka ni Nadasha.

"Dahil binibisita niya ang manliligaw niya."

Natahimik naman si Nadasha at tumingin sa akin kaya nginitian ko siya. Kung siya ang sekretarya ni Calexy, ay hindi ko maiiwasang magduda dito kay Nadasha kung may gusto din siya kay Calexy.

Ngumiti din naman siya sa akin bigla na may halong maldita. "Oh! Talaga? Secretary naman ako ng CEO.." Pagmamayabang niya.

Ano naman ngayon?

"Miss Cabrera, go back to your work now. Mag-uusap muna kami ni Chansey."

"Okay, Miss Alecsa." Sabi niya, pero bago siya umalis ay tinapunan niya ng matalim na tingin.






3RD PERSON'S POV

Kaagad napasugod din si Calexy sa WeSity (Westchester University) kung saan nag-aaral si Shashine, dahil nabalitaan niya mula sa kanilang ina na may nagawa daw na violence si Shashine sa schoolmate nitong si Ricca. Kaya sobrang pag-aalala niya para sa kapatid dahil imposibleng makagawa ng ganun si Shashine.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon