★ 78 ★

186 9 0
                                    

AIYA'S POV

"OMG!! Bhest, ipakilala mo naman ako sa Kuya Calexy mo!" Naeexcite kong sabi.

Kwinento niya kasi ngayon sa akin na nagbalik na Kuya Calexy niya. Kaya pala ang saya-saya na ng Bhest ko.

"Sige! Siya magsusundo sa akin mamayang uwian!"

"Ay bongga! I like that ~" parang baliw kong sabi sabay appear sa kaniya.

Naghiwalay na naman kami ng landas. Haayy.. At least hindi na madalas pumasok si Bhest na matamlay. Mas maganda ang laging naka-smile, diba? Parang ako lalo na kapag may inspiration. Charot!

"Aahh! Hmmmp!!"

Nagulat ako nang may nagtakip ng bibig ko at saka ako sinandal sa building. "Sorry, Aiya!"

"Ugh!" Inis kong inalis yung kamay ng kumag na 'to! Sino pa ba? Edi si Stanley!

"Ano ba?! You scared me, you know?!"

"Wag kang ngang mag-english diyan! Hindi mo man bagay!"

"Aba! Ano bang problema mo? Panira ka ng araw, ah!"

"Ayiie ~ bagay sila ~" nagulat naman ako sa biglang singit ni Nate na isa pang kumag!

"Shut up!" Sabay naming sabi namin ni Stanley, inirapan ko nga.

"Sorry naman. Haha! Hoy, Stanley! Nasabi mo na ba?"

"Hindi pa nga! Ikaw na lang kaya magsabi."

Bigla naman akong naguluhan sa dalawang 'to dahil sila lang nagkakaintidihan eh! "May sasabihin ba kayo? Oras na at may klase pa ko!"

"Huh? Maaga pa kaya! Kakausapin ka na muna namin." Sabi ni Stanley.

"Siguraduhin niyo lang importante yan kundi pagagamit ko sa inyo yung superpowers ni Shashine para magtanda kayo! O siya, ano ba 'yon?"

---

Dinala naman nila ako sa di mataong corridor.

"Tungkol saan ang pag-uusapan?" Pagsusuplada ko sa kanila.

"Sa totoo lang, walang alam si Warrenz na plano kami para sa kaniya. Kaya sana matulungan mo kami." Sabi ni Stanley.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Na ano? Ipaglalapitin natin sina Warrenz at Shashine para maging sila?"

"Parang ganun na nga.. May gusto naman talaga si Warrenz kay Shashine eh. Ayaw namin kay Ricca para sa kaniya.."

"Oo. Tama siya!" Sang-ayon ni Nate.

"Eh paano kung ayaw ni Shashine kay Warrenz? Ang sakit kayang mabroken, noh?" I said. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Pero kahit na! Ayos lang kesa ma-engage siya kay Ricca."

"Ano? Engage?" Gulat ko. "Hay naku! Sorry, pero hindi ko kayo matutulungan. Hanggang support at comfort lang papel ko kay Shashine as her BFF. Susuportahan ko siya kung saan siya sasaya at kung ano man ang ayaw niya. Si Shashine hindi niyo mapipilit sa gusto niyo na gamitin siya para lang i-save si Warrenz sa Ricca Witch na 'yon! At saka, problema na 'yan ni Warrenz at labas din kayo sa issue niya. Hay naku!"

Napansin ko naman mga mukha nilang nabigo.

"Eh sino yung naghatid kay Shashine kanina?" Tanong ni Nate.

"Edi ang Kuya Calexy niya. O siya, mauna na ko sa inyo. Babush!"

Nakakaloka! Tama lang naman ang sinabi ko diba? Diba? Hayy ~ sakit sa bangs ang pag-ibig!




SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon