★ 94 ★

145 6 0
                                    

SHASHINE'S POV

Ako lang yata ang nasuspinde na walang grounded, eh! At never gagawin sa akin 'yon ni Mommy lalo na kung alam niya wala naman kaming ginagawa na ikasasama ng loob niya.

Makabangon na nga!

Ginawa ko naman yung morning routine ko, ang maghilamos at magtoothbrush muna bago lumabas ng kwarto. After that, lumabas na ko ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay deretso ako ng kusina, and to my O.M.WOW, si Kuya nagluluto ng agahan? Seriously?

"OMG, Kuya! Totoong nagluluto ka?"

"Tss... Are you blind?"

Pilosopo lang?

"Hay naku, anak. Ewan ko ba diyan sa Kuya mo kung paanong natuto magluto." Sabi ni Mommy nang binuksan ang ref na mukhang may kukunin yata doon.

"Haha! Pwede ka na palang mag-asawa, Kuya!" Pabiro kong sabi sa kaniya pero abala pa rin siyang naghihiwa ng carrots.

"Soon.. You will meet her later.."

Natigilan naman kami ni Mommy at nagkatinginan kaming dalawa sa isa't-isa.

"Weh? Di nga?" Sabay sabi namin ni Mommy na pareho kaming hindi makapaniwala.

Agad kaming nagpanik ni Mommy. Eh kasi naman first time 'to, may girlfriend na yata si Kuya!

"Anak, kunin mo nga yung thermometer, baka nilalagnat itong Kuya mo! Dali!"

"Sige, mommy! Confirm mo na rin baka bakla po si Kuya!"

Inis namang napalingon sa amin si Kuya. Okay beastmood na siya. "Would you please stop? I'm not a gay and I don't also have a fever.. Damn, I can't focus here.."

"Hehe! Sorry na, anak. Eh kasi naman akala namin hindi ka na magkakagirlfriend eh.. Ayokong tumanda ng walang apo."

Hindi na ko nakapagsalita at natawa na lamang ako kay Mommy.. Hahaha! Kumuha naman ako ng isang basong tubig para inumin.

"Tss.. How many grandchild do you want, mom?"

Muntik na kong nasamid sa sinabi ni Kuya, at si Mommy naman ay hinampas naman niya ang braso ni Kuya. "Ikaw naman, anak! Joke lang, ang bata mo pa.. Wag muna! Enjoy-in mo muna pagkabinata mo. Ay teka! Ano bang iluluto mo?"

"My favourite, you know that mom.."

"Ayiie~ I'm sure specialty mo yan, Kuya, kasi ikaw ang nagluto. Veggie! Veggie!" Veggie means Vegetable ang favorite ni Kuya! "Ako food taster, ah?"

"Kaya ka nananaba, eh.." Pabulong sabi ni Calexy pero napangiwi ako dahil narinig ko 'yon.

"Mommy, oh!!" Sumbong ko.. Lakas mang-asar ni Kuya.

Tinulungan naman ni Mommy si Kuya sa pagluluto, at kahit marunong na si Kuya magluto ay tinuturuan pa rin ni Mommy. Ako naman ay inayos ko ang buong sala at dining table. Before 9 kasi ay darating na ang special someone ni Kuya. Yiie ~ Excited na kaming makilala siya at makakasabay pa namin sa agahan na parang lunch na rin ang dating.

"Calexy, mag-ayos ka na.. Ako na bahala rito."

"Alright, mom. Thanks.."

Dali-dali namang tinanggal ni Kuya ang apron niya at mabilis na pumanhik na sa kaniyang kwarto. Ano na bang oras? Napatingin ako sa wall clock namin.. Ohh.. Saktong 8am na pala..

After 15mins ay already set na ang breakfast. Weee! Di ba, food taster ako?

"Mommy, inunahan mo ko.." Napout tuloy ako.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon