★ 75 ★

198 8 0
                                    

CHANSEY'S POV

"Sige na po, mama, payagan niyo na po ako.." Pagmamakaawa ko kay Mama.

Pilit ko kasi pinapayagan na magworking student ako para pandagdag allowance at pamasahe dahil malayo na tinitirhan namin ni Mama sa eskwelahan ko. Ayoko kasing umasa lagi kay Papa lalo na't nababalitaan ko na hindi pa sila nagkakabutihan ng asawa niya.

"Mapapagod ka lang sa ginagawa mo, Chansey. Ako ng bahala sa allowance mo pang-araw-araw---"

"Hindi po pwede. Nalaman ko po kay Tita Janelle na nanggaling kayo sa sakit na cancer. Kayo dapat ang hindi mapagod."

Tumingil naman siya bigla sa paghuhugas ng pinggan at humarap na siya sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko. Natatakot lang ako at baka manumbalik ang sakit mo sa puso."

"Hindi na po mangyayari 'yon." Determinado kong sabi.

"At paano ka naman makakasiguro?"

Nginitian ko naman siya. "Si Lorelei, alam kong hindi niya ko pababayaan. Na sa akin ang puso niya at ako mismo mag-aalaga nito. Ilang taon na po rin ang lumipas, pero ni minsan hindi na sinumpong ang puso ko." Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya sana mama payagan niyo na po ako."

"Kahit na. Sa ayaw at gusto mo hindi kita papayagan, intindihin mo naman sana ang pag-aalala ko sa kalagayan mo, anak. Natatakot ako na pati ikaw ay mawala rin sa akin."

"Hindi po mangyayari 'yon.."

Bumalik ulit siya sa paghuhugas ng plato. "Saka ka na magtrabaho kapag nakatapos ka na sa pag-aaral at masuklian mo ang kabutihan ni Mr.Dela Fuente sayo. Tapos ang usapan."

Napanguso na lamang ako sa panlulumong hindi niya ko pinayagan sa gusto kong gawin, at bagsak ang balikat ko bago ko siya talikuran.

"Aalis lang muna po ako.."

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon