★ 76 ★

174 7 0
                                    

CALEXY'S POV

When she said the name of that school, bigla na lang nagdilim ang paningin ko at inisip ko na si Miguel ang punong pinagsusuntok ko ngayon.

"H-Hoy! Wag mong saktan ang sarili mo!"

Kaagad ko siyang hinarap at tinapunan ng masamang tingin. "Why don't you just leave me alone?!"

"Para ano? Hayaan ka na parang baliw dyan? Mas c-concern ako sa puno dahil sinasaktan mo siya. Kung buhay lang siguro yan, sigurado kanina ka pa nahampas ng sanga niya!" She said then nilapitan niya ko. "May nasabi ba ko na ikinasama mo? Sorry, huh? Akin na 'yang kamay mo--"

She's about to hold my hand full of blood but I didn't allow her to do that at para bang pinagdamot ko pa sa kaniya. "You said that you don't have any concern about me.."

"Biro lang naman 'yon. Akin na yang kamay mo."

Hindi ko binigay ang kanang kamay ko at kusa na niya itong kinuha. Then, umupo kami sa ilalim ng puno at sumandal sa katawan nito. Binitiwan niya ang hawak niyang payong just to get the handkerchief inside of her bag.

"Ang gandang lalaki mo, baliw ka naman para saktan mo ng ganito ang sarili mo." She said habang inaalis niya ng dugo ang paligid ng kamao ko.

Hindi ko alam na napatitig na lamang ako sa mukha niya. I don't understand kung bakit tila may magkaparehas sila ni Lorelei ng pananalita.

"So you studied at Northcliffe's Academy?" Panimulang tanong ko. "Do you know who is Miguel Dominic Santos? He's Lorelei half-brother, you know?"

Napansin kong natigilan siya sa pagbebenda ng kamay ko.





CHANSEY'S POV

Pagkatapos ko ng nabuhol ang panyo sa kamao niya ay tinignan ko siya. "Miguel?"

Bigla kong napaisip yung mga kwento ni Kuya Tan tungkol sa lalaking 'yon. Hindi ko lang nasabi kay Kuya Tan na naalala ko na magkaklase pala kami noon sa Northcliffe's ni Miguel, tinuring kong kaibigan, pero dimonyo pala ang tunay niyang pagkatao.

Sa mga kwento ni Kuya Tan tungkol sa lalaking 'yon, naiinis ako lalo na sa ginawa niya sa kapatid kong si Lorelei. Ngayon naalala ko na naman ang tungkol do'n, tila gusto kong maghiganti sa lalaking 'yon.

"Hey. Are you alright?" Biglang bumalik ako sa tamang katinuan nang bahagya akong tinapik ng lalaking 'to sa aking balikat. "I'm asking you if do you know that bastard?"

Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya tsaka ko na nilayo ang kamay sa akin. "O-Oo, c-classmates kami noon. Sige, mauuna na ko." Paalam ko at tumayo na ko para makapaglakad na palayo sa kaniya.

Hindi ko namalayan na naiwan ko ang payong ko kahit patuloy pa rin sa pagbuhos ng ulan. Tumakbo lang ako hanggang sa makalabas na ko ng memorial. Mabilis din naman akong nakapara ng bus at sumakay na ko, umupo ako sa pinakadulo.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon