★ 95 ★ 1/2

139 3 0
                                    

NADASHA'S POV

Nandito ako ngayon sa table na may coffee maker malapit sa vendo machine. Inutusan kasi ako ni Calexy na pagtimplihin ko siya ng black coffee, ewan ko ba't ang hilig niya sa ganitong kape.

Pasimple kong hinahalo ngayon ang kape gamit ang kutsarita, pagkatapos ay napalinga-linga na muna ako sa aking paligid..

Clear! Walang tao.. Walang makakapansin sa gagawin ko, basta kailangan kong bilisan ang kilos. Kaagad kong kinuha ang maliit na bote mula sa bulsa ng blazer ko. Ito ang binigay sa akin ni Miguel, sa ngayon ay masasabi ko na maswerte ako sa lalaking iyon para bigyan ako ng ganitong klaseng gayuma na nanggaling sa kaniyang kapangyarihan.

I can't believe it to the highest level na may magic din siyang nagagawa. Grabe, idol ko na ang kriminal na 'yon.

Medyo kinakabahan ako nang buksan ko na ang takip nito. Napamura pa ko dahil nanginginig ang kamay ko habang pinatakan ko ng isang beses ang kape ni Calexy.

"Isang patak lang, magiging akin ka na Calexy.." Mahinang sabi ko tsaka ako napangiti.






ALECSA'S POV

Yesterday is Friday, may kakaiba.. Bakit matagal ng lumalabas ng opisina ngayon si Nadasha? Eh kung tutuusin ay ayaw ni Calexy na nakikipag-usap dito ng matagal at pinapaalis na lang agad. Tapos makikita ko sila kahapon sa parking lot, sinakay ni Calexy si Nadasha sa kotse niya na mukhang ihahatid niya.

Nawala lang kahapon si Chansey, si Nadasha naman ang pinagkakainteresan niya ngayon. Myghad!

But this day is also the same yesterday dahil Monday na ngayon.. Wala si Nadasha sa front desk dahil palabas na ko ng elevator when I saw her entered to the office. I want to confirm about the two of them, hindi dapat malaman to ni Chansey 'to. Pero humanda pa rin sa akin si Calexy para ipapaalala kung ano ang ibig sabihin ng LOYAL at STICK TO ONE!

"Alecsa?"

Natigilan ako sa tumawag sa akin mula sa likuran ko. And when I turn back my eyes widen when I saw Chansey na kakalabas lang ng elevator. Oh my gosh!

"Chansey?" Naglakad siya papalapit sa akin. Napansin ko ang mga mata niya na mugto ang mga 'to at mukha pa siyang puyat. "W-What happened to you?"

"Nandito ako para makausap si Calexy..." Then bigla siyang napayuko at humikbi ng mahina. Jusko, kinakabahan ako para sa dalawang 'to. "K-Kasi bigla siyang tumawag sa akin bago matapos ang charity event namin kahapon. Sabi niya hindi na raw siya interesado sa akin, hindi pa ko nakakapagsalita that time pinatayan na niya ako ng phone." Umangat na ang tingin niya sa akin. "Bakit ganun? Masaya naman kami bago ako umalis, ah? Tapos biglang ganito? Kung may nagawa man akong mali na wala akong maalala, magsosorry pa rin ako sa kaniya. At may plano ako para sagutin na siya pagdating ko na dapat ngayon ko na gagawin, kaso..." Napalingon siya sa front desk. "Na saan ang babaeng yun?"

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon