★ 67 ★

198 8 0
                                    

SHASHINE'S POV

Kinabukasan...

Medyo maaga pa kaya naman napadesisyunan kong dumiretso sa building ng Engineering and Business Department and I'm hoping na sana nandoon na si Ricca Rose. Gusto kong makatulong kina Tita Leila at heto na lang ang paraan para makausap ko si Ricca tungkol kay Ate Chansey, pero hindi ko sasabihin ang tunay na dahilan ko.

"Woah! Look who's here?"

Napahinto naman ako sa paglalakad tsaka ko sinamaan ng tingin ang nasa likuran ko. Ayun, natanaw ko ang Tatlong Kurimaw na naglalakad din dito sa corridor.

"Hi, Alien Girl! Good Morning ~" sabay bati ng dalawa na sina Nate at Stanley.

Nang makalapit na si Warrenz sa akin ay agad siyang nagtanong. "Anong ginagawa mo dito? Alam mo, kung namimiss mo lang ako hindi mo naman kailangan pang pumunta dito just to see me. Pwede naman kitang puntahan---"

"Asa naman na ikaw ang pupuntahan ko? Yabang mo, feelingero! Diyan ka na nga!" Inis kong sabi sa kaniya. Umagang-umaga nangaasar eh!

Habang naglalakad ako, alam ko na sinusundan nila ako hanggang sa maabutan nila ako at nakisabay sila sa lakad ko. Argh!

Dahil naiirita ako sa kanila ay huminto ako bigla, saka ko pinakalma ang sarili ko para pagpasensiyahan ko sila.

"Why did you stop?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Saan dito ang room ni Ricca Rose?" Seryosong tanong ko, at sana sagutin niya ako ng maayos kung hindi, tatamaan siya sa akin!

Biglang sumagot si Stanley. "Ah! Dito sa left---"

"Hindi! Ang alam ko dito sa kanan!" Turo ni Nate.

"Wag kang maniwala sa kanila, doon pa sa dulo." Natatawa pang sabi ni Warrenz.

Bigla kong silang sinamaan ng tingin habang nakaturo ang kamay nila sa sinasabi nilang direksyon.

"Haist!! Nakakahighbloob kayo! At pwede ba? Wag niyo kong sundan! Isang sunod pa, makakatikim talaga kayo sa akin....LALO KA NA!!" sabi ko sabay duro ko kay Warrenz.

"Ako na naman? Huy!!"

Tinalikuran ko na silang tatlo, mabilis akong naglakad at ako na ang kusang naghanap sa kwarto ni Ricca Rose. Palinga-linga ako, malapit na ako sa isang kanto pero hindi ko alam na may lalabas mula doon, kaya hindi ko namalayan at nagulat na lang ako na magkabanggaan kami, kasunod ang paglaglag na ilang libro niya.

"Sorry!" Agad kong sabi sabay pulot ko sa mga libro niya. Pagbigay ko sa kaniya ay nagtama ang tingin namin sa isa't isa. "Ricca?" Sabi ko.

Bigla namang niya akong inirapan. "Isa pang malas.." Pabulong niyang sabi.

Napakunot-noo naman ako. "Anong sabi mo?"

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon