SHASHINE'S POV
Tss.. Kasama nga ko, iniwan naman ako dito sa tabi ng sasakyan. Sabi ni Ate Alecsa na dito lang ako at wag aalis. Haaay!
Ano na kayang nangyayari?
"Shashine!"
Nagulat naman ako nang marinig kung saan ang pangalan ko. Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang boses na 'yon. Parang kay....
"Zac?!" Gulat ko nang makita ko siyang nanghihina habang hawak niya ang kaniyang tiyan, may mga pasa rin siya at may bahid ng konting dugo mula sa sugat niya.
Agad ko siyang nilapitan at inalalayan.
"Paano ka nakatakas? Sina Kuya Calexy, na sa'n sila?"
"Nakagawa lang ako ng paraan kanina. Ang Kuya mo ay naiwan sa loob. Nakalabas ako sa ibang labasan kanina dahil nagliliyab na ang lalabasan ko dapat." Paliwanag niya.
Natigilan lang ako nang sabay kaming napalingon ni Zac nang makita naming nagliliyab na sa apoy ang kalahating bahagi ng bahay. Paanong nangkaroon ng apoy? Nasa bahaging 'yon ang mga pulis, eh!
Pagkatapos ay natanaw na rin namin sila Kuya Jeric, Ate Alecsa at Kuya Calexy na pasan niya sa kaniyang likod si Ate Chansey habang tumatakbo sila.
"Hala! Na pa'no si Ate Chansey?!" Pagaalala kong tanong.
Agad pinagbuksan ni Kuya Jeric ng pinto ng kotse si Kuya Calexy para ipasok ang walang malay na si Ate Chansey.
"Hindi namin alam. Basta ang sinabi na lang ng Kuya mo na bigla na lamang siyang nagcollapse habang nagagalit siya kay Miguel." Sagot ni Ate Alecsa sa tanong ko.
-Hospital-
Napasugod kami dito sa ospital. Tumatakbo kami habang dinadala ng mga nurse si Ate Chansey sa Emergency Room. Pero bigla na lang kaming hinarangan ng isang nurse pagkarating namin sa tapat ng ER.
"Sorry po, pero hanggang dito na lang po kayo." Sabi nung nurse at sumunod na rin siyang pumasok sa loob at isinara na ang pinto ng ER, pero bago pa sinara ng nurse ang pinto ay nakita ko kung paano nilagyan ng oxygen mask si Ate Chansey.
----
Katatapos lang magpagamot si Zac sa nurse, kwinento niya rin kung paano siya nahuli ni Miguel.
"May napansin ako kay Miguel na may kakaiba sa kaniya." Sabi ni Zac.
"Oo. Talaga may kakaiba na rin sa kaniya dahil kami ang nakasaksi kung paano niya tinalo ang mga pulis!" Sabi ni Ate Alecsa.
Nacurious naman ako bigla. "Anong ibig mong sabihin?"
"Si Miguel, may kapangyarihan na rin siya at siya ang dahilan kaya nagliliyab ang bahay. Pagkatapos ay nakatakas siya sa mga pulis!"
"What?!" Gulat ko dahil hindi ako makapaniwala.
Ibig sabihin may Fire Power Ability si Miguel?! Grabe! Paano siya nagkaroon ng ganun eh isa lang siyang tao?
"Alecsa.." Tawag ni Kuya Jeric. "Magiging maayos din si Chansey, di ba?"
Umiwas naman siya ng tingin kay Kuya Jeric, pati si Kuya Calexy ay tumingin din kay Ate Alecsa.
"I don't know.. Let's wait for the doctor."
CHANSEY'S POV
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Napansin ko agad ang oxygen hose na nakatusok sa ilong ko. Pero ang sumunod na nakita ko ay lalaking natutulog sa gilid ng kama ko ay walang iba kundi si Calexy habang hawak niya ang aking kamay.
Sh*t! Bakit hawak niya ang kamay ko?
Aksidente naman gumalaw ang kamay ko at nagising naman siya.
"You're awake." Sabi niya. Pagkatapos ay napatingin siya sa kaniyang kamay na nakawak sa akin. Pansin ko ang pagkabigla niya kaya bumitaw na siya. "Sorry. I didn't mean to hold your hand. Anyway, how's your feeling?"
"M-Medyo okay na ko. A-Anong dahilan ng pagkahimatay ko?"
"Dahil sa pagod at biglang panghihina ng puso mo kaya inatake ka. Next time don't run again like what you did yesterday nang tinakbuhan mo si Miguel."
Hindi na ko napagsalita pa. Kinabahan naman ako, akala ko kung na paano na.
Si Miguel.. Na saan na kaya siya? Mas makakabuti kung sumuko na lang siya kaysa maghiganti ulit.
---
Alalang-alala si Mama sa akin pagkatapos niyang malaman mula kay Kuya Tan ang mga nangyari kahapon.
"Kung pwede lang na ikulong kita sa bahay ay gagawin ko."
"Mama.."
"Natatakot lang ako anak na baka anong gawing masama ni Miguel kapag nakita ka niya ulit." Sabi niya. Napailing-iling naman ako.
Sina Calexy, Shashine at Alecsa ay umuwi na muna sa kanila, ganun din si Kuya Tan pero sinabi naman niyang babalik siya dito.
ALECSA'S POV
"W-What? Si Miguel may kapangyarihan?" Gulat ni Mommy. Tumango naman ako, pareho sila ni Daddy na hindi makapaniwala. Kwinento ko kasi lahat ng pangyayari kagabi, si Zac nagpapahinga ngayon sa kwarto niya which is the guest room.
"Paano naman kaya nangyari na nagkaroon ng ganung kapangyarihan ang lalaking 'yun?" Pagtataka ni Daddy.
Ngayon ko lang narealize na may kaparehong superpowers katulad ng kay Miguel.
"Sweetheart..." Tawag sa akin ni Mommy.
"ALAM KO NA!!" Sabi ko sabay hampas ko sa hita ko. "Parang yung kapangyarihan niya katulad sa nakaharap naming kalaban nung nagcrash kami sa Mars!"
Nagkatinginan naman silang dalawa. "Hindi kaya sinundan kayo at sumanib siya kay Miguel?" Kunot-noong paghihinala ni Daddy.
Napataas naman ang isang kilay ko "Possible po ba yun?"
"Posible.." Sagot niya.
"My Ghad! Panibago na naman 'to." Sabi ni Mommy.
Napakagat ko ang lower lip ko. Panibagong kalaban naman 'to, and the worst is nakasanib ang Alien sa katawan ni Miguel.. Naloko na! Kailangan na naming gumawa ng paraan.
* * *
BINABASA MO ANG
SW: Next Generation [Season2]
Научная фантастикаAng daming nangyari.. May mga nabigo at may nawalan ng mahal sa buhay. Pero sa kabila ng lahat ay naging matatag pa rin sila at magtitiwalang may magbabalik sa kanilang buhay. Hindi pa dito natatapos ang lahat sa kanila dahil may panibagong pagsub...