★ 77 ★

184 8 0
                                    

ALECSA'S POV

Pagdating naming tatlo dito sa Earth noong nakaraang araw ay nagkwento agad ako kina mommy't daddy tungkol sa nangyari sa amin. Sinabi ko naman na bumagsak kami sa Mars at may nakaharap kaming kalaban doon. Then after that, ngayong nandito na ko may malalaman pa kong nakaka-goosebump na balita mula kay Jeric.

About Lorelei and to her long lost sister? Grabe talaga, I can't believe that.. Lalo na doon sa Heart Transplant na isinagawa kay Chansey.

At ngayon alam ko na kung saan ko na naalala ang babaeng yun. Ang babaeng binanggit noon ni Kirsten para matakot si Miguel na gawin din ni Kirsten ang ginagawang pambugbog kay Calexy noon kung hindi siya titigil.

Now I know, pero nagmeet na ba kami ng babaeng 'yon?

"O sweetheart, nandito ka na pala?" Bungad sa akin ni Mommy dahil naabutan na niya ako dito sa sofa na nakaupo. And yes, to my surprised, may sarili na kaming bahay. Ibang subdivision ngalang.."

"Hi mom.."

Umupo naman siya sa tabi ko. "How's your day with Jeric?"

"Okay lang. Ang dami naming pinag-usapan ni Jeric my loves. Tapos may malalaman akong hindi makapanipaniwala. Grr!"

"Ano naman?"

Humarap naman ako sa kaniya. "Yung tungkol po sa bagong pinsan ni Jeric. May alam po ba kayo tungkol do'n, mommy?"

"About that? Oo.. Sabay lang din namin nalaman ng Aunt Jini mo ang lahat."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "What? Pero ano kayang magiging reaksyon ni Calexy kapag nalaman niya na nasa ibang tao na ang puso ng pinakamamahal niya?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Well, maybe magugulat siya but he still confuse. Bakit hindi mo na itanong kay Jeric kung nasabi na ba niya ang tungkol na yan kay Calexy?"

Umiling naman ako at nabugtong-hininga na lang.




SHASHINE'S POV

Ugh!! Masyado akong pinapahirapan ng Calculus na 'to!! Accountancy Problem nga naman! Tsk!

Sa gitna ng pag-iisip ko sa Calculus, bigla kong naalala yung nangyari daw sa basketball court. Sinabi sa akin ni Aiya over the phone na pinagtanggol lang daw ako ni Warrenz sa mga lalaking gusto akong gawing pustahan at parang binastos na rin daw ako kaya nasuntok ni Warrenz ang isang lalaki. Tapos si Ricca ang umawat sa kaniya.

'Sa tingin ko, may gusto sayo si Warrenz, bhest. Nagbago na nga talaga siya. Yiie ~'

Tss.. So dapat ba kong magpasalamat? At saka imposibleng magkagusto ang mokong na 'yon sa akin at lalong hindi ko rin siya gusto, noh?

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang may tumatawag sa phone ko. And I saw Ate Alecsa's Name on the screen, kaya agad ko namang sinagot.

"Yes, Ate Alecsa?"

(Hello, Cutie.. Good Evening, may itatanong lang ako.)

"Sure, wag lang Calculus! Hehe!"

Medyo natawa pa siya sa sinabi ko. (Ano namang kinalaman ng Calculus sa itatanong ko? Well, anyway, ask ko lang kung may alam ka na ba tungkol sa Long Lost Sister ni Lorelei na new cousin ngayon ni Jeric?)

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon