★ 87 ★ 1/2

144 7 0
                                    

SHASHINE'S POV

Thursday na pala ngayon.. Muntik ko ng makalimutan yung birthday ni Warrenz mamaya. Nakakahiya kung ako lang mag-isa pupunta ro'n. Kung isama ko kaya si Aiya?

"Bheeeest!!!" Napalingon naman ako doon. And speaking of Aiya, patakbo na siya sa akin. "Pasado akoooo!!" Tili niya tsaka siya nagtatalon.

"Congrats, bhest! Akala ko naman puro si Song Joong Ki na mga sagot mo sa exam, eh! Pfft!"

"Uy grabe ka! Hindi ba pwedeng si Leader/Crush lang ang dahilan kaya ako inspired. OhEmGee!!"

Ay ewan ko sa kaniya. Si Leader/Crush na naman ang bukang-bibig niya. Bago ko pa makalimutan ulit...

"Bhest, dahil pasado ka rin naman. Samahan mo ko mamaya."

"Samahan? Sure! Saan ba?"

"Sa birthday ni Warrenz mamayang gabi."

"Oh! So, pupunta ka?"

Tumango ako. "Request niya. Tsaka pumunta rin naman siya nung 18th birthday kaya dapat lang na pumunta rin ako."

Pag-uwi ko sa bahay naghanap agad ako ng masusuot na damit sa closet ko. Marami naman akong casual dress kaso sadyang wala akong mapili sa sobrang ganda. Haist! Bahala na nga! Ang problema ko na lang, wala akong regalo! Tsk!

Fast Forward...

Nandito na ko sa Hotel na pagmamay-ari ng magulang ni Warrenz at dito gaganapin birthday niya. Nakakahiya talaga. Wala akong regalo para sa kaniya.

Agad kong tinext si Aiya na bilisan niya dahil nahihiya ako rito.  Nagreply naman na on the way na siya.. Good!

Na saan na kaya si Warrenz? Nakaka-o-OP!

"Shashine?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Stanley kasama niya si Nate. "Nandito ka pala?"

Ngumiti naman ako. "Eh.. Oo.. In-invite ako ni Warrenz."

Nagkatinginan naman silang dalawa. "Weh?" Sabay nilang sabi na parang hindi pa makapaniwala.

"Tss.. Oo nga! Papunta na rin si Aiya---"

"Bhest! Wow! We're so pretty talaga tonight!" Sabi niyang nang makalapit na siya sa akin, tapos tumingin naman siya sa dalawa. "Oh, hi!"

"Sinama ko siya para may makasama ako." Sabi ko.

"Yeah right!" Segunda naman ni Aiya.

"Ahh.. Okay. Pero bilin pa rin Warrenz na samahan ka namin para hindi ka ma-out of place. Yung mga bisita kasi nila dito ay mga malalapit lang sa pamilya nila Warrenz at Ricca Witch!" Sabi ni Stanley.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon