★ 80 ★ 1/2

172 4 0
                                    

NADASHA'S POV

'Live po tayo ngayon sa Hanston Corporation kung saan ginaganap ngayon ang pagbibigay pugay at puri sa bagong CEO ng kumpanya, ang panganay na anak ng yumaong Mr.Shone Gray Hanston----'

"Bakit mo pinatay?" Reklamo ko..

"Wala kang pake.."

Nainis naman ako sa naging pananalita ng lalaking 'to. Wala na ngang utang na loob, ganiyan pa ugali. Ewan ko ba kung bakit tinulungan ko pa ang lalaking 'to. Dapat hinayaan ko na lang manghina sa kalye, eh..

Inagaw ko sa kaniya ang remote at muli kong binuksan ang TV. Ang gwapo lang kasi ng bagong CEO at ang bata pa. Mukhang hindi nalalayo ang edad namin.

Napansin ko naman ang lalaking 'to na agad nagsuot ng black hoodie jacket. Tss.. Maglalakwatsa na naman 'to.

"Saan ka pupunta?"

"Iinom.." Tipid niyang sagot..

Tss... Nagfocus na lamang ako sa pinapanuod kong balita. Ang mga Hanston ang nababalitaan noon na may katauhang ALIEN. Ang gwapong Alien naman nitong si Calexy..

"Sana akin ka na lang, hihi!" Sabi ko sabay kain ko ng popcorn.





MIGUEL DOMINIC'S POV

Pagewang-gewang ang lakad ko habang nilalagok ko ang isang bote ng alak. Ilang taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay Wanted pa rin ako sa mga pulis at kailangan kong magtago. Sa bisyo na lang ako nabubuhay.

Si Nadasha, ang babaeng kasakasama ko ngayon. Tinulungan niya ako kahit alam naman niyang kriminal ako. Kaya lang naman ako nagkakaganito dahil sa walang'yang mga ALIEN na 'yon.

Hindi ko hahayaan na magtuloy-tuloy ang pagsasaya nila. Humanda sila, hangga't kaya ko pa ay maghihiganti ulit ako.

"Tandaan mo.. Pababagsakin kita, Calexy!!!" Sigaw ko sabay hagis ko sa hawak kong bote.





CHANSEY'S POV

Sinabi ni Mama na nandito raw si Kuya Tan kaya naman lumabas na ko kwarto.

"Kuya Tan.."

"Uy, insan! Tara, sumama ka sa akin." Sabi niya. Pansin ko naman na pormal attire ang suot niya ngayon.

"Saan naman?"

"May event tayong pupuntahan. Gusto ka kasing makilala ng girlfriend ko."

Napansin ko naman na nakangiti si Mama. "Dadalo kayo sa Hanston Corporation."

Hanston?

Bigla akong umiling-iling. "P-Pasensiya na, ayokong sumama.."

"Huh? Pero bakit?"

Hinawakan ko naman ang tiyan ko na kunwari ay sumakit. "Masama na pakiramdam ko. Tsaka, kailangan kong mag-aral---"

Nagulat ako ng hawakan niya ang wrist ko at hinila na palabas ng bahay. "Mga palusot mo talaga, masyadong mabenta. Tita, ako na po bahala sa kaniya." Sigaw niya bago pa niya ko papasukin sa loob ng kotse niya.

Nag-okay sign naman si Mama bilang pang sang-ayon. Ngumiwi naman ako at humalukipkip. "Kailangan bang nandoon ako? Daldalhin mo ko doon na ganito itsura ko?" Eh kasi nakapambahay lang ako. Plain t-shirt at pajama ang suot ko.

SW: Next Generation [Season2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon