The engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA)
Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...
Nakaupo lang sa labas si Sharina at inantay ang pagtawag sa kaniyag pangalan. Kailangan niyang maipasa ang interview niya ngayon. Dahil kailangan niya na talaga ng trabaho. May lumapit sa kaniyang isang babae.
"Sharina Perez?"
Tumango siya rito.
"Hello I’m Quennie, pinapatawag na ho kayo ni Sir De Luna para sa interview. Idiretso niyo lang ho itong daan tapos makikita niyo po ang opisina niya."
Muling bumalik ang takot sa kaniyang dibdib. Marinig pa lang niya ang apelyidong iyon ay hindi niya maiwasang manginig. Pero sa dami ng De Luna sa mundo ay hindi niya maaaring awayin, kagalitan ang lahat ng may apelidong ganoon. Sapagkat hindi ito ang mga ito ang nagkasala sa kanila, kundi si William De Luna.
Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi ang sa isip ang pangyayaring bumabagabag sa kaniya. Impossible ang iniisip niya.
Ngumiti siya rito at nagpasalamat. Madali lang sa kaniyang matunton ang office na sinasabi nito dahil nakita na niya iyon kanina.
Namamawis na ang kaniyang kamay ng nasa tapat na siya ng pinto. Nangangatog na rin ang kaniyang tuhod dahil sa kaba. Jusko! Maipasa sana niya ang interview.
Kumatok siya ng tatlong beses at narinig niya ang isang pamilyar na tinig.
"Come in." Kumabog ng napakalakas ang kaniyang dibdib. He sounds familiar.
Nanginginig ang kaniyang kamay nang buksan niya ang doorknob. Nakita niya roon ang isang pigura. Nakatalikod ito sa kaniya dahil nakaharap ito sa may bintana. Napaigik siya nang magsalita ito.
"Kindly close the door."
Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. Walanjo! Aatakehinsiyanitosapuso. Pumasok na siya at isinara ang pinto.
Napasinghap siya ng humarap ito. Umawang ang kaniyang bibig sa pagkabigla. Santisima! Ito ang magiging boss niya?
Sinalubong nito ang kaniyang tingin. Tila napakalalim ng iniisip nito. Tumatagos ang titig nito sa buo niyang kalamnan. Hindi niya maiwasang mapalunok.
Hindi siya makapagsalita. Nakatulala lang siya rito. Hindi niya akalain a ang lalaking tinarayan niya sa elevator ay ang taong mag-iinterview sa kaniya.
Nakapamulsa ito at naglakad palapit sa kaniya.
Habang palapit ito ng palapit sa kaniya ay mas lalo namang bumibilis ang tibok ng puso niya.
"Please sit down."
Para naman siyang maamong tupang sumunod sa sinabi nito at napayuko. Nahihiya siya rito at gusto na niyang magpalamon sa lupa.
Umupo ito sa katapat niyang upuan. Ramdam na ramdam niya ang mga titig nito sa bawat himaymay ng kaniyang kalamnan. Jusko! Kung alam niya lang, hindi na sana niya ito tinarayan.
"So." pagsisimula nito.
"Miss Perez, let's start the interview."
Inangat niya ang paningin rito ng marinig niya ang salitang interview. Nagtama ang kanilang tingin dahilan ng mas malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib.
She felt so intimidated the way he looks at her. Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang nakapatong ang dalawa nitong kamay sa lamesa.
"Miss Perez, tell me about yourself."
Napalunok siya sa sinabi nito. Ano bang dapatniyangsabihin?
"Ahm sir, I'm S-sharina Perez." Nauutal niyang pakilala. Namamawis na rin ang kaniyang kamay sa kaba.
"Ilang taon ka na?" Tanong nito at sumandal pa sa upuan nito. Kahit na napakahambog nito kanina sa elevator ay naappreciate niya ang kagwapuhan nitong taglay lalo pa’t napakaseryoso ng ekspresyon nito.
"Twenty three po, sir." Tumango-tango naman ito.
Kinuha nito ang folder ng kaniyang resume at binasa iyon. Hindi niya maiwasang mapahaplos sa kaniyang tuhod dala ng niyerbyos. Sinulyapan siya nito at muling bumalik ang pansin sa kaniyang resume.
“Can you please tell me more about yourself?” Hindi pa rin napupuknat ang tingin nito sa kaniyang credibility documents.
"Ano bang gusto niyong malaman sir?"
"Ikaw ba ang breadwinner sa pamilya?" diretso nitong tanong. Napasinghap siya sa tanong nito. Straight to the point. Walang pakundangan.
"Yes… sir." Turan niya. Nakita niya ang paglunok nito. At pagkibot-kibot ng labi nito.
“Magulang?” Interesado nitong tanong.
"Wala… wala rin sir,” nanghihina niyang sagot. Hindi niya inasahang tatanungin nito iyon. Sabagay, ‘Not Applicable’ ang kaniyang inilagay. Kumunot ang noo nito sa sagot niya kaya napayuko na lang siya. Naiilang siya sa paraan ng mga titig nito.
Tumayo ito at naglakad palapit sa kaniya. Nalalanghap niya ang pabango nito. Jusko po! Ilayosiyasatukso.
Nanigas siya sa kinauupuan nang hawakan nito ang baba niya upang iangat at salubungin ang titig nito.
Kumabog ang kaniyang dibdib ng napakalakas. Nanlalaki ang kaniyang mata sa ikinikilos nito. Oh my god! Ano ba itong nararamdaman niya? Wala naman silang history sa sakit sa puso? Pero bakit ganito? Para siyang magkakahypertension.
"You're hired." Hindi siya sigurado kung awa or guilt ang nabasa niya sa mata nito. Pero agad din iyong nawala, binitawan nito ang baba niya at bumalik sa upuan nito.
"You may start tommorrow." Pormal nitong sagot at hindi man lang siya tinapunan ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pinto.
Napahawak siya sa dibdib at pinaprocess pa sa utak niya ang lahat ng nangyari.
Hindi niya alam kung makakatagal siya sa trabaho, dahil bukod sa kaapelyido nito ang pumatay sa magulang niya ay sobra siyang naiintimidate sa presensya nito.
______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'RomanticaMambabasangManunulat) to support me. . . THANKS!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.