Dedicated to @Samyung
Hindi alam ni Sharina kung paano siya haharap sa boss niya. Nagpapasalamat na lang siya at hindi nito inangat ang ulo para siya ay tignan. Halos lumipad na nga siya papunta sa cubicle para doon magtago. Jusko! Kung hindi ba naman kasi sa kagagahan niya kagabi ay baka matiwasay pa ang buhay niya.
Halos makahinga siya ng maluwag ng tumunog ang kaniyang relo palataandaang lunch time na. Salamat po! Agad siyang tumayo para makaalis roon. Hindi na niya kailangan pang tignan ang kaniyang boss dahil ramdam na ramdam na niya ang mga titig nito sa kaniyang likod. Goodness gracious! Baka isipin pa nitong may pagnanasa siya rito dahil sa kagagwan niya kahapon. Bakit hindi ba totoo? pang aasar naman ng mahaderang niyang pag iisip.
Halos takbuhin na niya ang canteen para lang makaabot roon. Hinihingal na siya nang makarating. Inilibot niya ang tingin sa paligid, marami ng tao roon.
Naglakad siya palapit sa counter at umorder ng makakain. Habang hawak ang tray ay inililibot naman niya ang paningin para maghanap ng bakanteng lamesa at sakto mayroon, at sa dulo iyon.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng umugong ang bulungbulungan. Halos lahat ng babae ay nakatingin sa may pintuan.
"Oh my gawd!" tili ng babaeng nasa harap niya lang.
"Si sirrrrr! Ang guwapo niya talaga! Ang yummylicious," sagot naman ng katabi nito. Hindi niya alam kung sino ang sir na tinutukoy nito dahil sa pagkakaalam niya ay magkakaibigan ang may-ari ng kompanyang pinapasukan nila, at may sari-sarili din silang opisina dito.
"Shet! Ngayon lang lumabas si sir para kumain rito girl!" tili ulit nito.
"Naku Mars tinitignan ako ni sir!" kinikilig nitong sabi. Napakunot noo siya sa sinabi nito. Kaya nacurious siya kung sino ang tinitilian nito. Gayon na lang ang pagkatigagal niya ng mapagsino ito. Muntikan na siyang mabilaukan ng malunok niya ng buo ang nginunguyang pagkain. Diretso itong nakatingin sa kaniya. Jusko! Anong ginagawa nito rito.
Dumadagundong ang puso niya habang papalapit ito nang papalapit. Sus maryosep! Hindi pa siya nakakarecover sa ginawa niya kagabi! Natulala siya rito nang umupo ito sa tapat niya. Hindi niya alam ang sasabihin sa sobrang shock dahil sa pagkakaalala niya'y hindi ito bumababa para kumain sa canteen.
Pero halos malaglag siya sa kinauupuan nang mapaatras siya sa ginawa nito.
"You have something." At lumapat ang daliri nito sa labi niya upang alisin ang sauce na naroon.
Bumilog ang kaniyang mata nang isubo nito iyon at ngumiti. Halos panawan siya ng ulirat sa gulat. Darn it! Hindi man lang niya magawang makapagsalita sa tindi ng kabog ng kaniyang dibdib. Shet! Talagang nawindang ang braincells niya mga teh! Mas lalo pang nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.
"Just wait here. I'll just have my order." At tumalikod na ito. Hindi na niya napansin ang mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid dahil okupado na ang kaniyang isip sa itinuran ng kaniyang boss.
Gusto ng tumakbo ni Sharina palabas ng pinto ngayong naglalakad na ang lalaki sa puwesto nila. Gusto na niyang maging abo sa kalagayan niya ngayon. Hiyang-hiya talaga siya rito.
"Are you okay?" tanong nito ng makaupo na sa tapat niya. Tinignan niya ang pagkaing bitbit nito, katulad iyon ng sakaniya. Meat balls.
Anak ng tipaklong! Heto na naman ito sa linyahang 'are you okay'. Gusto niyang umiling rito pero hindi niya maikilos ang ulo para gawin iyon.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomansThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...