KABANATA XXII

2.2K 84 9
                                    

He immediately rests beside her. Hingal na hingal sila at hinang-hina. His eyes glance to Sharina's close eyes.

He was happy to owned her innocence. Hinalikan niya ito sa noo saka bumangon. Kumuha siya ng bimpo at pinunasan ito. He cleaned her. Kumuha rin siya ng damit sa closet at isinuot iyon rito. Kinumutan niya rin ito para hindi malamigan.

Pagkatapos makapagsuot ng short ay tumabi siya rito. Hinaplos niya ang pisngi ng babae.

"What made you think that I see you as her huh?" Hinaplos niya ang pisngi nito. Kailan man ay hindi niya ito nakita bilang si Earth. Malayong malayo ito kung ikukumpara sa dating nobya.

Kahit sa physical na appearance ay hindi niya nakitaang magkahawig ang dalawa kung hindi pa nito nabanggit iyon sa kaniya.

Siguro nga oo, may pagkakahawig pero ng una niya itong masilayan at masulyapan ang anking ganda, natulala siya. Wala sa plano niya ang mainlove sa babae dahil makokomplika lang niyon ang buhay at isip niya. Pero sadiyang napakahirap labanan ng pag-ibig lalo pa't abot kamay niya ito.

He trace her nose down to her lips. Para talaga itong anghel sa kaniyang paningin. She's helping him heal. Tama nga ito. Kailangan na niyang palayain ang sarili sa nakaraan.

Napatawad na rin niya si Earth at ang nakatatandang kapatid, at pinagsisisihan niyang hindi iyon nasabi rito bago ito pumanaw.

If he will wallow and blame his self, sigurado siyang hindi iyon magugustuhan ng kaniyang kuya. What he can do now for his brother is to live happily and ofcourse, bantayan ang naiwan nitong pamilya.

Tinignan niya ang mukha ni Sharina. Napakaamo niyon. He kissed her forehead at niyakap ito. Napangiti na lang siya ng mas lalo itong sumiksik sa kaniya. He will treasure this moment, anytime maaari itong mawala sa kaniya lalo na kung totoo ang kaniyang hinala. Napakabigat ng nangyari sa pamilya nito pero hindi siya sigurado kung kaya pa niyang tumayo kapag iniwan siya ng babae. Ibinuga niya ang iniipon na hangin. Napakalaging sugal ang kaniyang ginawa.

NAGISING si Sharina na may mahimbing na tulog. Naaamoy niya ang panlalaking amoy sa paligid. Mas lalo pa siyang nagsumiksik sa kayakap ng bigla siyang matauhan.

Naimulat niya ng husto ang mata. Isang adam's appple agad ang bumungad sa kaniya. Nahugot niya ang paghinga. Kumabog nang todo ang kaniyang dibdib sa nakita. Jusko! Alam na niya saan ito patungo.

Nanlalaki ang matang tinignan niya ang hubad na dibdib na nakayakap sa kaniya. Sheyt! Fafalicious! Gusto niyang takpan ng dalawang palad ang kaniyang ulo. Goodness! Unti-unti ng bumabalik ang alaala niya kagabi. She already gave up her one true pearl! Parang gusto niyang panawan ng ulirat sa ginawa.

Gaga! Huwag ka ngang maarte! Ginusto mo kaya. Mas lalo siyang namula ng sumingit ang atribidida niyang utak. Heh! She can't believe it! Naibigay na niya ang pinakamamahal na puri.

Nalunok niya ang sariling laway at dahan-dahan siyang tumingin sa mukha ng lalaki. Wala sa oras na napigil niya ang kaniyang hininga nang mabungaran niya itong nakangiti.

"Good morning," usal nito sa paos na tinig. Pakshet! Gusto niyang magtitili! Oh gawd iyong panty niya! Anong panty mo? Kagabi ka pa kayang walang panty. Kaloka! Pakiramdam niya ay umusok pati bunbunan niya sa pula. Agad niyang itinago ang mukha sa dibdib nito. Ano nang gagawin niya?

"What's wrong baby?" nag-aalalang tanong nito.

Mas lalong nanlaki ang kaniyang mata nang pilit siya nitong tinitignan. Kinuha niya ang kumot sa dibdib at nagsaklob sa ulo. Bigla siyang naconscious sa itsura. Jusko! Baka may natuyong laway pa siya sa bunganga!

"Ayos ka lang ba?" Bakas rin sa boses nito ang pagtataka at sinubukang alisin ang kumot sa kaniyang ulo.

Gusto nang magunaw ng kaniyang mundo sa ginawa nito. Sheyt! Baka bad breath pa siya! Agad niyang tinakpan ang bunganga at doon bumuga ng hangin saka iyon inamoy.

Salamat po! Pasalamat niya ng malamang hindi siya bad breath. Sinubukan ulit nitong tignan siya sa ilalim ng kumot.

"Huwag!" Kontra niya at nakipaghilaan sa kumot.

"Ayos lang ako," turan niya at itinago ang mukha. Tumawa ito ng mahina sa kaniyang ginawa at binitawan na rin ang kumot.

"Relax baby, I will not bite. But I want to eat."

"Ha?!" Tumalon ang puso niya ng marinig ang salitang 'eat'. Gaga! Ano na naman bang eat 'yang naiisip mo? Kaloka ka!

Mas lalo itong natawa sa kaniyang reaksyon. Animoy alam nito kung anong pumasok sa kaniyang isip. Mas lalong naghurumentado ang puso niya sa huling sinabi nito.

"I won't eat you, relax."

Parang gusto niyang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.

Naeeskandalo na ang kaniyang isipan. Maalala pa lang niya ang ginawa nito sa kaniya ay tila hihimatayin na siya.

"Prepare yourself, magluluto lang ako," bilin nito bago niya naramdaman ang pag-angat ng kutson.

"Ah-thank you..."

Nang pakiramdam niya'y wala na ito ay saka siya tumayo. Napatingin siya sa orasang bilog na nakalagay sa side table nito. Alas diyes na pala ng umaga. Goodness! Ganoon na ba sila kapuyat at kapagod kagabi? Agad na lumitaw sa kaniyang isip ang mga posisyong kanilang ginawa. Oh my! Napahawak siya sa kaniyang pisngi, pakiramdam niya ay pulang pula na iyon. Malala na siya, malala na ang kahalayan niya sa utak. Jusko!

Pumunta siya sa kadikit na banyo nang kwarto. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Her face looks more radiant. Pero buti na lang at wala siyang napanis na laway sa mukha. Naghilamos na rin siya, ginamit na rin niya ang nakasabit sa gilid na spare toothbrush na hindi pa nagamit.

Habang nagmumugmog ay saka niya lang napansin ang suot, damit at boxer iyon ng lalaki.

Napahinto siya sa pagsepilyo, kung ito ang suot niya, asan ang kaniyang damit? Agad na nanlaki ang kaniyang mata ng maalala kung nasaan iyon. Mabilis siyang nagtoothbrush at tumakbo sa bar room nito.

Napangiwi siya ng maramdaman niya ang sakit sa kaniyang gitnang hita pero mas napangiwi siya ng malantad sa mata niya ang mga undergarments. Makalat na nakasampay iyon sa lamesa kasama ng kaniyang damit.

Agad siyang naglakad at dinampot ang mga iyon. Halos lumawa ang kaniyang mata nang mapansin ang design ng kaniyang panty. 'Eat me' ang nakasulat sa likurang parte niyon. Dagdagang kulay pula pa iyon.

Watdapak! Nakita kaya nito iyon? Jusko naman! Bakit ba niya naisipang isuot iyon?

Napatalon siya sa gulat nang marinig niya ang boses sa likuran. Mabilis siyang napalingon rito at itinago sa kaniyang likod ang mga undergarments at damit. Dinaig pa niya ang tumakbo sa marathon sa sobrang pawis at bilis ng tibok ng puso.

"Let's eat. Nakaluto na ako."

Pakiramdam niya ay aatakehin na siya sa puso lalo na ng banggitin ulit nito ang salitang 'eat'.

"Ha? A-a-ano sige. Kunin ko lang ang gamit ko," nabubulol niyang sabi. Gusto niyang hilain ang dila at pagalitan sa pagkakabulol nito. Nahihiling niyang sana umalis na ang binata bago pa siya matunaw na parang ice cream sa kahihiyan.

Tumango lang ito at umalis. Nakahinga siya ng maluwag kahit panandalian lang. Pero hindi na niya alam paano kumilos sa harap nito mamaya. Juicecolored, ano ng gagawin niya? Kikilos na ba siya na parang si Maria Clara?


____

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon