KABANATA XXXIV

3K 56 29
                                        

"WHAT'S wrong with you today?" Tanong ni Sonny kay Blue matapos nitong lagukin ang whiskey.

"Aren't we drinking too early?" Inilapit niya rito ang kaniyang whiskey tumbler at pinatunog iyon. As if to remind himself of his dilemma, while his fingers thrum in a syncopated manner against the wooden furnishing.

Hindi lingid sa kaalaman nito ang paglilinis niya sa pangalan ng kaniyang ama. Ito ang laging kausap niya noong panahong malayo ang loob niya sa kaniyang nakatatandang kapatid.

"Wala na bang idadali 'tong buhay ko?" Nilingon siya ng pinsan niya.

"Wala namang bagay na madali," saad nito. "Is this about your father?"Sinalinan niya ang basong lango sa yelo at muling nilagok ang laman niyon. Hindi siya sumagot.

"Or is it about Sharina..." Naisuklay niya ang kamay sa buhok. Mas lalo siyang pinanghinaan ng loob nang banggitin nito ang pangalan ng nobya. Sabay silang pumasok ng babae sa opisina pero nagpaalam siyang may kikitain lang na kaibigan.

"Your silence means yes on both questions, you, drinking in the middle of the day is not your style." Kinuha nito ang bote ng whiskey saka iyon tinungga.

"Dahan-dahan lang sir. Magmamaneho pa kayo," ani ng bartender na na alam niyang lihim na nakikinig sa usapan nila. Pareho silang napalingon sa nagsalita.

"Thank you, we're fine brad. Ako na ang bahala sa kaniya kapag hindi na makatayo." Sabay abot ng tip na inilagay sa coaster.

"You are like a brother to me. Alam mong si Sharina ang babaeng tinutukoy ko, yet she chose you over me. All is fair in love and war, so don't worry I won't tell your secrets. I'm very well aware that you won't hide it, but I know for a fact na you are aware that I am aware of your situations." Muli nitong sinalinan ang baso nito.

"Minsan naiisip ko na dapat, ipinaglaban ko ang nararamdaman ko para mailayo ko siya sa 'yo." Saka inilagok ang alak na nasa baso nito. Umpisa pa lang ay batid niya na kung anong puwedeg maging kahihinatnan ng pagmamahal niya kay Sharina. Pero kahit na nasa ganitong sitwasyon siya ay hindi niya pinagsisishang minahal niya ang babae. Sonny is right, all is fair in love and war. He fears to lose her yet the embers of guilt consumes him.

Kinuha niya ang bote ng whiskey na nasa tabi nito at sinalinan din ang basong ininuman. Naglandas sa lalamunan niya ang init pero pakiramdam niya'y hindi non kayang pawiin ang dalahin niya.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang itago ang totoo."

"Pasensiya ka na Blue kung gasgas na linyahan na 'to, pero... walang sikretong hindi nabubunyag tandaan mo 'yan. Mas mainam ng manggaling sa 'yo kaysa sa iba." Pinuno nito ang baso nito saka iyon inisang lagok bago ibinaligtad bilang paalam na hindi na ito iinom.

PAGBALIK ni Blue sa opisina ay nakangiting mukha ni Sharina ang bumungad sa kaniya.

"Hi!" Inilapag nito ang basong may lamang kape sa kaniyang lamesa saka humarap sa kaniya. May hawak itong hugis parisukat na plato at may lamang tinapay na pinalamanan ng strawberry Jam.

Napahinto siya sa tapat ng kaniyang pintuan. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Buti na lang at nakasara ang pinto.

"Bumili pala ako ng strawberry jam at tinapay no'ng umalis ka. Naalala ko kasi sinabi sa 'kin ni totoy, paborito mo raw itong palaman." She proudly presents him the pastry.

He swallow hard. Sharina. Hindi siya sigurado sa mga dapat sabihin. Mahal niya ito pero itinatago niya rito ang totoo. Ang katotohanang nasa harap lang nito ang anak ng lalaking inaakala nitong pumatay sa magulang nito.

"Halika tikman mo!" masigla nitong sabi. Malawak na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya.

Naglakad siya palapit rito. He smile bitterly. Kung wala siya sa ganitong sitwasyon ay lubos na sigurado ang kaniyang kasiyahan.

Kinuha niya ang tinapay at kinagatan iyon. He does not break eye contact. Paborito niya iyon pero hindi niya iyon malasahan...

"Ano, kumusta? Okay ba ang lasa?" she enthusiastically asks. Hindi naman niya gustong sirain ang mood nito. Natitiyak niyang nadadama siya nito. Hindi ito gano'n kamanhind para hindi malamang may dinadala siyang malaking problema. Mas pinili lang nitong manahimik at gumawa ng paraang maaaring ikagaan ng loob niya.

"Masarap."

"Mabuti naman! Nagtimpla rin ako ng kape mo." Bumungisngis ito kaya napangiti siya. Napakaganda talaga nito sa kaniyang paningin. Ngiti pa lang nito ay natutunaw na siya.

Inilapag niya ang tinapay sa plato at kinuha iyon sa kamay ni Sharina. Inilagay naman niya iyon sa kaniyang mesa habang hindi pa rin inaalis ang pagkakasalubong ng kanilang tingin saka ito hinapit palapit sa kaniyang katawan.

Niyakap niya ito.

"I love you Blue," usal nito. Humigpit ang yakap niya sa nobya.

Hearing those words... should give him solace and comfort. Pero bakit? Bakit parang may nakatarak na punyal sa kaniyang dibdib? Paulit-ulit na bumabaon. Mas lalong kumikirot at sumasakit habang palalim ng palalim.

"Can you say it again?"

"Mahal kita Blue..."

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ D Roman Tica (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon