Napatitig si Sharina ngayon sa dati niyang kaklase. Ibang-iba na ang dating nito ngayon. Nakalong sleeve na ito at nakakurbata. Pero hindi pa rin naalis ang hikaw nito sa kaliwang tenga. Mas guwapo na ito ngayon.
Kaklase niya ito noong nasa unang taon niya sa kolehiyo. Nagcross enrolle ito sa college nila para sa accounting subject. IT ang kinukuha nito pero kailangan nitong kunin ang minor kung gusto nitong grumaduate. Maraming nagkakagusto ritong babae kaya marami rin ang galit na kalahi nito rito. Lagi itong sangkot sa anumang gulo sa kalye. Lagi rin itong nagkacutting class.
Nasa dulo siya at pinakasulok, malapit sa may bintana pumupwesto, katabi niya nito. Kitang kita niya kung paano ito matulog sa klase. Matalino ito kung tutuusin pero bulakbol. Nagrerebelde ito sa mga magulang.
Minsan isang hapon, pauwi na siya ng makita niya ito. Nakapikit habang nakasandig sa pader sa likod ng kanilang paaralan. Sa likod siya dumadaan dahil shortcut iyon papunta sa eskwelahan ng kapatid niyang grade 7.
Lumapit siya rito at umupo. Itinali niya ang panyo sa braso nitong nagdudugo dala ng sugat. Nagulat ito sa presensya niya at nagmulat ng mata.
Katulad ng mukha nito kapag pumapasok, nakakunot rin ang noo.
"Huwag kang gumalaw." Utos niya. Sumunod naman ito sa kaniya pero pinakatitigan siya. Hindi naman siya nailang sa ginawa nito dahil hindi naman siya maganda.
"Hindi sa nanghihimasok ako. Pero tigil-tigilan mo na 'yang pagrerebelde mo. Walang mabuting maidudulot 'yan sayo." Kung magsalita siya ay parang magulang nito.
Nagtagis ang bagang nito sa sinabi niya.
"Ano bang alam mo?!" Matalim ang boses nito.
Tinignan niya ito.
"Wala. Pero masuwerte ka at may magulang ka pa. Marami ka pang oras para makasama sila." Hindi niya maiwasang mapaluha kapag usapang pamilya na.
"Ano ngayon kung busy sila? Nagpapakahirap silang magtrabaho para sa kinabukasan mo at sana makita mo 'yon. Huwag mong hayaang lamunin ng galit ang puso mo at baka magsisi ka kapag wala na sila."
"Kung gusto mo talaga silang makasama. Tumayo ka diyan at mag-aral. Pagkatapos, ikaw na ang pumalit sa kanila sa pagtratrabaho. Para hindi na sila kumayod ng todo para sa inyo. Ikaw mismo ang gumawa ng paraan para makalaya kayo sa sitwasyong iyan."
Nilapitan niya ito dahil concern siya rito. Gusto niyang ipaintindi ritong kahit wala ang magulang nito sa tabi nito, ay masuwerte pa rin ito. Kasama pa nito sa mundong ito ang mga magulang.
Pinunasan niya ang luhang tumulo. Sobrang namimiss na niya ang kaniyang ama at ina. Kung andito pa sana sila at kasama sila. Hindi sana sila mangungulilang magkapatid sa pagmamahal ng magulang. Pero kailangan nilang tanggaping patay na ang mga ito.
Tumayos siya at nagpagpag. Tumahimik ito, mukhang tinablan sa kaniyang sinabi. Umalis na siya dahil susunduin pa niya ang kapatid.
"OH natulala ka na sa akin?" natatawang sabi nito, "Naninibago ka ba sa ayos ko?"
Tumango siya rito. Nawindang talaga siya sa transformation nito ngayon. Hindi niya akalaing makikita pa niya ito matapos ang mahabang panahon. Matapos kasi nitong makagraduate ay lumipad na papuntang Amerika kasama ng magulang.
"So mukhang marami tayong pag-uusapan. Mukhang dito ka na nagtratrabaho."
"Ha, oo. Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
"May taong kailangan ko lang i-meet," sagot nito.
Magsasalita pa sana ito nang tumunog na ang alarm niya sa suot niyang relo.
"Tapos na pala ang lunch break. Pasensya ka na ha? Kailangan ko nang bumalik." Kahit sa totoo lang ay ayaw pa niya.
"Maiiwan muna kita rito. Ubusin mo muna 'yang lunch mo." Hindi pa kasi nito nagagalaw ang pagkaing inorder nito.
"Sige lang." At tumawa ulit ito.
Tinakbo niya ang hagdan dahil maraming tao sa elevator ngayon. Hindi siya makasingit.
Hingal na hingal siya ng makarating siya sa kanilang palapag pero mas kinapusan siya ng hininga kung sino ang nakatingin sa kaniya. Ang taong kaniyang pinakainiiwasan. Kalalabas lang nito sa opisina ni Sir Math.
Nagsalubong ang kanilang tingin pero iniiwas niya agad ang mata. Nanginginig ang mga tuhod niya habang naglalakad dahil sa intense na tinging ipinupukol nito sa kaniya. Jusko! Paano siya nito makakamove on? Huwaw move on talaga teh? Wala ngang kayo eh, sansala ng maliit na tinig sa kaniyang utak.
Nang mapatapat na siya rito at ay hinarang nito ang kaniyang dadaanan.
"Good afternoon... sir," sabi niya habang hindi makatingin sa mata nito.
"Good afternoon," sabi naman nito sa malagom na boses. Tumindig ang lahat ng kaniyang balahibo sa tinig nito. Nagpaparty na naman ang mga daga sa kaniyang dibdib.
Para siyang nakakita ng pag-asa ng makita niya si Micky na lumabas ng elevator.
"Ahm, excuse me sir." At nilagpasan ito.
"Micky!" tawag niya, napahinto ito at lumingon sa kaniya.
"Shari!" Tuwang tuwa itong makita siya.
Binilisan niya ang lakad para magkasabay sila.
"Bakit?" tanong nito.
"Ha? Wala, nakita lang kasi kita kaya baka pareho lang tayo ng pupuntahan."
Tinignan niya sa peripheral vision si Blue. Napalunok siya ng makitang nakakuyom ang kamao nito habang nakatalikod. Pero napasinghap siya ng lumingon ito sa kaniya at nakatiim bagang.
"Are you okay?" tanong naman sa kaniya ni Micky.
"Ha? Ah oo! Tara bilisan natin." At naglakad na siya ng mabilis.
Nakikipagdiskusyon pa siya sa sarili ng pumasok ang may kagagawan kung bakit siya naprapraning ngayon. Huminto ito sandali at tumingin sa kaniya na para bang isang nobyong nagtatanong sa karelasyon kung ano bang mali.
Napaiwas siya ng tingin rito. Hindi niya kayang makipagsabayan ng titig. Natotorete lang siya sa kakaisip rito. Sir Blue! Huwag mo akong bigyan ng false alarm. Piping sigaw ng kaniyang isip.
_______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...