KABANATA XXIII

2.3K 80 6
                                        

Napahawak si Sharina sa magkabilang pisngi. Pakiramdam niya ay sasabog sa init iyon sapagkat walang pakundangan kung titigan siya ni Blue. Nakabalik na sila sa opisina matapos ang nangyari kahapon.

Hindi pa rin niya maiwasang magduda dahil hindi pa niya narinig sa labi nito ang gusto niyang marinig. Hindi rin siya sigurado kung ano ang tunay na nararamdaman nito sa kaniya.

Napayukong muli siya sa kaniyang lamesa. Natatakot siyang sumugal kahit pa naisuko na niya ang sarili rito. Paano kung wala talaga itong pagmamahal sa kaniya? Paano kung init lang ng katawan ang namagitan sa kanilang dalawa?

Napabuntong hininga siya. Kahit anong mantra niya ay hindi na siya makapagfocus, ito na lang ang laging laman ng kaniyang isip. Kahit pa sikilin niya ang nararamdaman, huli na. Dahil umasa na siya rito ng tuluyan.

Napaangat lang siya nang tingin ng may marinig niya ang boses ng pinsan nito.

"Hey bro!" Bati ni Sonnie. Mukhang masaya ito.

"Potpot!" tawag nito saka naglakad palapit sa kaniya. Nakangiting mukha nito ang bumungad sa kaniya. May dala-dala itong bouquet ng flowers.

"Sonnie," sabi niya sa mahinang tinig.

"Flowers for you!" Malaki ang pagkakangiti nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano. Pero tumayo pa rin siya at kinuha ang bulaklak.

"Ah... salamat." Ngumiti siya para pagtakpan ang panginginig ng labi.

Napatingin siya sa gawi ni Blue. Masama ang tingin nito sa hawak niyang bulaklak. Napalunok siya. Hindi niya alam kung para saan ang kaba niyang iyon.

Halos tumalon sa bangin ang kaniyang puso ng tumayo ito at nakapamulsa ang dalawang kamay. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Diretso lang ang tingin nito sa pinsan nitong si Sonnie na ngayon ay hindi na makangiti dahil maski ito ay ramdam na ramdam na ang tensiyon.

"I appreciate that you gave her some flowers but you don't need to do that anymore Sonnie."

Napakunot noo ang lalaki sa sinabi nito. Lumipad ang tingin nito sa kaniya. Agad na naghurumentado ang kaniyang puso sa klase ng titig nito.

Anong ibig nitong sabihin? Is he claiming her now?

Napatingin siya kay Blue, hindi niya alam ang isasagot. Hindi niya matanto kung tama ang kaniyang hinala.

Dumako ang tingin nito sa kaniya. Mukhang nakuha nito ang ibig sabihin ng kaniyang kilos. His adam's apple potrude his lips curved into a tiny smile na umabot sa mata nito.

"Girlfriend ko na siya," he said in low and firm voice.

Kung may pakpak siya sa oras na ito ay baka lumipad na siya. Parang ang paligid ay lumiwanag. Officially mag-on na sila! Oh my goodness!

He's face looks amazed ng tignan siya. Her face beet red as he look at her with those blue eyes.

Nagtagis ang bagang ni Sonnie sa balita, kita niya sa mukha nito ang pagkadisgusto sa nalaman. Nang mapansin nitong nakatingin siya ay kumurap ito upang iwaksi ang galit na kaniyang nabasa sa mata nito.

Hindi niya alam kung anong mayroon, kahit pa ngumiti ito.

"Congrats for both of you." Wala na ang sigla sa boses nito. Napalitan na iyon ng malamig na tono.

"Thank you," sagot naman ni Blue.

Namayaning muli ang katahimikan. Tila ang mabilis na tibok na lang ng kanilang puso ang naririnig sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung paano iyon babasagin.

"What brings you here?" Si Blue ang unang nagsalita. Bumaling ang tingin niya rito. Diretso ang tingin nito sa pinsan nito. Nakipagsukatan rin ng tingin ang lalaki.

"Nothing, just want to visit Sharina. Pero aalis din ako kaagad, dumaan lang ako saglit since I have to do something important." Tumalikod ito saka bumaling ang atensyon sa kaniya.

"See you next time Pot. I wish you goodluck," turan nito bago lumabas na madilim ang mukha.

Dumaan sa mata ni Blue ang di maipaliwanag na emosyon. Napalunok ito. He looks agitated.

HINDI maintindihan ni Blue ang madarama sa sinabi ni Sonnie. Alam niya kung bakit ito nagkakaganito. Hindi niya tiyak kung dapat ba siyang makonsensya sa pang-aagaw niya sa mahal nito o hindi dahil hindi naman nito direktang sinabi sa kaniya kung sino ang babaeng binalikan ng pinsan. Sa sinabi nito ay mas tumaas ang hinala niya sa ikinatatakot niyang mangyari. Hindi impossibleng wala itong alam.

Napahinto lang ang paglakbay ang kaniyang isipan ng magvibrate ang kaniyang cellphone sa loob ng bulsa. Dinukot niya iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Mabilis siyang kinabahan ng makitang si Mr. Tadina iyon.

Tinignan niya si Sharina, opisyal na niyang nobya ito. Nakatingin rin ito sa kaniya. Ngumiti ito, para bang hinaplos ang kaniyang puso sa iginawi ng kasintahan. Para bang sinasabi nitong, bigyan na niya ng pansin ang tumatawag dahil importante iyon. Kumurba ang ngiti sa kaniyang labi bago nagsalita.

"Hello, good morning Mr. Tadina!" Bungad niya saka naglakad papunta sa kaniyang upuan.

_____

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon