KABANATA XIX

2.4K 85 12
                                        

           "What do you need?" dinig ni Sharina na tanong ni Grant nang makalapit na ito. Inakbayan siya nito at nakipagsukatan ng tingin sa lalaking nasa harap nila ngayon. Ginawa iyon ng kapatid bilang pagpapakita ng proteksyon. Palagi itong ganito para raw maiwasan niyang mapahamak sa mga lalaki. Protective ito sa kaniya kahit pa mas matanda siya rito.

Napatingin siya sa kaniyang boss. Nagtatagis ang bagang nito nang sundan nito ng tingin ang kamay ng kaniyang kapatid.

"I want to talk to her." Naamoy niya ang alak sa bibig nito at gayundin din si Granted. Sigurado siyang hindi ito papayag na kausapin niya si Blue lalo pa't hindi nito alam na ito ang kaniyang boss.

"No. You reek of alcohol. If you want to talk to-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at sumenyas siya sa kapatid. Napakunot ito sa ginawa niya pero bakas pa rin doon ang pag-aalala.

"Sige na Grant. Ako na ang bahala."

"Sigurado ka?" Ngumiti siya sa kapatid.

"Sige, diyan lang ako sa kuwarto. Kung may kailangan ka, tawagin mo ako."

Tumango siya rito. Kung umakto ito, parang papa nila. Napabuntong hininga siya nang maalala iyon.

Nilingon niya ang lalaki ng matiyak na dalawa na lang sila. Lumabas siya at sinara ang pinto. Madilim ang mukha nito sa nakita. Inakala siguro nitong nobyo niya ang kapatid.

"Sino 'yon?"

"Kapatid ko sir." Unti-unti nang pinagpapawisan ang kaniyang palad. Dumaan ang relief sa mukha nito. Pero hindi pa rin nagbabago ang expression nito.

"Sir? May kailangan-" hindi niya matapos ang sasabihin ng hilain siya nito at kabigin. Iniyukyok nito ang ulo sa kaniyang balikat. Nawindang ang braincells niya sa pagkakalapit nila. Tanging mga damit na lang nila ang nakapagitan sa kanilang balat. Jusko! Nagsisimula ng maeskandalo ang kabilang bahagi ng kaniyang utak.

Rinig na rinig rin niya ang mabilis na tibok ng puso nito dala ng height niyang umabot lang sa balikat nito.

"Sir." Kapos niyang sabi. Inangat niya ang kamay sa dibdib at akma itong itutulak. Nakukuryente siya sa pagkakalapit nila. Ito na ba ang tinatawag nilang spark? Parang gusto niyang tumili. She can't contain the emotions she's feeling right now.

"Please, let me hug you, just for this night," mahina nitong sabi. Tumigil ang talipandas niyang pag-iisip sa pakiusap nito. Sumipa sa kaniya ang motherly instinc nang mahimigan niya sa boses nito ang pighati.

Napasinghap siya ng maramdaman niya ang luha nito sa kaniyang balikat. Ngayon niya lang itong nakitang ganito. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin at tila naubusan siya ng mga salitang dapat ibato.

"Blue." Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ito sa pangalan.

Pumaikot ang kaniyang kamay sa likod nito at hinaplos iyon. Nakagat niya ang labi nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Tila ramdam niya ang hinanakit na nararamdaman nito ngayon. Hinayaan niya lang itong umiyak at yakapin siya.

"Bakit gano'n? Bakit kung kailan handa na akong magpatawad saka pa siya mawawala?" Bumakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Hindi ko pa nga nasasabing napatawad ko na siya." Unti-unti nang binubundol ng kaba ang kaniyang dibdib dahil sa sinasabi nito.

"Blue," nanginginig ang boses na tawag niya rito.

"Patay na si kuya, Sharina." Naestatwa siya sa kinatatayuan. Paano? Puno ng hinanakit at pagsisisi ang naririnig niya sa paghagulhol nito.

"Damn it!" sigaw nito. Mas lalo niya itong niyakap ng gusto nitong kumawala. Nag-umpisa na ring tumulo ang kaniyang mga luha sa natuklasan. Mas kailangan siya nito ngayon.

Tumagal ng ilang minuto ang pag-iyak nito. Huminto lamang ng makaramdam ito nang pagsusuka. Agad itong tumakbo sa basurahang na sa gilid ng kanilang bahay. Lumuhod ito at doon dumuwal. Nagtaas baba ang kaniyang kamay sa likod nito.

Nang matapos ay hinang-hina itong humarap sa kaniya. Namumula rin ang mata dala nang pag-inom at pag iyak.

"Dito ka lang," bilin niya sa lalaki at tinawag ang kapatid.

"Granted!" Mabilis namang tumakbo ang kapatid para siya ay daluhan.

"Bakit ate?"

"Tulungan mo ako." Sumunod ito sa kaniya. Nakita nila ang kaniyang boss na nakasandig sa pader habang nakayuko. Umangat ang tingin ni Blue sa kanila. Tumayo ito, naglakad pero agad niyang nilapitan nang matumba ito.

"Salamat, uuwi na ako," paos nitong sabi. Tinignan niya ang kapatid, lumapit ito at tinulungan siya sa pagbubuhat.

"No. Hindi ka puwedeng magmaneho sa ganiyang kalagayan." Kahit pa safe itong nakarating sa kanila ay hindi ibig sabihing safe rin itong uuwi kung magmamaneho ito ng lasing.

"I can take care of myself," aniya nito nang makapasok na sila sa kaniyang kuwarto. Wala silang guest room kaya dito niya ito pahihigain.

"Kumuha ka ng malamig at maligamgam na tubig." Utos niya sa kapatid. Sumunod naman ito.

Hinaplos niya ang mukha ni Blue at sinuklay ang buhok nito gamit ang kaniyang daliri. Katatapos niya lang itong punasan. Napatitig siya sa mata nito. Masiyadong malalim ang pinagdadaanan nito ngayon. Kung puwede niya lang sanang kunin ang sakit niyon ay ginawa niya.

Nang mawala ang kaniyang magulang ay sobrang sakit ang kaniyang naramdaman. Tila kalahati ng pagkatao niya ang nawala. Kaya ramdam niya kung gaano kasakit para rito ang mawalan ng kapatid.

Hindi niya alam kung anong nangyari, pero sana, hiling niya ay malagpasan nito iyon.

Tumayo siya sa kinahihigaan nang hawakan nito ang kaniyang palapulsuhan. Tinignan niya ang kamay na nakawak sa kaniya, sugatan iyon. Napatingin siya rito. Malamlam ang mata nitong nakatitig sa kaniya.

"Please, don't go." Napalunok siya sa pakiusap nito.

"Sige." Pagpayag niya at umupong muli sa tabi nito. She knew how devastated he is right now. Kailangan nito ng karamay.

TINIGNAN ni Sharina ang mga pagkaing nasa lamesa. Late na siyang nagising. Hindi na siya tinawag ng kapatid para magluto. Linggo ngayon at sigurado siyang maaga itong lumabas para makipaglaro ng basketball.

Nilingon niya ang sariling kuwarto nang bumukas ang pinto niyon. Linuwa niyon si Blue na nakaayos na. Suot na ang damit na kaniyang tinanggal.

"Sir Blue."

Umangat ang tingin nito sa kaniya. Napatitig siya sa walang buhay nitong kulay asul na mata.

A/N: Next chapter is restricted. Read at your own risk.
________

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon