Dedicated to @ziantkeith
Hindi mawaglit sa isip ni Blue ang bago niyang secretarya. Hindi niya ito maalis sa kaniyang Sistema. Hindi siya sigurado kung konektado ba ito sa kaniyang ama.
"Mukhang ang lalim ata ng iniisip mo pare," tanong ng kaibigan niyang si Math matapos nitong pirmahan ang dapat pirmahan para maumpisahan na nila ang project.
Ibinaling niya ang tingin rito. Nakaupo siya sa bakanteng sofa na nasa loob ng office nito. Napabuga siya ng hangin bago nagsalita.
"I have this uneasy feeling towards my new secretary."
Itinigil naman nito ang ginagawa at sumandal sa swivel chair nito. Bakas sa mukha nito ang interest sa kaniyang sasabihin.
Nasiraan si Blue ng kotse sa daan kaya kinailangan niyang magtaxi.
"Marco. Pare, pasuyo naman ako. Pakikuha na lang ang kotse rito," bilin niya sa tinawagan niyang barkada.
Ibinigay niya rito ang address kung saang talyer nito dadamputin ang kaniyang sasakyan.
"Thanks! I need to go!" Ibinaba na niya ang tawag nang may matanaw siyang paparating na taxi. Huminto ito kaso bahagya siyang nalagpasan kaya nakipag-agawan pa siya sa isang babae.
Tinignan siya nito at napanganga ng mabistahan siya.
Tinitigan niya ito. She is indeed beautiful especially her eyes but he doesn't have time for this. Late na siya sa trabaho. Bakit ba kasi ngayon pa naflat ang kotse niya? Kung kailan hindi niya na dala ang spare niyang gulong.
"Miss, nakikinig ka ba? And plesase, bitawan mo iyong pinto. Ako ang nauna rito." Napakunot noo siya ng wala siyang nakuhang reaksyon.
Damn! Hindi ito nakikinig.
Niyugyog niya ang balikat nito para matauhan."Miss please, I'm busy and I don't have time for this."
Mukha naman itong nakining dahil unti-unti nitong binitawan ang pinto pero parang wala ito sa sarili. Magulo rin ang mahaba nitong buhok.
"Thanks." At tinapik ito sa balikat.
Hindi na niya nakita ang reaksyon nito nang sabihin niya sa driver na bilisan ang takbo."Manong pakibilis ho. Salamat."
Nang makarating na sila ay agad siyang nagbayad at umibis na sa kotse at naglakad patungo sa elavator.
Pinindot niya ang kaniyang palapag ng may babaeng humabol sa kaniya. Ito na naman? Hingal na hingal itong pumasok. Tinitigan niya ito pero nang iangat nito ang paningin sa kaniya ay agad naman niyang iniiwas ang tingin rito. He let his expression blank.
Nararamdaman niya ang mga titig nito sa kaniya. Gusto niyang matawa sa ginagawa nito. He felt a bit awkward.
"Hoy lalaki!" tawag nito sa kaniya.
Nilingon niya ito at nakapameywang itong nakaharap sa kaniya habang naniningkit naman ang mata."Ikaw! Mang aagaw ka!" At pinandilatan siya ng mata. Those expressive eyes and the lips. It looks so sexy.
Kumunot ang kaniyang noo sa mga pinag-iisip niya. Damn! He turned him on.
"Miss, wala akong inaagaw sayo."
"Anong wala! Hinipnotismo mo kaya ako kung kaya nakuha mo yung taxi." Nanggagalaiti ang boses nito.
Umarko naman ang kilay niya sa dahilan nito. Hipnotise? Wow! It's not his fault if she was mesmerized by his goddamn looks.
"Miss, for your information. Hindi ko inagaw sayo ang taxi dahil ako ang unang pumara. Nalagpasan lang ako."
Kung nakakapatay lang ang tingin, siguradong pinaglalamayan na siya ngayon. But he likes to tease her.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...