NAPATAYO siya sa kinauupuan nang pumasok sa kaniyang maliit na opisina ang isang kaibigan. Humahangos itong lumapit sa kaniya.
"Ben tulungan mo ako."
"Anong ibig mong sabihin?" Mabilis niya itong dinaluhan at nilapitan.
"Anong nangyari sa'yo?" Hinawakan siya nito sa braso. Sinubukan niya itong pakalmahin. Puno ito ng galos na humarap sa kaniya.
"William, umupo ka muna." Hinawakan niya ito sa dalawang braso at iginiya sa upuang naroroon. Nanginginig ang katawan nitong sumunod sa kaniya. "Saglit lang at ikukuha kita ng pampakalma." Kinuha niya ang kopitang iniinuman bago ito dumating at sinalinan iyon ng ng kaniyang mamahaling alak na Chateu La Bleu.
Agad niya iyong iniabot kay William na mabilis naman nitong nilagok. Nanginginig ang kamay nitong inilapag ang kopita sa maliit pero babasaging lamesa sa gitna ng kaniyang office.
"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit puno ka ng galos?" Nakakunot noo niyang tanong rito. Binasa nito ang natutuyong labi.
"Tulungan mo akong makatakas." Nakapaskil sa mukha nito ang takot at pagkagimbal.
"Ha? Takas? Saan?"
"Pahiram ako ng kahit na anong sasakayan mo." Tumayo ito saka siya muling hinawakan sa magkabilang braso.
"Teka nga, ano bang sinasabi mo? Ipaliwanag mo nga sa akin anong nangyari?" Pinauupo niya ito pero umiling ito at determinado ang ekspresyon.
"Nakapatay kami." Lumarawan sa mukha nito ang hintatakutan. Agad na rumehistro ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwala sa isiniwalat ng kaibigan.
"A-a-anong ibig mong sabihin?" Tinatambol ang puso niya sa sobrang lakas niyon.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...