Shoutout nga po pala kay misis gloriaevangelista18. This chapter is dedicated for you. Salamat sa iyong suporta.
Halos lumuwa ang mata ni Sharina sa tanong nito. 'Di ba nga ito ang umaakto na parang walang nangyari?
Naamoy niya ang alak sa hininga nito ng mas lumapit pa ang mukha nito sa kaniya.
"Answer me. Iniiwasan mo ba ako?"
Hindi niya ito magawang sagutin dala ng kakaibang tensyong namuo sa paligid.
"Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin ang magpigil?" His voice is deep and cold. Parang gusto na lang niyang pumikit at pakinggan iyon.
"Nasa tuwing nakikita kita. I want to pull you here in my arms and kiss you ravishly."
Nabitawan niya ang yakap-yakap na folder at laglag ang pangang nakatingin siya rito. What the hell is he saying?!
"I want to touch you Sharina." Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. Jusko! What the heck is going on? Ganito ba talaga ito kapag nalalasing?
"Answer me, iniiwasan mo ba ako?"
"Sir." Ang tingin nito ay mas lalong naging intense. Halos pagpawisan siya sa kakaibang kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan. Tila may paru-paru sa kaniyang tiyan.
"Alam mo bang halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit ka lumayo? Hindi ko alam kung ano bang ginawa kong mali? Ang akala ko may pagkakaunawaan na tayo." Whaaat?! Sila? May pagkakaunawaan? Bakit ngayon lang siya nainform?
Pero bumalik ang huwisyo niya sa tanong nito. Lumitaw sa alaala niya ang mukha ng ex-girlfriend nito. Umakyat lahat ng dugo sa kaniyang ulo. Muntikan na siya ng bumigay rito. Alam naman niyang napakaimposibleng magustuhan siya nito.
"No!" At itinulak niya ito palayo. Napaatras ito sa gulat. Hindi nito inasahan ang kaniyang ginawa.
Mas lalong kumunot ang noo nito sa kaniyang reaksyon.
"I am just a mere substitute of the real thing. You are just attracted to me because you see me as her."
Bumalandra sa mukha nito ang pagtataka. Siya naman ngayon ang napakunot noo. Bakit mukhang wala itong alam sa sinasabi niya?
"What the hell are you saying?" tanong nito ng makabawi.
Hindi niya ito pinansin at dinampot ang nalaglag na folder. Bakit ba naging kahawig niya ang ex nito? Nilagpasan niya ito habang hindi maipinta ang mukha sa inis.
Pero bago pa man niya iyon magawa, hinawakan na nito ang kaniyang palapulsuhan. Nagpupumiglas siya pero walang panama iyon lakas nito. Itinulak siya nito sa pader at itinaas ang kamay at idinikit roon.
"What do you mean?" Naniningkit ang mata nito.
Para siyang kakapusan sa sobrang pagkakalapit nila. Ang tanging braso na lang niya ang nakapagitan sa kanila.
"Let me go sir," sabi niya sa professional na tono.
"No. Not until you tell me what's the fuck going on!" His voice boomed around the place. Nagtatagis ang bagang nito.
Hindi niya mapigilang mainis sa tonong ginamit nito.
"You see me as your ex! Si earth! Your sister-in-law!" Hindi niya mapigilang sigaw. Hindi pa niya ito lubos na kilala pero nagseselos talaga siya.
Nabigla ito sa kaniyang paghiyaw. Lumuwang ang pagkakahawak nito sa kaniya. Tinignan siya nito ng hindi makapaniwala. Nang mahimasmasan ay bumalik muli ang kaninang emosyong sumabog. Nagtatagis ang bagang nito. Humigpit na rin ang pagkakahawak nito sa kaniyang palapulsuhan.
"How did you know?"
Hindi niya maiwasang panginigan ng tuhod sa kaba. Mas lalo niyang niyakap ang sarili. Pero hindi siya nagpatinag at tinignan ito sa mata.
"Hindi ko sinasadyang marinig ng nasa ospital tayo."
Mas lalo itong napatitig sa kaniya. Napalunok siya sa klase ng titig nito.
Hindi niya alam kung nababaliw na ito dahil ipinikit nito ang mata at nag-umpisang humalakhak.
"Is that why you're ignoring me baby?" He said in a husky voice and opened his eye. Para siyang nahihipnotismo ng kulay asul nitong mata.
Napasinghap siya ng mag register sa utak niya ang tinawag nito sa kaniya. Goodness! Anong tinawag nito sa kaniya? Baby? Parang naging sirko ang utak niya sa eanderment na ginamit nito.
Hindi pa siya nakakabawi sa shock ay ginulantang ulit nito ang utak niya. Nanlaki ang kaniyang mata ng lumapat ang labi nito sa kaniyang labi. He kissed her tenderly yet punishing. She tasted the liquor he drank. Hindi niya alam kung nalango siya sa ininom nitong alak o dahil sa katotohanang labi nito ang nalalasahan niya. Unti-unti na siyang napasunod sa galaw nito kung hindi lang umalingawngaw sa isip niya ang boses ng kaniyang kabilang utak.
Jusko Sharina! He's using you! Agad siyang napamulat ng mata. He was good to you because you look like her. Muling bumalik ang huwisyong nawala sa kaniya kanina.
Tinulak niya ito palayo pero malakas ito. Iisa na lang ang naiisip niyang paraan. Binitawan niya ang isang folder at ginamit ang libreng kamay sa pagsampal sa pisngi nito.
Nabitawan siya ni Blue. Sinamantala niya iyon at kinuha ang nalaglag na folder at bag na nasa upuan saka tumakbo palabas ng pinto. Hingal na hingal siya ng makababa siya sa building. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng kaniyang puso. Magulo na rin ang kaniyang buhok. Pakiramdam niya ay anumang oras ay aatakehin na siya sa puso.
"ATE pasok na ako," paalam ni Granted.
"Sige. Ingat sa pagpasok," sigaw niya mula sa higaan. Tinapos niya ang report kagabi at sinend na lang through e-mail. Hindi siya pumasok ngayong araw. Nagfile siya ng isang linggong sick leave kahit ang totoo ay hindi niya alam kung paano haharap sa kaniyang boss. For pete's sake! Wala na siyang maiharap rito. Bakit ba siya nagpadalos-dalos? Bakit ba hindi muna siya nag-isip? Gaga ka kasi! Sansala ng kaniyang isip.
Nakagat niya ang unan at nagpagulong-gulong sa higaan. Ano ng gagawin niya ngayon? Parang gusto niyang maiyak sa ginawa niyang pagsampal rito. She must be insane to did that.
Katatapos lang maligo ni Sharina ngayong gabi. Patapos na ang sick leave na kaniyang finile kaya naligo siyang muli para gawing presko ang isip. Kailangan niyang alisin ang mga gumugulo sa kaniyang gunita.
Sinusuklay niya ang kaniyang mahabang buhok ng may kumatok sa kanilang pinto. Lumabas siya sa kaniyang kuwarto para tignan kung sino iyon.
Halos gusto niyang kumaripas ng takbo pabalik sa kaniyang kuwarto ng malaman kung sino ang panauhin.
"Sir."
Pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya ng makita ito. It's been week since she last saw him. Pero lumipat ang tingin nito sa kaniyang likod. Lumingon siya sa gawing iyon at nakita ang bagong ligong kapatid na jersey short lang ang suot at nakakunot ang noong papalapit sa kanila.
________
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!

BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...