KABANATA V

2.9K 109 3
                                    

          First day of work ngayon ni Sharina kaya kailangan niyang maging energetic. Magpapakitang gilas  pa siya. Pero bakit kailangang ngayon pa siya datnan? Naiirita tuloy siya ngayong araw. Wala siyang magawa kundi ang utusan ang kapatid na bumili na lang sa sari-sari store ng kaniyang sanitary pad.

"Granted!" tawag niya sa kapatid.

Nasa pangatlong taon na ito ng kolehiyo kaya kailangan niya talagang magtrabaho. Wala narin silang magulang dahil maagang namayapa ang mga iyon.

"Ate bakit?" tumakbo ito palapit sa kaniya. Galing lang ito sa kusina. Ito kasi ang nakatokang maghugas ng pinggan.

"Bilhan mo nga ako ng napkin."

Sigurado siyang nagkamot na naman ito sa ulo. Madalas kasi tong tuksuhin ni Aling Iska kapag ito ang bibili ng kaniyang pantapal perlas. Namana nito ang kalakihan ng katawan at tangkad ng tatay nila kung kaya't madalas itong mapagkamalang nobyo niya kapag hindi ito nakasuot ng school uniform. Hindi rin naman iyon tinatanggi lalo na't kung may poporma, protective ito sa kaniya kahit pa sabihing mas matanda siya rito.

"Night pad ba ate?"

"Oo." Nasa loob siya ng banyo kaya kailangan niyang sumigaw.

"With wings or not?" dugtong pa nito.

"With wings Grant." Sinimulan na niyang magshampoo. Narinig narin niya ang yabag nitong palayo. Sigurado siyang kukuha iyon ng pambili sa baon nito. Dadagdagan na lang siguro niya ang allowance nito mamaya.

KAPAPASOK pa lang niya sa opisina ay inaatake na siya ng dysmenorrhea.

"Good morning Sir!" masigla niyang bati kahit pa unti-unti ng sumasakit ang kaniyang puson.

"Good morning." Iniangat nito ang ulo mula sa ginagawa. Gusto niyang ngumanga sa kagwapuhan nito.

Ngayon niya lang ito nakitang nagsuot ng salamin. Mas nagpadagdag pa iyon sa promiyenente nitong aura. Tinignan nito ang suot na relo.

"You are one minute late." Umakyat lahat ng dugo niya sa kaniyang pisngi. Totoo nga ang bali-balita rito, masyado itong time conscious. Pero kahit ganoon, bumilib din siya rito, kahit pa sabihin isa ito sa mga boss ay hindi ito nalelate.

"Sorry po sir, it will never happen again." Nakakaintimidate din ang aura nito ngayon kumpara noong ininterview siya nito.

"Good." Tumahimik ito sandali pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kaniya, naconscoius tuloy siya bigla kung hindi ba siya presentableng tignan.

"Are you okay?" nakakunot noo nitong tanong.

"Ah! Yes sir!"

"Are you sure?"

Nakitaan niya ng pag-alala ang mukha nito pero nawala rin agad iyon. Tumango-tango naman ito pero mukhang hindi pa rin kumbinsido.

"Then, arrange my schedule for today and bring the documents I needed for approval."

"Okay sir." Pagsang-ayon niya rito saka siya tumalikod. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng titig nito sa kaniyang likod. Jusko! Hindi niya alam ang uunahin kung iyong sakit ba niya sa puson o ang kaba niya sa pa misteryosong titig ng kaniyang boss.

Umupo na siya sa designated place niya kung saan nakapuwesto iyon sa harap ng boss niya. Nasa loob rin siya ng office nito pero nahaharangan lang iyon ng mga transparent na dingding kung kayat mas lalo siyang nacoconscious sa pagkilos lalo na't panay ang sulyap nito sa kaniya. Panay ang sulyap? Huwag ka ngang assumera, loka ka. Gusto na lang niyang matawa sa sarili dahil pakiramdamdam niya talaga ay talagang pinagmamasdan nito ang bawat galaw niya. . Inalis niya ang kaba sa sarili at nagsimula ng magtrabaho.

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon