The engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA)
Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...
Nag-inat si Sharina mula sa kinauupuan. Hinilot niya ang kaniyang batok para mabawasan ang pagngalay niyon. Tumayo rin siya para kumuha ng mainit na tubig para sa kaniyang kape. Nag-overtime siya dahil marami siyang tinatapos.
Nagulantang na lang siya ng may tumawag sa kaniyang pangalan at iharang ang isa nitong kamay pagkatapos niyang mapadikit sa pader dala ng gulat.
"Miss Perez."
"Ay jusmiyo marimar!"
Hindi nito mapigilang mapangiti sa kaniyang reaksyon. Andito na naman ang kakaibang tibok ng puso niya dahil sa ngiti nito.
"Ai sir!" Katatapos lang siguro ng meeting nito kay Sir Math at iba pa nitong kaibigan.
"Gu-gusto niyo ng kape sir?" alok niya rito saka itinaas ang tasa na hawak na nag-uusok pa sa init. Buti na lang hindi siya napaso kanina.
Tinignan lang nito iyon saka siya tinignan ng diresto. Wala na ang kaninang suot nitong salamin. Kitang-kita na niya ang mga mata nitong kulay asul na kumikislap sa ilaw. Ang harot! Pinapakaba naman siya ng mga titig nito.
"Why are you still here?" malamig ang boses nito at para siyang hinehele. Goodness gracious! She can smell his minty breath.
"Ano kasi sir, may tinatapos lang ako." Magulo na rin ang buhok nito. Para tuloy ang sarap suklayan gamit ang kaniyang mga daliri. Hoy Sharina! Maghunus dili ka nga? She mentally slapped herself ng maalis ang hangin sa kaniyang utak. Parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan kahit hindi nito iyon naririnig.
Kumunot ang noo nito sa sagot niya.
"You should be home early. You look pale earlier." Nasa tono nito ang pag aalala.
Mas lalong sumikdo ang puso niya sa tono ng boses nito.
"A-ayos na ako sir. Salamat pala doon sa binigay niyo kahapon." Nauutal niyang sabi. Talagang kinakabahan siya sa tuwing malapit ito sa kaniya, lalo na sa lagay ng ayos nila ngayon.
Tumango lang ito sa hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon.
"You should not overwork yourself."
"Pero sir, may tinatapos pa ho kasi ako?" Bakit ba hindi siya sigurado sa sagot? Napangiwi tuloy siya ng magtunog tanong ang kaniyang itinuran.
"Just finish it tomorrow." Utos nito saka tinigan ang suot na relo. "It's already 7:00 in the evening." Saka ulit nito hinuli ang kaniyang tingin.
Kokontra pa sana siya rito pero pinutol nito iyon.
"Pero sir-"
"No but's." Putol nito sa anumang sasabihin niya saka nito kinuha ang tasa niya at ininuman iyon. Nanlaki ang kaniyang mata sa ginawa nito.
"Mamaya mapano ka pa sa daan. Alam mo naman ang panahon ngayon, maraming rapist. Kung gusto mo, ihahatid na lang kita sa inyo pauwi?" Halos manlaki ang mata niya sa pangalawa nitong suhestiyon.
"Ah..."
Tumaas ang kilay nito habang inaantay ang kaniyang sagot. Nang wala itong marinig na pagtutol ay lumapit ito at tinapik siya sa balikat.
"Get ready, I'll wait you outside. I'll drive you home." Tumayo lahat ng balahibo niya ng lumapat ang mainit nitong kamay sa kaniyang balikat. Kahit pa may suot siya at natatakpan ang parteng iyon ay hindi niya mapigilang masorpresa sa hatid nitong init.
HINDI pa rin makatulog si Sharina kahit na nakahiga na siya sa kaniyang kama. Parang gusto niyang magpagulong-gulong sa sahig hanggang sa mapagod na siya at makalimutan ang kahihiyang nangyari sa loob ng kotse ng kaniyang boss.
Nang makarating na sila sa bahay nila ay hindi agad siya bumaba kasi dala ng biglaang paglapit nito. Tila siya itinulos sa kinauupuan, nasasamyo niya ang Tsokolateng pabango nito. Huminto agad ang kaniyang paghinga ng halos ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mukha.
Unti-unti pa itong lumapit kaya ang akala niya ay hahalikan siya nito. Napakapit siya ng mahigpit sa hawakan ng pinto dahil roon. Naipikit niya rin ang mata dala ng niyerbyos. Kumakabog rin ng napakalakas ang kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay may mga dagang nagrarambulan roon.
Pero mabilis siyang napamulat ng magsalita ito. Shet! Isang ilusyon lang pala ang lahat.
"Are you okay? Masakit ba ang ulo mo?" Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Matagal itong nakatitig sa kaniya bago pa nagsink-in sa kaniyang utak ang ginawa nito. Agad na umakyat ang kaniyang dugo sa kaniyang pisngi. Pakiramdam niya ay nangamatis iyon sa pula.
Sa sobrang pagkapahiya ay hind na niya nagawa pang sagutin ang tanong nito at umibis agad ng sasakyan nito saka tumakbo.
Gusto niyang iuntog ang ulo sa pader para lang makalimutan na niya ang kaechosan kanina. Taas kasi ng pangarap niya werpa! Kinagat niya ang unan at doon tumili. Bakit ba hindi niya nasisip na aalisin lang pala nito ang suot niyang seatbelt? Dakilang assumera ka kasi. Sabat naman ng intregero niyang utak.
Hindi niya tiyak kung paano siya haharap rito bukas? Kinagat niyang muli ang unan saka tumili.
Aminin man niya kasi o hindi, ay talagang kinilig siya sa ginawa nito. Kulang na nga lang malaglag ang panty niya. Noong una'y yabang na yabang siya rito pero ngayon? Parang bumaligtad ang mundo.
Hindi pa siya nagkakaboyfriend kaya hindi niya alam ang pakiramdam ng mahalikan. Nang mapagmasdan niya ang labi nito kanina ay parang gusto niyang ilapit ang labi niya roon. Bastos! Hatawin niya kaya ng unan ang sariling ulo ng matauhan.
_____
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'RomanticaMambabasangManunulat) to support me. . . THANKS!
Zodiac Mugs Available @ our shopee store!❣️
Primitibo Printing Services shopee.ph/denevere
100 Pesos- Cancer
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.