KABANATA XXXVI

794 28 8
                                    

"BAKIT?" Hindi tiyak ni Sharina kung para saan iyon. Kung para ba sa pagtatago nito ng katotohanan, o... ang pagiging isang anak nito ng lalaking naging dahilan ng pagpanaw ng kaniyang magulang.

Nanginginig ang kaniyang kamay habang nakatitig sa mga impormasyong nakapaloob sa folder.

Nakalagay roon ang resume na ipinasa niya noong mag-apply siya sa kompanya nito. Mga diyaryo kung kailan naganap ang insidente. At mga dokumento kung sino ang magulang niya at kung may ugnayan ba siya sa dalawang Perez na nabangga ng nasabing suspek na si William De Luna. Naninikip ang dibdib niya sa natuklasan.

Maraming katanungan ang nagsulpotan sa kaniyang isip.

Noon pa, noon pa pala siya nito niloloko... Noon pa pala ito may hinala. Pero bakit? Bakit nagawa pa rin nitong paibigin siya?

Nanghihina siyang tumayo. Ipinikit ang mata upang pigilin ang luha sa patuloy na pagbalong. Para bang may batong nakabikig sa kaniyang lalamunan sa tuwing pinipigilan niyang mapahikbi.

"Shari..." nanghihina ang boses nito. Ramdam niya ang paghakbang nito palapit sa kaniya.

"Baby, let me explain." Rinig niya sa boses nito ang pangamba.

Baby? Mahal ba talaga siya nito o isa lang siyang obligasyon sa paningin ng lalaki? Obligasyon bilang bayad sa kasalanang ginawa ng ama nito.

Iminulat niya ang mga mata. Nagsalubong ang kanilang paningin. De Luna... Memorya ng nakaraan ay unti-unti nanunumbalik. Bakit nga ba napakatanga niya para kalimutan ang mukha ng lalaking kumitil sa buhay ng kaniyang magulang?

Nakita niya ang takot sa mata nito pero mas nangingibabaw sa puso niya ang galit at poot. Unti-unti, nakikita niya na ang resemblance ng binata sa ama nito. Blue eyes, sharp jaws ... Mas lalong lumilinaw sa likod ng utak niya niya ang imahe ng ama nito. The man who killed her parents.

Mas lalo itong humakbang palapit sa kaniya ngunit kusang umatras ang kaniyang mga paa kaya napahinto ito.

Nabasa niya sa mukha nito ang sakit dahil sa naging reaksyon niya. Hirap siyang bigkasin ang mga salitang dumudurog sa kaniya.

"Minahal mo ba talaga ako?" Nasasaktan siyang makita itong ganito pero mas nasasaktan siya dahil kahit anong gawin niya ay ang sakit ng pagkawala ng kaniyang magulang ang nangingibabaw sa kaniyang puso ngayon.

"Shari, sa maniwala ka sa hindi. Oo mahal kita, minahal kita kahit alam kong magiging komplikado lang ang lahat."

Gustong bumigay ng puso niya pero sa kalagayan niya ay hirap siyang paniwalaan ito ngayon. Afraid to lose herself for this man again. Scared of loving the son of her parents' killer.

It's unfair. Hindi ito tama. Hindi siya puwedeng maging masaya sa piling ng lalaking may kinalaman sa walang hustisyang pagkamatay ng kaniyang magulang. Paano naman ang mararamdaman ng kapatid niya? Ng magulang niya? Hindi niya kayang isantabi ang nararamdaman nila. Mahal niya si Blue pero parehong mahalaga sa kaniya ang kapatid at magulang.

Isa lang ang naiisip niyang paraan.
Masiyado ng maingay at magulo ng kaniyang isipan para isipin kung tama o mali ang gagawin.

"Let's break up." Kahit na parang may libo-libong karayom ang sumasaksak sa kaniyang puso ay hindi niya iyon ininda. Kahit siya ay nabigla sa kaniyang desisyon, pero hindi niya iyon kayang bawiin. Masiyado ng masakit para sa kaniya ang nalaman.

"Please don't do this to us. Please Sharina." Narinig niya ang panginginig sa boses nito.

"Please?" nagmamakaawa ang boses nito.

Naging mabilis ang paghakbang nito palapit sa kaniya. Mabilis siya nitong kinabig upang pigilin sa pag-alis.

"Sampalin mo na lang ako. Saktan mo na lang ako physically huwag mo lang akong iwan. Oo, ako ang dapat ang sisisihin. Ako ang may kasalanan. Magalit ka sa 'kin but please stay... I can't leave without you."

"Alam ko, hindi dapat kita minahal, umpisa pa lang dapat nilayuan na kita, umpisa pa lang sana tumigil na ako kakalingon sa 'yo pero damn it! I have no control over my feelings. Everytime I see you, everytime I hear your voice, mas lalong nagiging komplikado ang takbo ng utak ko. My mind telling me 'I shouldn't love you' but my heart says 'otherwise'. Now tell me, tell me Sharina how?" nabasag ang boses nito ng magsimula nang umalpas ang kanina pa nitong pinipigilang luha.

"How can I not love you when my mind, heart and body is screaming for you?"

Naipikit niya ang mata at napahagulhol sa sakit. Hindi niya maintindihan kung bakit 'to nangyayari sa kaniya? Sa kanila? Kailanman ay hindi niya naisip na ama nito ang dahilan. Kailanman ay hindi niya naisip na hahantong sila sa ganito.

"Sana maintihindan mong ama ko siya. At naniniwala ako at patutunayan ko sa 'yong hindi siya ang salarin at isa rin siyang biktima."

Mas lalo siyang napahagulhol ng marinig niya itong humikbi. Humigpit ang yakap nito sa kaniya na mas lalong naging dahilan upang manikip ang dibdib niya sa sakit. It will be there last hug, last tender moment between them dahil mali ito. Maling-mali!

Itinulak niya ito palayo sa kaniya upang supilin ang sariling bumigay sa kagustuhan nito. Pero mas lalo lang nito iyong hinigpitan ng pilitin niyang magpumiglas.

Hindi niya ito gustong saktan pero ito lang ang naiisip niyang paraan para pakawalan siya nito. Huminga siya ng malalim bago namutawi sa bibig niya ang mga salitang maaaring dumurog rito.

"Yes, he's your father. Pero sa mata ko at ng kapatid ko, isa siyang kriminal na tinabukhan ang responsibilad sa magulang ko," hinang-hina niyang sabi. Napahinto ito sa kaniyang litanya na naging dahilan para lumuwag ang pagkakayakap nito sa kaniya.

Sinamantala niya iyon at tumakbo palabas ng pinto. Wala na siyang pake sa tingin ng mga taong naroroon, ang mahalaga sa kaniya ay ang makalayo siya sa lugar kahit nanlalabo na ang mata buhat ng patuloy na pagbalong ng kaniyang luha.

Note: Ayaw pa rin hong magbukas ng PC ko at nag-uumpisa na akong maanxious. Kaya bago pa ako maburyong kung kailan aayos ang pc dahil nandoon lahat ng update ko, itinype ko na lang sa cellphone ko lahat ng mga naaalala ko. Salamat sa paghihintay...

Please do VOTE, COMMENT,  FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ D Roman Tica (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon