MINAMASA na ni Sharina ang gagamitin niya sa paggawa ng strawberry cookies nang dumating ang kapatid na si Granted bitbit ang mga sangkap na ipinamili niya rito.
Lumapit ito sa kaniya at inilapag sa lamesa ang mga iyon.
"Para ba kay kuya Blue itong strawberry cookies na gagawin mo ate?" Alam ng kapatid niya ang relasyon niya sa sa lalaki. At masaya siyang suportado siya nito.
"Oo, mukha kasing malungkot 'yong boss ko ngayon... Para kasing may pinoproblema kaya naisip kong dalhan siya ng strawberry dessert na puwede niyang kainin."
Napatango-tango ito. Kinuha niya ang hugis puso na cookie cutter sa plastic bag na dala ng kapatid. Tinanggal niya iyon sa lalagyan saka hinugasan bago gamitin sa paghuhulma ng cookies na ibe-bake niya.
Kinuha naman ni Granted ang oven tray para ilagay ang mga cut outs na lulutuin. Napatingin siya rito ng tumawa ito.
"Bakit?" curious niyang tanong.
"Naalala ko lang kasi ng mapanalunan natin 'tong oven sa isang raffle promo sa mall. Tuwang-tuwa ka lalo't mahilig kang magbake." Hindi niya maiwasang mapangiti. Naaalala niya, christmas 'yon no'ng makuha niya ang oven. Sobrang dasal niya noon na sana makuha niya ang 3rd prize dahil matagal na niyang inaasam na magkaroon ng gamit sa pagbebake.
"Oo nga eh, sa sobrang tuwa ko no'n, halos isnag buwan kang may cookies sa akin na lagi niyong meryenda ng mga kaklase mo. Sila Randell at Dandreb ata 'yon no?"
"Opo ate, crush ka nga ng dalawang kolokoy na 'yon. Pero sabi ko off limits ka." Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi. Para talaga itong tatay nila, napakaprotective.
"Akala ko noon, hindi mo pa gustong makipagboyfriend kaya nagulat talaga ako no'ng sabi mong boyfriend ka na at si sir Blue ang tinutukoy mo." Nilagyan nito ng chocolate ang mga cut outs.
"Wale eh, naging inlababo ako sa boss ko." Ipinasok niya ang tray sa oven para umpisahan na ang pagbake roon.
Umupo ang kapatid sa upuang kahoy na gamit nila sa kusina. Sumandal naman siya sa lamesa.
"Ate..." Nilingon niya ito at binigyan ng nagtatakang ekspresyon.
"Bakit?" Seryoso ang mukha nito at tila may gustong sabihin.
"Uhm matagal ko na pong pinag-iisipan 'to at, matagal ko na rin gusto sanang sabihin. Hindi naman sa tutol ako sa relasyon niyo no ate pero... hindi ka ba natatakot?"
Lumarawan ang pagkalito sa kaniyang mukha. Sinalubong niya ang tingin ng kapatid.
"Natatakot para saan?"
Humugot ito ng malalim na hininga bagot sumagot.
"Isa siyang De Luna ate..." Rinig niya sa boses nito ang hinanakit ng banggitin nito ang apelyido.
"Alam mo naman na isang De Luna ang pumatay sa magulang natin." Umiwas siya ng tingin sa kapatid. Batid niya kung bakit ito ganito, hindi tuloy niya maiwasang makonsensya. Sa kanilang magkapatid, ito ang nagtanim ng sama ng loob sa nangyari. Lumapit siya sa lababo at naghugas ng kamay.
"Alam ko Grant. Pero hindi naman lahat ng De Luna ay may kaugnayan sa kriminal na pumatay sa magulang natin. Napakaraming De Luna sa mundo... hindi ko naman puwedeng kamuhian lahat ng mga taong kaapelyido ng taong pumatay kila nanay at tatay. Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko ang punto mo bunso."
Napatahimik ito at yumuko. Hindi niya masisisi ang kapatid kung bakit nito natanong iyon. Dahil simula ng mamatay ang magulang nila ay hindi nito ginustong magkaroon ng ugnayan sa mga taong may apelyidong De Luna. Dahil sa tuwing naririnig nito ang apelyidong 'yon ay tila binubudbudran ng asin ang sugat nilang hindi pa naghihilom dala ng hindi pa pagkamit sa hustisya.

BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...