The engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA)
Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...
Busy si Blue sa pagbabasa ng proposal na balak gawin ni Math ng bumukas ang pinto at iniluwa ang pinakababaero niyang kaibigan. Kahit hindi pa niya tignan kung sino iyon, sigurado na siyang si Marco iyon. Ito lang naman ang barkada niyang hindi na nag-aabala pang kumatok. Habulin ito ng mga babae pero mas guwapo siya.
"Hey Blue what's up!" nakangiti nitong sabi. Umangat ang tingin niya rito. Nakapaskil na naman sa labi nito ang nakakaloko nitong ngiti.
"I'm good. What are you doing here Marco?" pinaningkitan niya ito ng mata. May hinala na siya kung bakit ito nandito. Dakilang usisero talaga ang loko.
"Wala naman, may nabalitaan lang ako eh. Nagresign na daw si Mrs. Dela Cruz." . Ang lakas talaga ng radar nito kahit kailan.
"Kalalaki mong tao, napakachismoso mo." Tinawanan lang siya nito.
Naglakad ito papunta kay Sharina na naging dahilan ng pagkakunot ng kaniyang noo. Parang gusto tuloy niyang sapukin ang lalaki ng batiin ito ng babae na may todo pang ngiti.
"Good morning sir."
"Good morning!" masiglang bati rin ng barkada. "So you are the new secretary?"
"Yes sir!" nakangiti namang sagot ni Sharina. "What a beautiful lady you are." Pambobola nito. Kulang na lang ay ibato niya sa kaibigan ang hawak na ballpen.
"Marco," matalim niyang sabi. Damn it! Hindi niya maintindihan ang sarili pero para siyang inaatake ng selos.
"What? I'm just praising her pare," pang-aasar pa nito.
"Stop messing with her." At ibinabang muli ang tingin sa binabasa pero ang problema ay hindi siya makapagconcentrate.
"Ohhh." Mas lalong lumawak ang ngiti nito sa kaniyang banta. Nang-aasar pa ang matang tumingin sa kaniya. .
Naglakad ito palapit sa kaniya at umupo sa sofa na nasa kaniyang tabi.
"You look like some jealous boyfriend Blue," tumatawa nitong sabi. Napahigpit ang hawak niya sa papel na binabasa. Kahit kailan talaga, wala na itong ginawa kundi mang-alaska. Pero goddamit! Hindi siya aamin rito. Magiging laughing stock lang siya ng gago. Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito.
"Anong dahilan mo at naparito ka?" usisa niya sa kaibigan.
"I just wanna confirm kung totoo 'yong bali-balita na isa raw diyosa ang sekretarya mo at totoo nga." Itinaas nito ang paa sa lamesa. Saka ito kumindat sa babae. Napayuko naman si Sharina sa iginawi ng kaibigan.
"Tss." Napaismid siya sa itinuran ni Marco. Hindi rin naman niya maidedeny na isang diyosa nga si Sharina, para itong isang anghel na bumaba sa langit.
"Bukod roon, itatanong ko lang sana kung aattend ka ng wedding celebration ni Jeilon." Pag-iiba nito ng topic.
"Oo."
"Good," sagot nito nang tumunog ang cellphone nito. Sinagot nito iyon at nakipaglandian na sa tawag.
"Hey babe? Wanna have some juicy night?"
Halos umikot ang mata niya sa sinasabi nito. Hindi siya sigurado kung gusto lang nitong iparinig sa kaniya ang kalibugan nito. Kahit kailan talaga, walang araw na hindi ito nakipagsex. Masiyadong mataas ang libido.
"Ohh, babe. Im coming there. Wait for me okay? Wear your best shot."
"Lumayas ka nga rito pare," litanya niya ng marindi siya sa pinagsasabi nito. Tinawanan lang siya nito at tumayo.
"Goodbye pare."
Tinignan niya ng masama ang kaibigan ng huminto ito sa tapat ng kaniyang sekretarya.
"Good bye miss?"
"Miss Sharina Perez sir."
"Nice name. See you again Shari." At kumindat pa ito bago umalis. Tangina, nang aasar talaga ang loko.
Halos maloka si Sharina sa loob ng opisina, lalo na ng dumating ang kaibigan ng kaniyang boss na si Marco. May hinala na siyang babaero ito sa paraan ng pananalita nito. Pero hindi niya maiwasang pamulahan sa pinagsasabi nito. Nagtila antenna kaya ang kaniyang tenga sa litanya nito at paulit-ulit pa iyong umalingawngaw sa kaniyang utak.
You look like some jealous boyfriend. Anodaw? Gusto niyang magdeliryo ng hindi pa itinama ng lalaki ang biro ng barkda. Para tuloy siyang kiti-kiti sa kaniyang upuan kung hindi pa siya inutusan ng kaniyang boss.
"Miss Sharina?" tawag nito sa kaniya. Nag-overtime sila dahil maraming dapat gawin sa opisina nito.
"Yes sir?" tanong niya saka tumayo at tumingin sa gawi nito. Hindi niya maisawang mapasinghap ng makita niya ang ayos nito. Jusko! Ang lalaki ang depinisyon ng isang hunk! Nakatanggal na ang kurbata nito at nakabukas na ang dalawang butones sa lukot nitong polo na nakatupi na hanggang siko. Medyo magulo na rin ang kaninang nakaayos nitong buhok. Agad niyang narinig ang mga kantang nagpapagulo sa kaniyang utak. Pare?... Nasalangit na ba ako? Dahil literal, literal na nasa heaven ang kaniyang pakiramdam. Shet! Busog na busog ang kaniyang mata.
"Can you please make some coffee for me?" Kahit halatang pagod na ito ay nagungusap pa rin ang mga mata. Hindi siya nag-atubiling gawin ang pakiusap nito.
"Black or creamy sir?" tanong niya bago umalis.
"Creamy." Ohhh. Parang ito, creamy na creamy sasarap. Pakshet heto na naman siya, nagiging maharot na naman ang utak. Hindi na tuloy niya maiwasang mautal.
"Le-less sugar or no sugar sir?"
"Less sugar please." Halos mangisay siya sa kahalayan ng binasa ng dila nito ang tuyo nitong labi. Sheyt!
"Shari?" tawag nito sa kaniyang kamalayan. Nanlaki ang mata niya kung saan na umabot ang eskandalosa niyang pag-iisip.
"Sir!"
"Are you okay?" Lumarawan sa mukha nito ang pag-aalala. Agad na umakyat ang dugo sa kaniyang mukha at nag-init iyon.
"H-ha? Yes sir, gagawin ko na po iyong pinapagawa niyo." Saka siya mabilis na naglakad palabas because she's embarrassing herself again! Darn! Hindi naman siya ganito kaharot! Ngayon lang, simula ng masilayan niya ang mukha nito.
_____
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'RomanticaMambabasangManunulat) to support me. . . THANKS!
Zodiac Mugs Available @ our shopee store!❣️
Primitibo Printing Services shopee.ph/denevere
100 Pesos- Virgo
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.