KABANATA XXXVII

218 10 2
                                    

MULA ng umalis si Sharina ay hindi na niya nagawa pang tumayo sa kinaluluhudan. Bagamat gabi na ay hindi pa rin niya magawang kumilos upang buksan ang mga ilaw. Nanghihina ang mga tuhod, basang basa ang mukha sa luha. Dumating na ang kinakatakutan niya, tuluyan ng nagunaw ang kaniyang mundo sa naging desisyon nito. The nightmares that haunts him every night came true, the excruciating pain he felt after the nightmares was nothing compared to what he feels right now. Namamanhid ang buong katawan niya, trying to reject the truth. The truth that she will leave him once she knew everything that he's hiding.

"Mahal kita Sharina... Mahal kita" at muling tumulo ang mga luhang hindi na yata maubos.

NANG makauwi at makapasok sa bahay ay hinang-hina si Sharinang napaupo sa sahig ng kaniyang silid. Hindi niya malaman ang gagawin. Litong- lito na siya, lunod na lunod na sa mga emosyong naghuhumiyaw. Lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob, mga luhang pinipigilan niya ng ilang taon ay nag-uumpisa ng kumawala. Blue... bakit? Nagtiwala ako sa 'yo, bakit ka nagtago?... Napakapit siya sa dibdib na naninikip dala ng pighati. The memories of her parents begin to appear at the back of her head. Ma, pa...

Napahinto ang kaniyang paghikbi ng bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto at iniluwa niyon ang kaniyang kapatid. Nandilim ang reaksyon nito at bumakas ang pag-aala sa nadatnan nitong ayos niya.

"Ate?" mahina nitong wika. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Granted," basag ang tinig na tinawag ito.

Dahil sa narinig na tono ay mabilis itong naglakad at tumabi sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang balikat saka iniharap ang mukha niya rito.

"Ate, anong problema?" nag-aalala ang boses nito.

Sinalubong niya ang tingin ng nakababatang kapatid. Ayaw niyang magtago sa kapatid pero nagdadalawang isip siyang sagutin ang tanong nito.

"Ate?" Huminga siya ng malalim saka lumunok.

"Si Blue," hirap na hirap niyang sabi.

"Bakit?! Anong ginawa sa 'yo ng lalaking 'yon?" Nagtatagis ang bagang nito sa galit.

"Hindi, hindi siya." Kumunot ang noo nito, halatang naguguluhan.

"Anong hindi siya? Anong ibig mong sabihin ate?"

"'Yong papa niya-" napahinto siya at ipinikit ang mata upang pigilang muli ang mga luha sa pagbalong. Hirap na hirap siyang tapusin ang nais sabihin.

"Papa niya ang matagal na nating hinahanap."

Bumakas sa sa mata nito ang pagkagulat. Halos hindi ito makapaniwala sa narinig. Naramdaman niya ang paghigpit ng mga kamay nito sa kaniyang balikat. Unti-unti ng pumapaibabaw ang poot sa mukha nito. Nagtatagis ang bagang nito at hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

"Grant?" Nag-aalala ang tinig niya. Nagbabadya ang delubyo sa mga mata nito. Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang kamay nitong nakapatong sa kaniyang balikat.

He looks at her straight in the eyes na para bang tinatantiya siya.

"It may sound absurd to you ate, but we will reopen the case," sabi nito sa desididong boses. Tuluyan na siyang napahagulhol sa gustong mangyari ng kapatid. Hindi niya ito kayang kontrahin, matagal na nila itong gustong mangyari. Malapit na nilang makamit ang hustisyang matagal na nilang inaasam pero bakit? Bakit napakabigat ng kaniyang dibdib. Dahil ba alam niya sa sariling mawawala naman sa kaniya ang lalaking inalayan niya ng sarili? Blue... Mas lalo siyang napahagulhol ng maalala ang naging desisyon niya kanina.

MASAKIT pa ang ulo ni Blue dala ng hang-over pero kailangan niyang magbiyahe, ngayon ang flight niya papuntang Palawan. Tinitigan niya ang sarili sa salamin na nasa kaniyang banyo. Tumutubo na ang mga balbas na kinalimutan na niyang ahitin dulot ng pighati na nadarama. Images of her begin to flash at the back of his mind. Hinawakan niya ang salamin na tila ba nasa harap niya lang ang babae. I promise you, Sharina, I will get you back and I will prove to you that my father innocent.

Letting himself lose control, he drove straight to Sharina's house. He aimed to explain his side calmly, but as soon as he laid his eyes on her, everything did not go as planned.

Nahihilong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa tapat ng pinto ng dating nobya. He leaned his head at the door frame while knocking on the door gently as he calls her name.

"Sharina... can we please talk?" walang sumagot. Muli niyang inulit ang ginawa.

"Sharina..." Naiintindihan niya ito kung hindi man siya nito kausapin. Pero hindi niya tiyak kung kaya niyang umalis ng hindi man lang ito nakikita o naririnig ang boses nito.

"Sharina." Nag-uumpisa na namang magbadya ang luha sa kaniyang mata. I need you.

"Please... talk to me." Hinawakan niya ang naninikip niyang dibdib. Pakiramdam niya ay kakapusan siya ng hininga sa pagpipigil na huwag magdrama sa harap nito.

"Please talk—" at dahil nakasanding ang ulo niya sa pintuan ay hindi niya napaghandaan ang pagbagsak niya sa semento ng pagbuksan siya ng pinto.

"Blue..." Ah, hearing her voice after a week should be enough to ease his agony. Pero bakit? Bakit mas tumitindi pa ang paninikip ng dibdib niya ng marinig ang boses nito. He can hear the pain in her voice.

Dalawag pares ng paa ang nakaabang sa kaniya. Kahit nahihilo ay pinilit niya ang sariling bumangon at pinaalalahanan ang sariling maging kalmado pero ngayong narito na ito sa harap niya, few inches away from him, he cannot stop his throbbing heart from desiring her even more.

Tila ba napakaraming karayom ang tumatarak ngayon sa kaniyang dibdib at hindi na niya magawa pang indahin ang sakit niyon.

"Sha... Sharina." He should be happy seeing her, but why? Why does he feel like this? Why does it hurt looking at her right now? He wants to hug her, to kiss her, he wants to tell her that everything will be alright soon. He wanted to explain.

"Sha...Sharina." Tawag niya sa basag na tinig. Nag-uumpisa na namang magtubig ang mga mata niya.

"Blue..."

Hearing his name twice is enough for him to breakdown in front of them. Ah... Now I lose control.

Napaluhod siya sa harap nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig rito. Wala na siyang pakialam kung nag-simula ng bumuhos ang mga luha niyang hindi na ata mauubos. He longed for her, he wanted her, he needed her.

"I-I missed you..." He cries out, betraying himself, his plan.

Please do VOTE, COMMENT,  FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ D Roman Tica (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dear DRomantics,

I'm sorry for the long hiatus guys... Marami pong nangyari na beyond sa aking plano. And to be honest kaya hindi ako makapagsulat eh dahil maraming gumugulo sa isip ko.  Ang sabaw sabaw ng utak ko nitong nakaraang taon that is why I wanted to chill. I hope, and I will try na sana ito na nga ang umpisa muli ng pagsusulat ko ng tuloy tuloy. Salamat ng marami, lalo na sa mga sumusuporta sa akin at nag-aabang ng updates ko kahit napakapagong kong mag-update. I'll try my best to update as soon as possible...

Sincerely,

DRomantica

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon