KABANATA XXIV

2K 66 9
                                    

          Mainit ang ulong bumalik si Blue sa opisina. Totoo na nga ang kaniyang hinala. Halos lamukusin niya ang envelope na brown na naglalaman ng impormasyon tungkol sa kaniyang ama at kay Sharina.

Nang tumawag sa kaniya ang private investigor ay mabilis siyang nagpaalam sa babae at agad na nagtungo sa opisina ni Mr. Tadina kasama ng kaniyang private attorney na si Mr. Cuervas.

"Alam mo iho..." Ibinuga nito ang hangin na hinithit nito mula sa tobacco." Mabigat itong makakalaban natin. Pero base sa nakalap kong impormasyon ay may pag-asa tayong manalo kung magsasampa tayo ng kaso. Hindi ba Atty. Cuervas."

Tumango ito bilang pagsang-ayon sa dati nitong kaklase.

"Sa oras na sumuko ang ama mo ay, agad tayong magfile ng appeal sa korte para patunayang isang frame-up lang ang nangyari sa kaniya. Pero hindi malabong makulong pa rin ang ama mo sa kasong Obstuction of Justice dala nang kaniyang pagtakbo sa inihaing kaso para sa kaniya."

"Heto nga pala ang nakalap patungkol sa ama mo." Inilabas nito ang isang brown envelope at ibinigay sa kaniya. "Bukod roon ay napag-alaman ko ring may kainan na nadaan ang ama mo malapit sa pinangyarihang insidente. And guess what, noong panahong iyon eh may okasyong naganap. Batid niyo naman sigurong kapag may ganiyang celebration eh hindi mawawala ang kuhanan ng litrato, eksaktong old fashioned at napag-iwanan na ng panahon ang photographer na kumukuha ng litrato. At alam mo bang napakasuwerte natin dahil nakuhanan pala nito ang truck na minaneho umano ng ama mo sa araw na iyon. At magugulat ka sa makikita mo." Inilabas nito ang larawan kung saan nakuhanan ang truck na nagamit walong taon na ang nakararaan. At muli itong humithit ng tobacco at ibinuga iyon sa opisina.

"ILJ-443." Nanginginig ang kamay ni Blue na tinitigan ang larawan. Hindi ang ama niya ang nagmamaneho. At mukhang nakikipagtalo sa anak ng boss nito. Halos mandilim ang kaniyang paningin sa nakita.

"Ibinigay na rin sa akin ni Ben ang negatives na nakuha niya para sa filing of evidence na gagamitin natin sa Marathon Logistics," saad ni Atty. Cuervas.

Napatango siya pero hindi pa rin naaalis ang dilim sa kaniyang mukha.

"Paano niyo at saan niyo pala ito nakuha," usisa niya kay Mr. Tadina.

Ngumisi ito na tila isang henyo. "Iho, maraming mahika ang alak. Nagpanggap lang naman ako isang namamasyal at nakiharap sa usapan ng mga tao roon. Eksaktong nandoon ang kapatid ng may-ari na photographer ng araw na iyon. Alam mo naman lalaki, basta may alak, nagkakaintindihan. Sa sobrang kalasingan, nauwi sa mga usapang nakaraan hanggang sa inilabas na niya ang mga kuha niya noon. Siyempre, lahat titignan mo ang posibilidad na baka nahagip ng kamera nito ang ama mo. At hindi nga ako nagkamali, kita mo naman ang ebidensya. Bilang kapalit sa apat na negatives na ibinigay niya, niregaluhan ko siya ng bayoneta at hindi lang simpleng bayoneta, pinagawa ko pa sa isang batikang panday mula Pangasinan na gumagawa ng mga replika ng mga antigong armas para sa mga museyo." Mahaba nitong hayag.

Pinaghalong galit at kaluwagan ng puso ang nadarama sa natuklasan niya ngayon. May isa na silang matibay na ebidensya para linisin ang pangalan ng ama niya. Pero kahit gano'n ay hindi niya maiwasang mamuot sa nangyari para sa ama. Ito ang nagdusa sa kasalanang hindi nito ginawa.

Nag-uumapaw ang poot sa kaniyang katawan. Alam niyang ramdam iyon ng taong nasa kaniyang paligid. Hindi niya magawang kalmahin ang sarili. Ipinikit niya ang mata at sumandal sa kaniyang swivel chair pero kagyat din niyang naimulat nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig.

"Blue?" mahinang tawag ni Sharina.

Umangat ang kaniyang paningin sa kaniyang harap, napatitig siya sa babae. Napakurap siya para pawiin ang tension sa kaniyang katawan. Kita niya sa mata nito ang pag-aalala.

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon