Lumabas na ng office si Sharina para magtimpla ng kape nANg makasalubong niya ang isa ring empleyado.
"Hi Shari," bati nito saka lumapit sa kaniya.
"Hello Micky." Nakilala niya ito noong isang araw. Tinulungan siya nitong magbuhat ng isang box ng bondpaper papunta sa office.
"Nag-over time din kayo?" panimula nito.
"Ha? Oo. Marami kasing kailangang tapusin." Umusog siya para ito naman ang makakuha ng init tubig.
Sinimulan na rin niyang magtimpla ng kape. Isang public pantry nila iyon, ipinasadya iyong kanilang mga boss para kung kailangan ng kape o mainit na tubig ay may makukuhanan ang kanilang empleyado.
"Hindi ka ba natatakot umuwi ng gabi?" tanong nito.
"Ah, hindi naman, sanay na ako."
"Iyon lang, pero hindi ka ba hirap na maghanap ng masasakyan?" at nagtimpla na rin ito ng inumin.
"Minsan, pero ayos lang."
"Gusto mo ako na lang magha-" hindi nito natapos ang sasabihin ng may tumawag sa kaniyang pangalan.
Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Madilim ang mukha nito habang nakapamulsa ito habang nakasandig sa may gilid ng pintuan.
"A-ah sir!" tawag rito ng lalaki ng una itong makabawi. Doon na rin niya nakuhang magsalita.
"Bye! Shari!" paalam sa kaniya ni Micky." Next time na lang ulit." At nagmamadali na itong kumilos.
Nagtaka siya sa ikinilos nito. Hindi na nga niya nagawa pang magpaalam rito nang maglakad ito ng mabilis.
Ibinaling niya ang atensyon sa lalaking kaharap niya ngayon. Kitang kita niya kung paano nito sundan ng tingin ang lalaki. Hindi na naman siya mapakali na tila may mga paru-paru sa kaniyang tiyan. Ngayong dadalawa na sila ay mas lalo siyang natetensyon. Pakiramdam niya ay bibigay ang mga tuhod niya sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa kaniya.
"S-sir." Hindi ito ngsalita at diretso pa ring nakatingin sa kaniya.
"Ma-may kailangan po kayo?"
Mas lalo siyang napalunok nang basain ng dila nito ang labi nito.
"Yes." Naglakad ito palapit sa kaniya. Nahugot niya ang kaniyang hininga ng maamoy niya ang panlalaki nitong pabango. Juice colored! Amoy fafa! Fafalicious! Inabot nito ang kapeng itinimpla niya para rito.
"Go to my office now. May kailangan tayong pag-usapan." At tumalikod na ito. Parang gusto niya itong hilain pabalik at maglambitin sa leeg nito. Hindi siya makaget-over sa amoy nitong chocolate na axe!
Naka upo na si Sharina sa tapat ni Blue at nag-umpisa na itong magsalita. Hindi siya maka concentrate sa sinasabi nito dahil sa labi nito siya nakasentro. Oh my!
Nagulantang lang siya ng tawagin nito ang kaniyang pangalan.
"Miss Perez?"
"Ah yes sir?" Tumuwid siya ng upo. Goodness! Naeeskandalo ang utak niya.
"Are you listening?" habang hinuhuli ng asul nitong mata ang kaniyang tingin.
"Yes sir." Mas lalo na naman naghurumentado ang puso niya ng mukhang hindi ito kumbinsido sa kaniyang sagot.
"Sabi mo sir, aalis tayo bukas ng alas kuwatro ng hapon dahil papasyalan natin iyong site na pagtatayuan ng resort. At magdala rin ako ng rubber shoes para hindi ako mahirapan." Tuloy tuloy niyang sabi. Hindi na nga siya huminga sa sobrang kaba. Breath Sharina, breath!
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...