KABANATA XI

2.4K 93 7
                                    

           Nasa kuwarto si Sharina na ipinahiram sa kanila ni Manang Cely. Iisa lang iyon kaya magkasama silang matutulog rito mamayang gabi. Hindi sila makakauwi ngayon dahil baha sa may tulay, may bagyo kasing paparating. Hindi makakadaan ang sasakyan nila. Goodness! Gusto niyang magtitili ng hindi niya batid kung anong dahilan.

Kanina lang ay para na siyang hihimatayin ng maghubad ito ng damit sa harap niya. Halos lumuwa ang mata niya ng makita niya ang katawan nitong namumutiktik sa six pack abs. Na para bang kapag niyakap siya nito, ay madarama niyang protektado siya mula sa masasamang nangyayari sa mundo. Naeengganyo nga siyang haplusin iyon kung hindi lang sa hiya. Ay wit! May hiya ka dzai?

Nagtaka pa siya ng inabot nito ang damit sa kaniya. Pero ng inilibot niya ang paningin sa sarili ay mas lalong bumilog ang kaniyang mata ng malamang kita na halos ang kaniyang kaluluwa. Mabilis niya iyong itinakip sa katawan.

Tinignan niya ito pero hindi na ito nakatingin sa kaniya.

Nabigyan siya ng pagkakataong pagmasdan ito. Halos maglaway siya ng tumutulo ang basang buhok nito sa katawan nito. Para itong modelo sa isang sikat na magazine. He has this chiseled nose with a sharp jaw that will attract girls and maiden for sure and red lips that will make women insane. Kumikislap rin ang mata nito sa liwanag.

Natigil lang ang pag papantasya niya rito nang tawagin siya ni Totoy.

"Ate." Kanina pa pala nito inaabot sa kaniya ang tuwalya. Gusto tuloy niyang maghukay ngayon ng libingan at doon na lang magtago. Huling-huli siya nito sa aktong titig na titig sa lalaki.

"Sa-salamat."

Tinawanan lang siya nito. Tinignan niya ang tuwalya, may kasamang damit na rin iyon.

"Doon ka na lang po magbihis sa isang kuwarto ate, ayon oh." At itinuro nito ang kwartong nakatapat sa sala.

"Ay sige, salamat rito ha?"

"Ayos lang po ate, pero bukas pa ho kayo makakauwi. Baha po kasi, inabot po 'yong tulay sa kabilang bayan." Nanlaki na naman ang mata niya sa balita nito.

"Ha-ha?" Napatingin siya sa lalaking kasama. Nakatingin lang din ito sa kaniya na para bang natatawa sa kaniyang reaksyon.

"Bale, iisa lang po kasi ang kuwarto kaya magsasama po kayo."

"Pa-paano?" Hindi na malaman ni totoy kung matatawa ba sa kaniya o hindi.

"Bibigyan na lang po namin kayo ng dalawang kutson, unan at kumot."

NATIGIL sa pagpunas ng buhok si Sharina ng maulinigan niya may tumitipa sa gitara. Dahan-dahan siyang lumabas sa pinto. Pakiramdam niya ay huminto ang mundo niya ng mapagsino iyon. Nakasuot lang ito ng jersey short at t-shirt, mediyo basa pa ang buhok nito.

Heto na naman, nag-iisip, minsa'y nagtataka, na sa 'kin na lahat, bakit nangungulila?

Napatulala siya rito. Biglang nag-iba ang pintig ng kaniya puso. Ang lamig pala ng boses nito mga inday!

At nang makita ka ibang sigla aking nadarama. Pag-ibig nga ba ito, ako'y nangangamba.

Pak shet! Bakit pakiramdam niya ay para sa kaniya ang kantang iyon?  Assuming ka dzai?

Nais kong ipagtapat sa'yo sana'y dinggin mo ang lihim ng pusong ito, kahit na tayo'y magkaibang mundo.

Naestatwa siya sa kinatatayuan ng magmulat ito ng mata. Nagtama ang kanilang paningin, mas naging eratiko ang tibok ng puso niya ngayon.

Ikaw nga ang siyang hanap-hanap kay tagal na ako'y nangarap, lumuluhod, nakikiusap ako ay mahalin mo sinta.

Napatitig siya rito, hindi niya maiiwas ang tingin sa titig nito. Para iyong nanunuot sa kaibuturan ng kanyang puso.

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon