KABANATA XXXII

1.6K 52 6
                                        

NAGTATAKA na si Sharina sa mga ikinikilos ni Blue. Alam niya at ramdam niyang may problema ang lalaki. Pero hindi niya maaaring pilitin ito na sabihin kung ano man ang gumugulo sa isipan nito.

Kahit hindi niya tiyak kung paano pagagaanin ang loob ng nobyo, ang kamay na niya ang kusang gumalaw para bigyang lakas ang lalaki.

Hinaplos niya ang pisngi nito upang iparating na kung kailangan nito ng makakausap ay nandito siya, handang makinig, handang samahan siya sa kahit na anong problema.

Nang iangat nito ang paningin sa kaniya ay nakita niya roon pamumula ng mata nito, sanhi ng pagpipigil nito sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.

"Blue..." paanas niyang sabi. Wari'y may bikig sa kaniyang lalamunan ng makita ang expressiong bumalatay sa mukha nito. He looks like a lost child.

Nabigla siya ng tumayo ito at kabigin ang kaniyang batok. Naestatwa siya sa kinauupuan ng lumapat ang labi nito sa kaniyang labi. Mapaghanap ang halik nito at tila ba may gustong iparating. Kakaiba iyon kumpara sa mga halik nito sa kaniya noon. He suck her lips and kissed her deeply. Napakapit siya sa braso nitong nakasuporta sa kaniyang batok sa intensidad ng halik nito.

Para bang sila lang ang taong naroroon habang unti-unti ng bumigat ang talukap ng kaniyang mata hanggang sa tuluyan na siyang tangayin ng sensasyong ipinapadama ni Blue.

"I love you so much," he said huskily. Nangungusap ang mga mata nito. He was looking at her intenly. Namula ang mukha niya sa titig na iginagawad nito. Dagdagan pa ng musikang pumapaibabaw sa paligid.

Bago pa siya makapagsalita ay lumapat muli ang labi nito sa kaniya. His lips moved as he took her mouth in his mouth. Binabagabag siya ng ikinikilos nito. Kahit gustong magtanong ay hindi niya maisatinig iyon bilang respeto sa pananahimik nito.

Ginantihan niya ang halik ng lalaki. Sinasabayan niya ang paggalaw ng labi nito na para bang isang eksperto na sa larangang iyon.

She gasped as he slide his tongue inside her mouth. Mas lalo pang lumalim ang halik nito ng hindi niya mapigilan ang impit na ungol.

Umakyat lahat ng dugo sa kaniyang mukha at nanlaki ang mata sa ginawa niya. Jusko! She moaned! Naitulak niya ito sa pagkabigla. Pigil ang hiningang tinitigan ito.

Mas lalong naghurumentado ang puso niya nang titigan siya nito na para bang wala ng bukas. Nananayo ang mga balahibo niya sa batok dala ng mga hindi maipaliwanag na emosyong lumulukob sa mata nito.

Kumurap ang mata niya nang napangiti ito sa kaniyang naging reaksyon pero hindi iyon umabot sa mata nito.

Dahan-dahang bumaba ang ulo nito kung kaya't parang may mga dagang nagrarambulan sa kaniyang tiyan.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng halikan siya nito sa noo.

"I love you," sabi nito sa mahinang tinig.

"KUNG may gusto kang sabihin, handa akong makinig Blue," sambit niya habang nasa loob ng sasakyan. Mabagal lang ang pagpapatakbo nito sa sasakyan patungo sa bahay niya. Nilingon siya nito. Andito na naman ang kakaibang kabog sa dibdib niya dala ng mga tingin nito sa kaniya. Ipinagilid nito ang sasakyan at inihinto iyon sa isang tabi. Inalis nito ang pagkakasuot ng seatbelt.

Rinig na rinig niya ang malalim nitong paghinga.

"Blue." Hinawakan niya ang braso nito. Tinignan nito iyon. At napapitlag siya ng yakapin siya nito. Pakiramdam niya ay mas lalong sumikip sa loob ng sasakyan dahil sa rumaragasang emosyong bumabalot sa paligid. Naramdaman niya ang init ng hininga nito sa kaniyang leeg. 

Napakagat labi siya ng may lumitaw na kamunduhan sa kaniyang isip. Jusko! Patawarin siya ng mga magulang niya sa pinag-iisip niya! Hindi ito ang tamang oras para magpalukob sa ibang dimesyon ng mundo.

"Can you stay in my place... tonight?" sabi nito sa malagom na tinig. Mas lalong tinambol ang puso niya sa tanong ng nobyo. Nanlaki rin ang mata niya sa samot saring eksenang naisip na puwedeng mangyar

"Ah-uhm, ano-" Hindi niya natapos ang sasabihin ng makiusap ito.

"Please." At mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya na para bang ayaw siyang pakawalan.

Lahat ng pagtutol na natitira pa sakaniyang katinuan ay tuluyan ng tinangay dala ng pakiusap nito. He sounds miserable. Kailangan siya nito.

Bilang pag sang-ayon sa gusto nito ay gumanti siya ng yakap.

"Sige." Naramdaman niyang muli ang paghigpit ng yakap nito.

Nang makapasok na silang dalawa sa kuwarto ng penthouse nito ay mas lalong tumindi ang pagragasa ng mga makamundong isip sa kaniyang utak. Hoy! Sharina maghunus dili ka nga. Awat ng maliit na boses sa kaniyang isip. Agad namang namula ang kaniyang pisngi ng mapagtantong nagiging mahalay at eskandalosa na naman ang kaniyang utak.

"You wanna take a shower?" tanong nito habang unti-unting tinatanggal ang pagkakabutones ng polo nito.

Napalunok siya sa eksenang nasa harapan niya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin ng lingunin siya nito.

"Ha? Oo pero wala akong damit." Hindi makatingin sa lalaki ng diretso. Kinakabahan siyang baka mapansin nito ang pupula ng kaniyang pisngi.

"You can borrow my clothes." Offer nito saka naglakad sa cabinet at naglabas ng isang boxer at kulay pulang t-shirt na sa tantiya niya ay aabot sa kalahati ng kaniyang hita.
Naglakad ito sa kaniya at inabot iyon. Nanginginig naman ang kaniyang kamay nang kunin niya ang mga iyon.

Napansin nito iyon kaya mas lalo itong lumapit.

"Are you okay babe?"

"Ha?! Ah oo!" mabilis niyang sagot pero ang totoo ay distracted siya sa hubad nitong katawan.

"Magsha-shoshower na ako," nauutal niyang sabi at mabilis na naglakad papasok sa banyong nasa gilid.

Nang makapasok siya sa banyo ay agad niyang hinawakan ang dibdib dahil pakiramdam niya ay aatekihin na siya sa puso. Doon niya rin pinakawalan ang mga hiningang pinigil ng lumapit ito sa kaniya.

SINUNDAN ng tingin ni Blue ang pagpasok ni Sharina sa banyo. Kita niya ang kaba sa mukha nito. Alam niya kung anong tumatakbo sa isip nito kaya hindi niya maiwasang mapangiti. Panandaliang nawala ang alalahaning bumabagabang sa likod ng kaniyang isip.

Lumabas siya ng kuwarto at mas piniling maligo na lang sa banyo na nasa sala.Naguiguilty siyang hindi masabi rito ang nalaman pero mahal niya ito, hindi na niya ito kayang makitang nasasaktan, hindi niya kayang layuan siya nito. She is his life.

Inumpisahan niyang hubarin lahat ng suot saka tumapat sa shower. Hindi na siya nag-abala pang painitin ang tubig. Masiyado na siyang nanghihina para gawin pa iyon.

Naipikit niya ang mata dala ng frustration at takot. Naiyukyok niya ang ulo sa pader habang patuloy na nakasahod sa malamig na shower.

"Mrs. Collins, narito ho kami para arestuhin ang asawa niyo. He is under arrest for reckless imprudence resulting to homicide."

Umalingaw ngaw sa isip niya ang huling narinig simula ng mawala ang kaniyang ama. Nagtatagis ang bagang ng maalala niya iyon. Fuck this life! Hindi niya maiwasang magmura. Sinisi niya ito sa paghihirap nila, sinisi niya ito sa paghihirap ng kaniyang ina. Hindi niya ito maintindihan, bakit kinailangan nitong magtago! Bakit kinailangan nitong lumayo?! Naniniwala siyang wala itong kasalanan.

Pero sa ngayon na sa tingin niya ay naiintindihan niya na kung bakit nito iyon ginawa ay mas lalo siyang natatakot. Natatakot na baka masira ang relasyong ayroon sila ni Sharina. Natatakot siya sa puwedeng mangyari dito.

Naihilamos niya ang ang dalawang palad sa mukha. Hindi malayong iwan siya ni Sharina kapag nalaman nito ang totoo. At hindi siya sigurado kung makakaya niya iyon, mababaliw siya kung mawawala ito sa piling niya.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon