KABANATA XIII

2.3K 75 3
                                        

           Nabibingi na si Sharina sa sobrang katahimikan sa paligid. Puputok na ang mata niya kakatitig sa monitor ng computer. Nababagot na rin siya sa kinauupuan.

Nilingon niya ang kaniyang boss na ngayon ang atensyon ay nasa binabasa. Humingi siya ng day-off kahapon kaya marami siyang tatapusin ngayon. Nakapalumbaba siya habang pinagmamasdan ito. Napalunok siya ng dumako na naman ang tingin niya sa labi nito.

Hindi niya alam kung anong mayroon rito ngayon. Kung umakto kasi ito ay tila walang nangyari sa kanila at laging nakakunot pa ang noo. Hindi sa homohopia' siya na baka lumevel up pa. Sadiyang nagtataka lang siya rito kung paano nito nagagawang kumilos na parang hindi apektado? Samantalang siya, ang paghalik na ginawa nito ay hindi niya maiwaglit pa sa isipan niya.

Wala sa sariling hinawakan niya ang kaniyang labi. Fresh na fresh pa sa kaniyang pandama ang lahat.

Napasinghap siya ng umangat ang tingin nito sa kaniya at nagsalubong ang kanilang tingin. His eyes, it pierced through her soul. Naibaba niya ang kamay at nalaglag siya sa kinauupuan ng hindi niya naibalanse ang katawan sa silya.

"Ah!" sigaw niya sa gulat.

Agad itong napatayo at mabilis na naglakad patungo sa kaniya. 

Pakiramdam niya ay kasing pula na siya ng kamatis sanhi nang pagkakita nito sa kaniyang ng ganitong ayos.

"Are you hurt?" nag-aalalang tanong nito habang tinutulungan siyang tumayo. Jusko! Andito na naman ang kakaibang kuryenteng humihimas sa kaniyang kalamnan sa tuwing mamapadikit ang balat nilang dalawa.

"A-ayos lang ako sir." Hindi siya makatingin rito ng diretso. Huling-huli siya nitong pinagmamasdan ito habang dinadama niya ang kaniyang labi.

"Sa susunod kasi mag-ingat ka." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "See? May gasgas ka tuloy sa braso. Dito ka lang, at kukunin ko lang ang medicine kit."

"Pero sir, ayos na-"

"No but's Sharina." Nasa boses nito ang awtoridad. Naitikom niya ang bibig. Umalis na ito upang kumuha ng panglinis sa gasgas.

Katatapos lang nitong lagyan ng band aid ang kaniyang braso ng may tumawag sa intercom. Agad niya iyong sinagot.

"Hello, Sharina Perez of Engineering Firm. What can I do for you?"

"Shari, it's Quinnie. May naghahanap kay sir. Earth Collins daw."

"Ano raw ang kailangan?"

"May importante raw itong dapat sabihin," sagot nito sa kabilang linya.

Lumingon agad siya sa kaniyang boss. Nag-iba ang expression nito sa mukha.

"Sir, may naghahanap po sa inyo. Earth Collins daw." May dumaang hinanakit sa mata nito ng banggitin niya ang pangalang iyon.

"Ano ang kailangan?" siyasat nito.

"May importante raw po siyang sasabihin." Pag-uulit niya lang sa sinabi ni Quinnie.

"Okay, please tell her, she may come in."

"Okay sir." Sinunod niya ang bilin nito at tumayo na ito at bumalik sa upuan.

Ilang minuto lamang ay may kumakatok na sa pinto.

"Come in."

Matapos niyon ay tumambad sa kaniyang mata ang isang napakagandang babae. Hindi niya maiwasang hangaan ang kasexyhan nito. Pero mas nakakahatak sa kaniyang atensyon ay ang pagkakahawig nila sa mata.

"Blue," tawag nito sa lalaki at mukhang hindi siya napansin.

"What do you need Earth?" Kasing lamig ng ice ang boses nito.

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon