"I missed you..." He cries out, betraying his self, his plan.
Lumarawan ang sakit sa mukha nito na mas lalong nagpalala ng kaniyang pag-iyak. Humakbang ito palapit sa kaniya habang nag-uumpisa na ring pumatak ang mga luha sa mata nito.
"Blue," Hindi niya napigilan ang sariling kabigin ito upang yakapin ng nakaluhod. Wala na siyang pake kahit pa nakaharap ang kapatid nitong si Granted. He misses her too much to care about that.
"You promised... you promised that you will never let go of my hand no matter what." Wala siyang balak na manumbat rito pero hindi niya kaya pang itago ang hinanakit na nararamdaman niya.
"I know, I know, I shouldn't blame you for breaking it, and I know I should understand you for it- your decision pero bakit kahit na naiintindihan kita, nasasaktan ako. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. I'm sorry but why do I-" Hindi niya napigilan ang pagbasag ng boses, "need to suffer like this Sharina?"
"I'm, I'm sorry Blue," humihikbi nitong sabi.
"I'll leave you two here." Singit ni Granted. Hindi niya kayang makita ang ate niya na umiiyak ng ganito. Mula ng mamatay ang magulang nila ay hindi na niya ito nakitang ganito. Hindi niya rin kayang marinig ang pighati sa mga sinasabi ng anak ng kriminal na pumatay sa magulang nila. Tatay nito ang rason kung bakit sila naging ulila. Batid niyang hindi dapat siya magalit sa lalaki, pero nangingibabaw pa rin ang galit niya.
Hindi niya na inantay pang sumagot ang dalawa at pumasok na sa loob ng kaniyang silid.
"Please, give me a chance Sharina na patunayan sayong inosente ang ama ko sa ibinibintang niyo. I cannot give you the details yet, dahil ayokong mapahamak ka at ng kapatid mo." Nakikiusap ang mga mata niya habang basang basa na ang mukha niya at damit nito dahil sa kaniyang pag-iyak.
"Nakainom ako pero alam ko ang sinasabi ko." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa babaeng mahal.
"Blue..." Hinawakan siya nito sa balikat at pilit na inilalayo.
"Please let's stay like this." Pakiusap niya.
"Please-please don't leave me." Muling nabasag ang tinig niya dala ng paghahabol ng hininga.
"No, I will not."
"Yes you will." Napahinto ito sa pagpilit na pagpapatayo sa kaniya. Batid niyang gusto lamang siya nitong patayuin para maging komportable pero natatakot siyang kapag binitawan niya ito ngayon ay mawala ito sa paningin niya, sa pagkakayakap niya.
"Please let me go Blue, and we'll talk." Dinig niya niya sa boses nito ang pilit na pagpapakatatag.
"Wait! Please, let's stay like this, just, just for a moment." Ang init ng katawan nito ang nagpapatunay na hindi siya nananaginip lamang.
"I've never been so stubborn in my life. I've never wanted to hurt someone. I've treated everyone right, pero bakit, bakit nangyayari sa akin 'to?" Mas lumakas pa ang paghagulhol nito.
"What did I do? What are my sins that made me deserve this? Gusto ko lang naman maging masaya." Wala siyang balak magdrama sa harap nito. Pero nang makita niya ito at maramdaman ang init nito sa kaniyang katawan ay hindi na niya napigilan ang sariling sumabog. Ah, tama nga sila, a drunk's man's words are a sober man's thoughts.
"I just want to be with you, express my love towards you every day, be your husband and be a good dad to our children. Pero bakit napakahirap? My dreams are simple yet why does it feel so difficult to reach?"
INIHILAMOS ni Blue ang malamig na tubig sa mukha upang matigil na ang pagbabalik tanaw niya ng nangyari kagabi. Sa sobrang bigat na ng kaniyang pakiramdam, dagdagan pa ng hilo dala ng kaniyang pag-inom ay nakatulog siya sa silid ni Sharina. Madaling araw na siyang umalis sa pamamahay nito para hindi na siya maabutan pa.
Hinubad niya ang suot na damit at tinitigan iyon. Langhap na langhap niya roon ang pabangong gamit nito. Sharina...
Itinapat niya ang sarili sa shower at umaasang mababawasan niyon ang bigat na nararamdaman. Matapos maligo at maihanda ang mga gamit ay inantay niya ang pinsang si Sonny na makakasama niya sa pagpunta ng Palawan.
Bumaling ang tingin niya sa bumukas niyang pinto mula sa pagkakatitig niya sa larawan nilang dalawa ng dating nobya."You're an hour late Sonny," walang gana niyang komento.
Nagkibit-balikat lamang ito.
"Uh yeah, may pinuntahan lang ako."
"Who?" Kinuha niya sa sofang kinauupuan ang traveling bag na naglalaman ng mga inahabilin sa kaniya.
"You don't need to know, but it's for your own sake."
Nalunok niya ang sariling laway. May hinala na siya kung sino ang pinuntahan nito. Kilala na niya si Sonny, gagawa at gagawa ito ng paraan para maayos ang anumang gusot na kinasasangkutan ng mga mahal nito sa buhay.
"Thank you," usal niya bago naglakad palapit sa pinto.
"You are welcome, you deserve her."
Please do VOTE, COMMENT, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ D Roman Tica (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...