KABANATA XXX

1.7K 55 10
                                    

MAS lalong naging mukhang panda ang mata ni Sharina dahil sa pag-iyak mula kaninang umaga. Sobrang naappreciate niya ang ginawa ni Blue para sa kaniya. Tanghali na pero hindi pa rin dumarating ang lalaki, hindi niya alam kung anong inaasikaso nito. Naiyukyok na lang niya ang ulo sa kaniyang lamesa habang inaantay ito.

Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya makita ang anino nito. Siguro nga, hindi na darating si Blue… Nanlumo siya sa naisip at para maiwaksi ang pagkamiss niya sa lalaki ay nilibang niya ang sarili sa pag-aasikaso ng mga paper works. Hindi niya namalayang ala-singko na pala kung hindi pa siya nakatanggap ng text mula sa lalaki.

Blue: Love, after your work. Can you please go to this place? Ezperanzee Restaurant…

Ako: Sige love.

Blue: Take care, I love you.

Ako: I love you too.

Napatili siya ng walang boses dala ng kilig. Blue is her first boyfriend, kaya hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa kasweetan ng lalaki. Mabasa pa lang niya ang I love you nito ay lumulundag na ang kaniyang puso sa tuwa.

Agad niyang tinignan ang sarili sa salamin ng kaniyang cellphone upang sipatin ang kaniyang ayos. Simula ng maging nobyo niya ito ay naging conscious na siya sa sarili. Inaral niya ang pagmemake-up para mas maging maganda sa paningin ni Blue.

Tinignan niya ang suot na relo. 5:10 na pala.

Mabilis niyang inilabas ang pouch na naglalaman ng kaniyang make-up. Namili siya roon ng lipstick na babagay sa kaniyang black pencil cut skirt at long sleeve na kulay teal na pinaresan naman ng black pointed heels na may tass na apat na pulgada.

Napili niyang itali ng buo at pataas ang buhok matapos i-apply ang kulay mocha niyang lipstick. Nilagyan niya rin ng concealer ang ibabang bahagi ng mata upang takpan ang nanlalalim niyang eyebags.

Ng makuntento ay huminga siya ng malalim. Ayaw man niyang mag-expect ay umaasa pa rin siyang isa ito sa mga sorpresa ni Blue. Nakagat naman niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling mag-assume.

Paglabas niya sa opisina ay nagsipag-uwian na rin ang mga emplayadong katulad niya. Kaya nagmamadali na rin siyang lumabas upang puntahan ang lalaki. Nagpara agad siya ng taxi.

Hindi niya alam kung nagkamali ba siya ng basa sa text dahil nang makababa sa sasakyan ay wala siyang makitang ilaw sa restaurant na binangit nito kaya't muli niyang inilabas ang cellphone at binasang muli ang text ng may natanggap siyang text mula sa lalaki,

Blue: Come inside Love,

Agad na lumipad ang tingin niya sa pinto niyon. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng mas lalong tumaas ang kaniyang hinala na isa na naman itong sorpresa para sa kaniya.

Nanginig ang kaniyang tuhod ng mapagtantong pinapanuod nito ang bawat kilos niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pinto at bago pa niya iyon maitulak ay sumalubong na sa kaniya ang maliwanag na paligid ng buksan iyong ng malawak ng dalawang waitress.

Tanaw na tanaw niya ang nobyo habang nakatayo ito sa gitna ng daan habang nakasukbit sa balikat nito ang strap ng gitarang yakap nito na sinamahan naman ng mikropono. Nasa gilid naman nito ang lamesang may nakahandang pagkain at pulang bote ng alak.

Nakatuck-in ang suot nitong indigo na polo sa gray slacks na ipinares doon. Ngunit inalis nito ang necktie na suot upang hindi masiyadong pormal tignan.

Naitakip niya ang palad sa bibig. Nanginginig ang labi niya dala ng pagpigil niyang mapaluha dahil sa saya. Mas lalong nahurumentado ang puso niya nang mag-umpisa na itong maggitara at pumailanlang sa paligid ang malamyos nitong tinig.

Nangungusap ang mata ni Blue habang kinakanta nito ang isa sa mga paborito niyang kanta ni Jesse McCartney na Just so you know.

I shouldn't love  you but I want to, I just can't turn away.

I shouldn't see you but I can't move. I can't look away.

Hindi niya napigilang sabayan ang pagkanta nito sa kaniyang isip.

And I don't know how to be fine when I'm not.

Cause I don't know how to make this feelings stop.

Pakiramdam niya ay malulunod ang puso niya ng sumilay ang ngiti sa labi nito.

Just so you know, this feelings taking control of me and I can't help it.

I wont sit around, I can't let him win now.

Hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang naglakad sa red carpet na inilatag nito na may samot-saring tulutot ng rosas.

Though you should know I've tried my best to let go of you but I don't want to.

I just gotta say it all before I go, just so you know.

Kahit nanginginig ay humakbang ang kaniyang paa palapit rito.

It's getting hard to be around you, there's so much I cant say.

Do you want me to hide the feelings and look the other way…

Nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan ng pigilin niya ang sariling maiyak. Pero gayunpaman ay hindi na niya kaya pang pigilan ang pagbalong ng luha sa kaniyang mata. Ipinikit nito ang mata at dinama ang kanta.

Just so you know, this feelings taking control of me and I can't help it.

I wont sit around, I can't let him win now.

Though you should know I've tried my best to let go of you but I don't want to.

I just gotta say it all before I go, just so you know.

Hindi niya sigurado pero tagos na tagos sa puso niya ang bawat salitang kinakanta nito. Pakiramdam niya ay may gusto itong ipahiwatig sa kaniya lalo na ng magsalubong ang mata nila ng nobyo. May takot siyang nahagip sa mata ni Blue.

Hindi niya maiwasang mapahikbi ng matapos ito. Hinubad nito ang suot na gitara at ibinigay iyon sa lumapit na waiter. Naglakad ito palapit sa kaniya at mabilis siyang kinabig para yakapin ng mahigpit.

Naramdaman niya ang takot nito dala ng kakaibang yakap na iginawad sa kaniya. Inangat niya ang ulo at nagtatanong ang mga mata sa ikinilos nito, pero imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at iwinaksi ang takot na nabasa niya sa mata nito.

Umangat ang kamay nito sa kaniyang mukha at hinaplos iyon. Pinunasan rin nito ang luha sa kaniyang pisngi gamit ang hinlalaki nito.

"I love you Sharina… Mahal na mahal na mahal kita.”

Bagay na bagay sa kaniya ang kantang kinanta nito. Kahit na boss niya ito at hindi niya gustong magkaroon ng ugnayan sa mga De Luna ay hindi niyon napigilan ang puso niya, na ang laging isinisigaw lamang ay ang pangalan ng lalaki.

"Happy Birthday Love."

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon