Rinig na rinig ni Sharina ang iyakan. Mga hikbing hindi mapigilan. Hindi niya mapahito ang mata sa pagluha dahil sa nakikitang eksena. Bumabalik ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan. She misses them already.
Habang pababa ng pababa ang kabaong na kinalalagyan ng kuya ni Blue ay mas lalong lumakas ang pagpalahaw na kaniyang naririnig."No! Red! Please don't leave us," tumatangis na sigaw ni Earth. Nakasuot ito ng puting bestida.
"Papa!" Palahaw ni Ross, pamangkin ng kaniyang boss. Nakahawak ito sa damit ng ina.
Nilingon niya ang lalaki. Tumutulo ang luha nito sa mata. Hindi ito kumikibo habang nakatiim bagang at nakakuyom ang kamao.
Gusto niya itong hawakan pero natatakot siya. Natatakot siyang baka layuan nito.
"Red! Huwag mo kong iwan! Kami ng anak mo," naghehestiryang wika ni Earth, hindi pa rin nito matanggap ang nangyari sa asawa.
"Anak!" humahagulgol nitong sabi. Nilapitan ni Blue ang ina at niyakap.
Ayaw tumigil ng kaniyang luha sa pagdaloy. Ganitong ganito rin ang sakit na kanilang naramdaman ng ihatid na nila ng kaniyang kapatid sa huling hantungan ang kanilang magulang.
Ng matapos ang seremonya ay unti-unti nang nag-aalisan ang mga tao. Iilan na lang silang natitira. Pinunasan niya ang luha at lumayo nang bahagya sa magpamilya at magkabarkada. Binigyan niya ang mga ito ng space at private moment.
Napatingin siya kay Blue nang yakapin ito ni Earth. Alam niyang hindi dapat siya magselos sa nakikita pero hindi niya kayang hindi panikipan ng dibdib.
Hawak-hawak nito ang kamay ng pamangkin at yakap nang mahigpit ang babae.
"Hush." Pinapakalma nito ang babae.
Iniiwas niya ang tingin sa dalawa. Hindi niya kayang makita ang ganoong eksena. Dahan-dahan na siyang naglakad palayo nang may mabangga siyang dibdib.
Iniangat niya ang tingin. Bumungad sa kaniya ang malamlam na mata ni Sonnie.
"Sonnie."
Niyakap siya nito upang sa dibdib nito umiyak.
"Cry all you want." Hindi niya mapigilang mapahikbi sa yakag ng binata. Tila batid nito ang kaniyang nararamdaman.
Dito niya nalaman kung anong tunay na nangyari. Ilang araw matapos siyang magfile ng sick leave ay nagseizure ulit ang pinsan nito bago pa man umabot sa araw ng operasyon. Huli na para mailigtas ito ng doktor. Umabot ng limang oras ang operasyon pero hindi pa rin ito nakaligtas.
Nanghihina ang kaniyang tuhod. Alam niyang hindi niya dapat panghinalaan ng masama si Earth, masiyado nitong mahal ang kuya ni Blue para mahaling muli ang lalaki. Pero natatakot pa rin siya. Paano kung nakakulong pa rin ang kaniyang boss sa nakaraan? Paano kung hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang babae.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Sonnie.
Gusto na niyang umuwi at magpahinga. Kung may kailangan sa kaniya si Blue ay puwede siya nitong tawagan. Sa utos nito at barkada nito ay pinakansela ang meeting ngayong araw.
"You wanna go home?" tanong sa kaniya ni Sonnie. Tumango siya habang nakasandig sa dibdib nito.
"Alright. Ihahatid na kita sa bahay niyo."
"Pero kailangan ko munang magpaalam." Sabay silang naglakad ni Sonnie pabalik sa magpamilya.
Blanko ang mukha na nakatingin si Blue sa kanilang dalawa ng pinsan nito.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomansThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...