Nakasuot si Sharina ng navy blue at simpleng bestida na bumabagay sa freshly look make up niya. Inilugay niya rin ang mahabang buhok dahil gustong-gusto ni Blue ang ganito niyang ayos.
Dumadagundong rin ang dibdib niya sa kaba ng nasa tapat na sila ng bahay nito. Pumayag siyang ipakilala nito siya sa pamilya nito at kahit pa nakita na siya at nakilala na ng ina ni Blue. Kabado pa rin siya dahil sekretarya siya noon ng lalaki. Walang pagsidlan ang kaba niya lalo pa't ilang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang ilibing ang kuya nito.
Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng kasintahan nang makapasok na sila sa bahay nito. Napatingin siya sa lalaki, ngumiti ito sa kaniya na tila ba naiisip nito ang kaniyang isipan. Pero kahit ito ay mukhang kabado rin.
"Ma!" tawag nito sa ina nito nang makarating na sila sa sala.
Mas lalo siyang kinabahan nang mapako na sa kanila ang tingin ng lahat. Lumarawan ang sorpresa sa mata ng ina at ng sister-in-law nito. Bumaba ang tingin nito sa magkahugpong na kamay nila ng lalaki.
"Ma, Earth, si Shari, girlfriend ko," si Blue ang unang bumasag ng katahimikan.
Kita niya ang pagkabigla sa mukha ng dalawang babae.
"Ah, Hello! iha," nakangiting bati ng ginang ng makabawi na sa pagkagulat.
"Hello po ma'am." Naglakad siya palapit rito at nagmano.
"Ah, just call me tita Lorraine na lang," nakangiting sabi nito.
"Ah sige po, tita." Lumingon siya kay Earth, mukhang nahimasmasan na rin ito.
"Ikaw iyong sekretarya ni Blue, right?" tanong nito.
"Ah, yes," turan niya habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi.
"Ah I see," wika nito at ngumiti. "Well, you heard my name na kanina pero uulitin ko pa rin, I'm Earth, it's nice to know na kayo ang nagkatuluyan," kita niya roon ang senseridad, kahit na may lambong ng lungkot ang mata nito dala ng pagkawala ng asawa.
Iniumang nito ang kamay upang makipagkamay. "Me too." At tinanggap ang pakikipagkamay nito.
Matapos ang pagpapakilala ay dumulog na sila sa hapag kainan upang magtanghalian.
"Iha, kumain ka lang ng kumain," magaang ngiti ang ibinigay sa kaniya ng ginang. Hindi niya maiwasang mangilid ang luha.
"Ah opo," magiliw niyang sagot at ikinurap ang mga mata ng ilang beses para alisin ang namumuong luha. Pero mukhang napansin ni Blue ang kaniyang ginawa.
"Are you okay?" Rinig niya ang pag-aalala sa boses nito. Nilingon niya ang nobyo.
"Huh? Ah, oo, may naalala lang ako." Saka ngumiti at itinago ang lungkot na bumabakas sa kaniyang mukha. Namimiss na niya ang magulang niya. Ang init ng pagmamahal ng papa at mama niya but she can't voice it loudly.
Pero mukhang hindi ito kumbinsido sa sagot niya. Hindi niya rin tiyak kung ano ang nabasa niya sa mata nito.
"Ah, how's your parents Shari?" Pag-iiba agad ng usapan ni Earth. Lingid sa kaalaman ng mga ito ang pagiging ulila niya kaya hindi niya ito masisi kung ito ang itinanong. Bumalik muli ang sakit na nadarama niya kanina.
Naramdaman ni Blue ang tension at hinawakan nito ng mahigpit ang kaniyang kamay.
"Wala na..." Huminga siya ng malalim, "sila..." hindi na niya napigilan ang pag kabasag ng boses niya. Naramdaman niya ang panandaliang bigat ng paligid.
"Oh god! I'm so sorry Shari." Agad na hinging pumanhin ni Earth. Naitakip nito ang dalawang kamay sa bibig. Her eyes become teary. Kita niya roon ang senseridad at sakit. Batid niyang, alam nito kung gaano kasakit ang mawalan lalo pa't ilang linggo pa lang ang nakakalipas simula ng pumanaw ang asawa nito.
"We're sorry to hear that dear," wika naman ng ina ni Blue. Kita niya roon ang lungkot.
"It's okay tita." At ngumiti sa ina ni Blue. "Naalala ko lang ho talaga 'yong panahon pa na kasama namin sila ng kapatid ko."
"You're so strong," sabi nito sa sinserong ngiti.
"Hayaan mo, we are your new family na," sabat naman ni Earth.
"New family?" curious na tanong ni Ross.
"Yes baby, she will be your tita Sharina," nakangiting sagot naman ni Earth sa anak. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi na niya naitago ang lungkot at tuwa sa naramdaman dahil sa init ng pagtanggap ng pamilya ng katabi.
Hindi na niya napigilan ang pagbalong ng luha at paghikbi.
Naramdaman niya ang pagkabig sa kaniya ng lalaki. Hinaplos nito ang kaniyang likod at buhok.
"Hush." Pag-alo nito sa kaniya.
"MA, Pa. Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo." Hinahaplos ang lapida ng puntod mga magulang. Dinaanan niya muna ang libingan ng ama at ina bago siya ihatid pauwi ni Blue.
"Ma, Pa. Masaya ho akong nakilala ang magulang ng nobyo ko." At tumulo ang kanina pang namumuong luha saka ngumiti.
"Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong pagmamahal ng magulang. Miss na miss ko na ho kayo." Humihikbi pa rin niyang litanya. Naramdaman niya ang pag-upo ni Blue sa kaniyang tabi. Hinaplos nito ang kaniyang likod kaya mas lalo siyang napaiyak. Nilingon niya ito. Napakalalim na ekspresyon ang napuna niya sa mukha nito, hindi niya rin kayang basahin ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.
"Good afternoon ho..." Lumunok ito ng bahagya at ibinuga nag iniipong hangin sa baga. "Mr. And Mrs. Perez." Ito ang unang pagkakataon na pumunta ang lalaki sa puntod ng kaniyang ama at ina.
"Ako nga po pala si Blue, kasintahan po ng inyong anak." At pinaghugpong nito ang dalawa nilang kamay.
"Makakaasa po kayong iingatan ko ang anak niyo at pasasayahin. Pero hindi ko ho maipapangakong hindi ko ho siya masasaktan at mapapaiyak, pero isa lang po ang sigurado ako. I will do everything for the sake of her and your son."
Tinignan siya ng lalaki at sinalubong niya ang tingin niyon. Kumabog and dibdib niya sa determinasyong nakikita niya sa mata nito. He cupped her cheeks and wiped her tears with his thumb.
"I love you Sharina, at nangangako ako sa harap ng magulang mo na hindi kita iiwan."
______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD to support me and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) for some announcements and message of appreciation. . . THANK YOU SO MUCH!
A/N: Sana po kung nagustuhan niyo ang kuwento at mga chapters ay mag VOTE kayo, para nakakaganang mag-update at magsulat.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...