Tinignan ni Blue ang suot na relo, alas dos na pala. Kailangan na niyang magready dahil may appointment pa siya kay Mr. Tadina. Ang private investigator na inirecommend sa kaniya ng kaniyang pinsan na si Sonny na isa na ngayong detective sa gobyerno.
Sinulyapan niya si Sharina. Tutok na tutok ang paningin nito sa trabahong ginagawa. Inaayos nito ang kaniyang mga schedule. Isinara niya ang feasibility report na ipinasa ni Marco. Bukas na lang siguro niya ipagpapatuloy ang pag-usisa roon.
Hindi niya maiwasang pagmasadan ang babae. Maganda ito, tila may kahawig ito sa mga kakilala niya.
Hindi niya lang mawari sa isip kung sino iyon. Dumako ang pansin niya sa labi nito na paminsanang ngumunguso kapag may hindi maintindihan.
Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang nasa isip. Hindi iyon ang dapat niyang pinagtutuunan ng pansin. Kundi ang background ng magulang nito at kung sino ang mga iyon. Buti na lang ay nakalagay sa kontratang pinirmahan nito na binibigyan sila ng karapatang ipabackground check ito alang-alang sa kompanya.
Tumayo na siya sa kaniyang swivel chair at lumapit sa kaniyang sekretarya.
"Miss Perez." Hindi niya mapigilang mag-igtingan ang panga ng romulyo ang apelyido nito sa kaniyang dila.
Mabilis itong tumayo, "Yes sir?"
"If I heard you right, I have a meeting with Mr. Tadina am I correct?"
Lumunok ito. "Certainly sir." Muli na namang dumako ang tingin niya sa labi nito.
"Alright, you can continue working kung may naiwan ka pang trabaho para hindi ka matambakan. Baka hindi na rin ako available mamaya," bilin niya. Sinalubong niya ang tingin nit.
"Definitely sir."
"Good, thank you.." Iniiwas niya agad ang tingin rito upang alisin ang kamunduhan sa utak.
"GOOD afternoon sir!" bati sa kaniya ng sekretarya ni Mr. Tadina. Maaliwalas na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya.
"Good afternoon." Ngumiti naman siya bilang ganti.
"How can I help you sir?"
"I'm Blue De Luna. I have a meeting with Mr. Tadina." Inilabas nito ang schedule book at hinanap ang kaniyang pangalan.
"Alright sir, pasok na lang po kayo."
"Thank you." Tatlong mabilis na katok ang kaniyang ginawa bago niya binuksan ang napakalaking sliding door at sumalubong sa kaniya ang nakaupong lalaki na may katandaan na. Na nasa tantiya niya ay magsisingkwenta na. Nakaupo ito sa swivel chair na iniikot ikot nito.
"Oh! Mr. De Luna." Tumayo ito at inilahad ang kamay. "Maupo ka." Itinuro nito ang sofa na nasa harap ng table nito.
"Salamat Sir."
"My pleasure. So how may I help you?"
Ibinaba ni Blue sa kaniyang tabi ang suitcase na dala. Napabuga siya ng hangin bago nagsimula.
"Actually, Mr. Tadina, I want you to help me to look for my father and investigate the family background of my new secretary." Binuksan nito ang isang drawer at inilabas ang isang kahon ng mamahaling tobacco saka iyon tinabasan sa dulo saka sinindihan gamit ng isang antigong lighter na may nakaukit na dragon. Inilabas rin nito ang isang cantina na may lamang 1954 Chateau la Bleu, saka iyon isinalin sa dalawang kopita.
"Masarap na inumin para sa seryosong usapan." Kinuha niya iyon at nilagok. Naglandas sa kaniyang lalamunan ang init. Sa tingin niya ay kasing bangis ng alak na iyon ang private imbestigator na kaharap.
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomansaThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...