KABANATA IV

3.2K 91 1
                                    

Dedicated to Rongel46

Pagtapak na pagtapak pa lang ni Blue sa harap ng bahay ng kaniyang ina ay rinig na rinig na niya ang mga tawanan ng mga bagong dating. Agad na bumigat ang kaniyang pakiramdam.

Nang pumasok siya ay tumahimik ang lahat at nakatingin lang sa kaniya. Nakita niya roon ang kaniyang kuya at nagkasalubong ang paningin nila. Kasama nito ang fiancée at ang anak nito. Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit siya nagpakita sa mga ito.

"Oh Blue! Andito ka na pala anak!" tawag sa kaniya ng kaniyang ina at lumapit sa kaniya.

"Ma." Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Halika, samahan mo kami sa hapag." Aya nito.

"Sige lang Ma. Akyat lang ako saglit para magpalit ng damit."

"O siya sige, pero bilisan mo ha?"

"Sige Ma." Umalis na siya ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang nakakatandang kapatid. Dirediretso siyang pumanhik at pumasok sa kuwarto niya.

Nagtagis ang bagang niya nang makapasok sa silid. Bakit hanggang ngayon? Andito pa rin ang sakit? He did everything just to forget pero hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang makalimot? He should be happy right? Masaya na ang kuya niya, masaya na rin ang dating babaeng minahal niya ng higit pa sa sarili niya. They even have a cute son.

"Ano 'to?!" sigaw niya nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ng kuya niya. Kagagaling niya lang sa site para tignan ang blue print. Pinuntahan niya agad ito ng maulinigan niyang boses ng nobya sa loob.

"Blue!" gulat na gulat nitong wika.

"Anong ibig sabihin nito kuya?!" hiyaw niya habang nag-iigtingin ang kaniyang panga. Para siyang mababaliw sa nadatnan. Pagkabigla, galit ang mababakas sa kaniyang mukha. Binalingan niya ang kasintahan na ngayon ay hubo't hubad na katabi ng kaniyang kuya.

"Earth?" hindi niya kayang sukatin ang galit niya ngayon. Hindi niya matantiya ang sarili kong dapat ba siyang magwala o maglumahod at umiyak.

Tumayo ito at ibinalot ang kumot sa katawan. Naglakad ito palapit sa kaniya.

"Babe, magpapaliwanag ako." Kitang kita niya sa mukha nito ang pagkagulat at pagsisisi.

"Bakit mo nagawa sa'kin 'to?" puno ng hinanakit ang kaniyang boses habang nagtatanong.

"Babe, hindi namin to sinasadya." Tumutulo na ang luha nito sa mata. Gusto niya itong hawakan pero pakiramdam niya ay mapapaso siya kapag hinawakan niya ito.

"Damn it Earth! Saan banda rito ang hindi niyo sinadya?! Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko alam ang anong ginagawa niyo. Huwag mo akong gawing... tanga," kuyom ang kamay at nagtatagis na bagang na tanong niya.

Naglakad ito palapit sa kaniya pero umatras siya at nilapitan ang kuya niya. Sinugod niya ito at pinagsusuntok.

"Pambihira naman kuya, bakit mo nagawa sa'kin to?!" at sinuntok ulit ito sa mukha. Hindi ito nanlaban at hinayaan lang siyang bugbugin ito. Agad naman silang nilapitan ni Earth at pinigilan siya.

"Tama na Blue!" awat nito at hinawakan siya sa kamay. Agad niyang iwinaksi iyon dahil pakiramdam niya bibigay siya sa oras na mahawakan niya ito. Hindi siya nagpaawat at ipinagpatuloy pa rin ang pambubugbog sa kuya niya.

"Tama na! Mapapatay mo ang kuya mo!" hiyaw nito na nagpatigil sa kaniya. Tinignan niya ang kapatid na nagdudugo na ang mukha. Napaatras siya sa nakita. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya. Nilingon niya ang babae dahil pakiramdam niya ay sasabog siya kapag hindi niya iyon nailabas.

Secretary of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon