Dedicated to Miss @ShelzkieTelin
"Mag-asawa patay! Kinilala ang biktima na sina Shaina Perez at Hector Perez. Matapos mabangga ng isang humaharurot na truck. Ang lalaking nagmamaneho ay lumipad na naging dahilan ng pagkabagok ng ulo nito at bawian ng buhay, ang asawa naman nito ay namatay mula sa pagkakaipit sa loob nang sinasakyang tricycle. Maagang dumating ang pulisya sa pinangyarihan ngunit bigo silang maabutan ang driver ng truck na mabilis namang tumakas. Ayon sa awtoridad, William De Luna ang pangalan nang nasabing suspek sa krimen na isang driver ng isang sikat na trucking company," pagbibigay balita ni Rocky Pablo na isang radio news anchor.
Mabilis na inisang lagok ni Sharina ang malamig na tubig sa baso matapos niyang mapaginipan ang insidenteng nangyari sa magulang niya. Hanggang ngayon ay hindi pa sila matahimik sapagkat hindi pa nahuhuli ang may sala.
Binigyan sila ng paunang danyos ng nasa kompanya upang mabigyan ng maayos na libing ang kaniyang magulang. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang masisimulan na ang pending na kaso na inihain nila sa lalaking nakadisgrasya sa kaniyang mga magulang.
Hinawakan niya ang kaniyang dibdib para habulin ang kaniyang hininga. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa kaniyang mukha dala ng pangyayaring iyon na itinuring nilang bangungot ng buhay nila ng kaniyang kapatid na si Granted.
Matapos ang nangyari ay sinummon sila ng awtoridad upang ipaalam ang buong detalye ng nangyari at hingiin ang kaniyang opinion. Inihayag ri sa kaniya kung sino ang maaring saralin bukod roon ay ipinakita rin sa kanila ang larawan nito.
Walong taon na rin ang nakakalipas ngunit hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang walang buhay na katawan ng kaniyang magulang. Bumaling ang tingin niya sa orasan na nakasabit sa kaliwang dingding ng kanilang kusina.
Alas dos na pala ng umaga, kailangan na niyang maagang matulog dahil maghahanap pa siya ng trabaho para may maipantustos sa kapatid niyang malapit ng magtapos sa kolehiyo.
______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...