NAPAKAPIT sa dibdib si Sharina sa sobrang lakas ng tibok ng kaniyang puso. Tinignan niya ang sarili sa salaming nakadikit sa pader ng banyo. Namumula ang mukha niya sa mga kahalayang naiisip. Jusko! Tinignan niya ang hawak na damit kaya mas lalong naging eratiko ang tibok ng kaniyang dibdib. Inilapag niya ang damit sa lababong naroroon. Hinawakan ng dalawang kamay niya ang kaniyang pisngi at pinaalalahan ang sariling maging kalmado.
Inilibot niya ang tingin sa banyo, hindi ito ang unang pagkakataong nagamit niya iyon. Napalunok siya ng maalala kung anong milagro ang nangyari sa loob niyon.
Sabay silang naligo ni Blue matapos niyang maibigay ang sarili rito sa ikalawang pagkakataon. Pareho silang hubad sa ilalim ng shower. Tumatama sa balat nila ang katamtamang init ng tubig niyon.
Dama niya ito sa kaniyang likod. Ang kaliwang kamay nito na nakakapit sa kaniyang balakang ang nagbibigay suporta sa kaniya while the other hand was stimulating her coveted nether, while slowly but surely rivulets of sweet nectar escapes her flower parallel to the muffled sounds of pleasure. Her thighs tremble and her knees display her tender surrender from the peerless maneuvers her man gives as she reciprocates with her own sensual warm movements as if to coax him further.
"Blue," paanas niyang sabi ng lumapat ang labi nito sa kaniyang balikat.She struggles to suppress her moans as she gasps for air as her man samples the burlesque gourmet abound on her skin. Even closing her eyes can't help her from hiding the plastered wave of sensations she is feeling right now, she knows she can't establish good eye contact with him as she tries to hold on her last vestiges of conscious sanity because she can't help but yield to the intense pleasure she felt in that memory.
Napakapit siya ng mahigpit sa braso nito para kumuha ng lakas.
Nang marealize kung saan patungo ang iniisip ay sinampal ng mahina ni Sharina ang pisngi at ipinilig ang ulo upang kalimutan ang nangyari noon. Jusko!!! Fresh na fresh pa sa utak niya at pandama ang lahat. Hindi niya maiwasang mapakagat labi dahil roon.
Maligo ka na! Kaloka! Nag iinit ka na naman teh! Bulong ng maliit na boses sa kaniyang utak. Namula naman siya sa huling banat nito.
Huminga siya ng malalim bago kinumbinsi ang sarili. "Tama! Ligo lang ang kailangan ko!"
Matapos ang ilang minutong pagbabad sa tubig ay isinuot na niya ang damit na ibinigay sa kaniya ni Blue. Maluwang sa kaniya ang boxer na ibinigay sa kaniya ng lalaki kaya tinalian niya iyon gamit ang kaniyang panali sa buhok samantalang ang tshirt na ibinigay nito ay umabot hanggang sa kalahati ng kaniyang hita.
Bago lumabas ay sinipat niya ang sarili sa salamin. Kalma ka lang! Okay?
Paglabas niya ng banyo ay wala pa ito kaya nakahinga siya ng maayos kahit papaano. Naglakad siya palapit sa kama ng maalala ang kapatid. Tetextan niya na lang ito para ipaalam na hindi siya makakauwi.
Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag na nakapatong sa bedside table. Umupo siya sa higaan at nagsimula ng tumipa ng sasabihin.
Ako: Grant, hindi muna ako makakauwi ngayon. Mag iingat ka diyan ha?
Matapos ang ilang minuto ay nakatanggap siya ng reply mula rito.
Granted: Sige ate, saan ka pala matutulog?
Ako: Sa penthouse ni Blue.
Sa isinagot ay mabilis siyang nakatanggap ng reply sa kapatid.
Granted: Sige ate, pero mag -ingat ka diyan.
Ako: Oo naman, basta ikaw mag iingat ka diyan ha?
Granted: Opo.
Napanatag naman ang kaniyang loob sa inireply ng kapatid. Matapos niyon ay itinago niyang muli ang cellphone sa bag bago humiga sa pinakagilid ng kama. Binalot niya ng kumot ang katawan sapagkat pakiramdam niya'y kakabagin siya lalo na't wala siyang suot na panloob.
Mabilis namang nag-init ang kaniyang mukha ng maalalang magtatabi sila ng lalaki. Naipikit niya ang mata sa kilig.
Nanlaki ang kaniyang mata ng patayinnito ang ilaw.
Napigil niya ang hininga ng lumundo ang kama. Mas lalong naturete ang isip niya ng maamoy ang bagong ligong amoy nito. Blue! Tila na estatwa siya sa pagkakatigilid ng gamitin rin nito ang kumot na ipinamblot niya sa kaniyang katawan. Lumapit ito sa kaniya at pumulupot ang isang kamay nito sa kaniyang baywang. Ramdam na ramdam niya ang init nito sa loob ng kumot. Oh Jusko! Ano ba naman ito?
At mas lalong tinambol ang kaniyang dibdib ng maramdaman niya ang init ng hininga nito sa kaniyang batok. Nagsitayuan lahat ng balahibo niya sa katawan dahil roon.
Para siyang kakapusan ng hininga ng inamoy nito ang kaniyang buhok.
"Love?" Hindi niya nagawang sagutin ito dahil sa niyerbyos.
"Sharina?" ulit na tawag nito.
Kahit nanginginig ang kamay ay umikot siya para maging kaharap ito. Nagsalubong ang kanilang mata. Nawala ang kahalayang gumugulo sa kaniyang isipan ng mabasa niya ang pinaghalong takot at guilt sa mata nito. Bigla siyang nahiya sa sarili.
Binasa niya ang nanunuyong labi. Indinampi niya rin ang palad sa pisngi nito.
"Bakit?" usal niya.
Mas lalong lumamlam ang mata nito ng matamaan iyong ilaw ng lampshade na nagsisilbing liwanang sa buong kwarto.
Naglumikot ang mata nito at imbes na sagutin ay niyakap siya nito at itinago ang kaniyang mukha sa dibdib nito. Nabigla siya sa ginawa nito ngunit hindi na siya nagpumiglas.
"I'm so sorry..." hirap na hirap nitong sabi. Rinig niya sa boses nito ang takot. Lumarawan ang pagkalito sa kaniyang mukha. Para saan Blue? Hindi niya ito maintindihan, nagtataka na rin siya sa ikinikilos nito.
Sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap nito ngunit mas lalo lang iyong humigpit ng maramdaman nito ang kaniyang kilos.
"Blue," nag aalala niyang tawag sa pangalan nito.
"May problema ka ba? May gusto ka bang sabihin sa 'kin?"
Naramdaman niya ang pag-iling nito bilang sagot.
"Please don't give up on me," dugtong nito kaya mas lalong hindi siya naging kumbinsido sa sagot nitong wala.
"Blue..."Natigilan siya sa pakiusap nito. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung anong tamang isagot. Walang salita ang gustong mamutawi sa kaniyang bibig.
"Ple-please." Umawang ang ang kaniyang labi ng marinig niya ang pagkabasag ng boses nito.
Kahit na mahigpit na ang pagkakahawak nito sa kaniya ay pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap nito. At nang magtagumpay ay ipinantay niya ang mukha sa mukha nito.
Hinawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi nito upang hindi ito umiwas sa kaniyang tingin.
"Blue, look at me please." Parang nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan dahil sa nakikitang sitwasyon ng nobyo.
"Ano bang problema huh? May gusto ka bang sabihin sa 'kin?"
Sinalubong nito ang kaniyang tingin, nakita niya ang luhang tumulo sa mata nito. Parang sinaksak ang puso niya sa nakita. Nasasaktan siyang makita itong ganito.
Hindi na niya ito nagawa pang piliting sabihin ang kung ano mang gumugulo sa isip nito ngayon. Nirerespeto niya ang pananahimik nito. Mayroon siguro itong malalim na dahilan kung bakit hindi pa nito kayang sabihin ang problema sa kaniya.
Niyakap niya ito para kahit papaano ay gumaan ang dalahin nito. Itnapat niya ang ulo nito sa kaniyang dibdib saka isinuklay ang kamay sa buhok nito.
"You can cry all you want Blue. I promise, I will not give up on you."
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniya.
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ D Roman Tica (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
Secretary of Mine
RomanceThe engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA) Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...