The engineersSeries 3: Secretary of Mine (BLUE DE LUNA)
Blue De Luna- Isang professional na engineer sa Five Engeering Firm na pinatayo nilang magbabarkada. Kilala rin siya bilang isang pilyo sa grupo at binansagang "Early Bird" dahil pagdating sa t...
Ala siyete na ng umaga nang magising si Sharina. Tumatama na sa kaniyang mukha ang sinag ng araw mula sa kanyang bintanang nakalimutan na niyang isara dahil sa pagod. Dinampot niya ang kaniyang orasan na nasa tabi lang ng kanyang kama upang tignan kung anong oras na. Nawala ang lahat ng antok na kanyang naramdaman at napabalikwas siya nang bangon nang makitang malelate na siya.
"Oh my goodness! Malelate na ako nito."
Agara siyang tumakbo papuntang banyo. Hinubad niya ang lahat ng damit at nagmamadaling nagbuhos ng tubig. Buti na lang at nag igib siya ng tubig bago matulog, kung hindi, Naku! Patay siyang bata! Malamang sa kangkongan siya pupulutin. Ngayon pa naman ang interview niya sa papasuking trabaho. Ang balita niya ay istrikto pagdating sa oras nang pagpasok ang mag iinterview sa kaniya kaya mas lalong kailangan niyang magmadli.
Sa tantiya niya ay wala pa sigurong tatlong minuto ay tapos na siya. Kudkod doon, kudkod dito ang peg niya. Matapos maligo ay nagbihis na siya ng damit na nadampot niya lang sa kaniyang kaawa-awang kabinet na anumang oras ay mukhang magigiba na.
Nang sulyapan niyang muli ang kaniyang orasan ay halos mag-ala-darna na siya sa bilis ng kaniyang takbo papunta sa sakayan. Ang pinagkaiba lang nila, si darna nakatwo-piece, siya ay hindi. Mukha na siyang sadako ng makarating siya sa sakayan kaya pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala siyang pakialam. Ang makasakay na ang mahalaga sa kaniya ngayon. Sa taxi na lang siguro siya mag-aayos.
Nang may matanawan siyang taxi ay agad niya iyong pinara. Nang mahawakan na niya ang pinto ay napakunot siya ng noo. Sinipat niya ang isa pang kamay na nakahawak roon na sigurado siyang hindi kaniya. Umakyat ang kaniyang paningin sa kamay nito patungo sa braso nito hanggang sa mukha nito.
"Sus maria! Hulog ba ito ng langit?" Dumako ang paningin niya sa labi nitong bumubuka ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi sapagkat biglang tumahimik ang lahat.
"Miss, nakikinig ka ba? And please, bitiwan mo ‘yong pinto. Ako ang nauna rito." Napansin niyang kumunot noo ito. Niyugyog nito ang kaniyang balikat.
"Miss please, I'm busy, and I don't have time for this." Para siyang na hipnotistmo sa boses nitong baritono. Bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang umalpas na salita roon. Unti-unti niyang binitawan ang hawakan ng pinto.
"Thanks." Tinapik siya nito sa balikat bago pumasok sa loob ng taxi. Nang tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin ay doon lang siya nahimasmasan.
"Ay letsugas! Tinamaan ng lintik." Nagpapadyak siya sa sahig dahil sa nangyari.
Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kagagahan niya. Mas lalong niyang ginipit ang sarili sa oras. Gaga! May pahulog-hulogka pa kasingnalalaman. Eh kung ikaw kaya ang sumalangit? Kaloka! Sermon ng magaling niyang isip.
Maryosep! Paano na ‘to? Hiling niya ay sana may dumaan ng taxi. Dininig naman ang kaniyang panalangin ng may paparating na taxi.
Agad niya iyong pinara at sinabi ang eksaktong lugar na pupuntahan niya.
"Sa Five Engineering Firm po manong. Pakibilisan na rin ho, malelate na ho talaga ako sa interview. Salamat.”
Sinunod naman siya ng taxi driver at binilisan nito ang pagpapatakbo. Inayos niya ang gusot niyang damit at pinagpag iyon. Kalalagay pa lang niya ng press powder sa kaniyang mukha ng sabihin sa kaniyang nakarating na sila. Anak naman ng teteng! Hindi pa niya nasusuklay nang maayos ang kaniyang mahabang buhok.
MABILIS siyang nagbayad sa driver bago umibis sa taxi. Lakad takbo ang kaniyang ginawa para maabutan ang pasarang elevator.
"Sandali!" hiyaw niya saka pinigilan ang pagsara ng pinto.
Hingal na hingal siyang pumasok sa elevator. Pinaningkitan niya ito ng mata ng makilala niya ito. Ito iyong lalaking umagaw sa taxing pinara niya. Diretso lang ang tingin nito sa pinto. Kung minamalas ka nga naman Sharina.
"Hoy lalaki!" tinawag niya ito. Lumingon ito sa kaniya at pinamaywangan niya ito.
"Ikaw! Mang-aagaw ka!" At pinandilatan ito ng mata.
Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.
"Miss, wala akong inaagaw sa’yo," sagot nito sa mababang boses. Infairness! Napakalamig sa pandinig ang boses nito.
"Anong wala! Hinipnotismo mo kaya ako kung kaya nakuha mo ‘yong taxi!" Naikuyom niya ang kamay sa panggagalaiti. Damn this geek god! Sige puri pa.
Umarko ang kilay nito sa sinabi niya. "Miss, for your information. Hindi ko inagaw sayo ang taxi dahil ako ang unang pumara. Nalagpasan lang ako." Aba'tmangangatwiran pa ang loko.
"And of course, it's not my fault kung nabighani ka sa kaguwapuhan ko." Ngumisi pa ito.
Umawang ang bibig niya sa huling sinabi nito. Hambog! Masiyadong mahangin.
"Hoy mister! Hindi ako naguwaguwapuhan sa’yo!" Hindi niya maiwasang mapairap, singtaas ng Burj Khalifa ang confidence nito sa sarili.
Maglilitaniya pa sana siya nang mapatingin siya sa kaniyang gilid. Patay! Dalawang palapag na lang, hindi pa siya nakakapag ayos. Binalingan niya ang lalaki. Diretso na muli ang tingin nito sa pinto.
Inismiran niya ito at inirapan. May araw rin sa kaniya ang lalaking ito. Kinuha niya ang kaniyang lipstick at pinahiran niya ang kaniyang labi. Ginamit niyang salamin ang dingding ng elevator.
"Kaloka! Haggard pa rin ako." Napasimangot siya nang mabistahan niya ang sariling repleksyon. Mukha na siyang bruha.
Ano pa ba ang kailangan niyang gawin? Tama! Suklay! Kailangan niyang suklayan ang kaniyang buhok ng magmukha naman siyang presentable.
Nagmamadali ang kaniyang kamay sa paghahanap ng kaniyang suklay. Nang makita niya iyon ay agad niyang sinuklay ang kaniyang mahabang buhok.
Ito lang mahirap sa mahaba ang buhok. Bukod sa aksayado sa shampoo pahirapan pa ng suklay.
Eksaktong natapos siyang mag-ayos nang bumukas ang elevator. Pagtingin niya sa paligid ay wala na ito. Napakabilis naman nitongmaglakad? Tila isang bula sa hangin na pumutok.
Pinagmasdan niya ang paligid. Nakaagaw sa kaniyang atensyon ang isang silid. Napahawak siya sa dibdib, lumakas ang tibok ng puso niya at naging eratiko ang ritmo niyon.
ENGR. BLUE DE LUNA...
______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'RomanticaMambabasangManunulat) to support me. . . THANKS!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.